KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

celfone,txt…at ang mga palong palong JEJEMONS! bow! :)

napaka importante sa buhay natin ngayon ang cellphone…naalala ko dati, nauna ang mga pagers! syempre sosyal ka pag meron kang easycall o pocketbell..kaso nalaos din dahil sa pagpasok ng “mobile” (yan ang sosyal na tawag syet! konyo!) ang pinakauna na modelo ay yung nakalagay pa sa atache case..punyeta pra kang may dalang landline o minsan prang bomba nkalagay sa loob ng case! at napakabigat!…hanggang syempre…lumiit ng konti..para handy, kaso mejo malaki pa rin kasi prang pangkudkod sa yelo ang itsura di ba?? at syempre naglabasan na lahat ng klase at mas lumiit ng lumiit…

ang pinaka paborito ko noon ay ang… alcatel…ang cute! prang sabon na safegaurd ang hugis..at syempre sumikat na nokia! ang tumagal (i think) ay ang 3210…yessss!! taray! daming casing na pwede mong palit palitan everyday! at aminin, lahat ata tyo nagpalit ng….backlight!! pra ng tanga yung fone…dinaig ang star city sa kinang at liwanag (yung sakin blue na palong palo sa liwanag!) jan sumikat ang greenhills! palit lcd…keypads na rubber at mga matching na umiilaw na sinasabit na prang keychain (na pag may tawag ka o txt iilaw yon!) gusto ko rin yung “matrix” style na nokia, nakaka sosyal..pag sagot mo sa tawag…CHAAAAK!! may tunog pag pindot mo pra lumabas keypads! hehe..

syempre sa tagal ng panahon na dumaan…nag evolve na pati ang pag text….syempre tinamad na tayo na kumpletuhin mga sentence (o minsan palusot lang pra hindi mapuna na tatanga tanga tayo sa spelling) kaya nauso ang pagpapaiksi sa mga words..minsan hirap na rin intindihin tulad ng…. SAN N U? D2 N Q…”ako” pinalitan ng Q…katamaran din talaga…..ngayon ang hindi ko maintindihan..(sensya na sa mga apektado) ang mga….JEJEMONS!! uso na na mas pinapahaba ba ngayon ang txt na masakit sa matang basahin sa dami ng symbols?!! anong nangyareeeeee??……Β  ElLohW P0wHh..>~~MuzZhtAhh n@ poWHh keYOHhh??><~~ minsan prang naiisip ko na ginagago na tayoΒ  lalo na vocabulary natin…akalain mo, pinaiksi na tapos pinahaba ngayon at pahirapan pa?? EWAN DIN! pro kanya kanyang trip yan…kung san kyo masaya….BAhalaHH POe keOO s@ Lyfffhh nYOww poHWww…(punyeta ang hirap mag type jejemon style!) LoLLzzzZZZZZzz“`~~<>:”p{;+_)0(}<&5^#$….Β  hehehehe!..plangaaaaaaaak! πŸ™‚

K πŸ™‚

Advertisements

April 25, 2010 Posted by | Uncategorized | 27 Comments

mga pelikula, telenovela…. :)

tayong mga pilipino ay sadyang mga adik sa kapapanood ng mga pelikuka at mga telenovela…pero aminin natin na parang minsan parepareho ang mga nangyayari o paulit ulit ang scenario o may mga bagay na hindi na makatotohanan…pero ganon talaga..utos ng direktor.. at kahit ganon pa man… super naaliw pa din tayo at tuloy sa panonood kasi magagaling at magaganda naman ang pagkakagawa..etong chika kong to ay napansin ko lng naman at nakakatawa lng din…

sa action na pelikula…(lalo na pag pinoy) dapat laging may na ra-rape (jowa, kamaganak) para magkaroon ng dahilan ang bida pra maghiganti..may kasabihan ang mga “responsible gun owners” na pag tinutok mo ang baril, dapat iputok mo! kaya nga bawal magtutok di ba?? sa pelikula….ayan na ang kontrabida (syet! galit na galit na ang bida na damang dama ng nanonood) pro anong gagawin…..makikipag chikahan pa?! habang tutok ang baril, manunumbat muna, ibabalik ang nakaraan, mag eemote…ayun tuloy nakatakas pa ang gago!….sumabog na kotse…tumambling sa ere…nabaril at nabugbog mula ulo hanggang paa…buhay pa?! at dapat may “sidekick” kang comic relief (sna ma experience ko yan)

sa horror (eto favorite kong genre sa lahat!) ayan na ang multo/aswang….sa tunay na buhay pag nangyari yon dapat tumakbo kna o hinimatay na lang dba?? sa pelikula kelangan dahan dahan ka pang sisislip, magdadalawang isip pa, kahit may dugo na sa paligid makiki chismis ka pa imbes tumawag ng pulis o tumakbo sa kapitbahay pra humingi ng tulong…pag napatumba mo na kontrabida (na lahat na ata ng kubyertos sa bahay isinaksak mo na) che-check mo pa kung buhay pa ang punyetang kalaban…syempre hindi pa! hello???!! saka ka pa tatakbo pero, hihinto din pra lumingon…ayun! tanga! nadali tuloy!…. nauso ang mga asian horror….c sadako ang nagsimula ng lahat! (idol!!) nampuchang buhok! hindi uso rebond, at foundation day sa sobrang puti ng mukha! at daig pa ang may osteoperosis o contortionist sa pagbabali bali ng katawan ha! at super mega slow motion ang drama! ginaya na nga sya ng lahat, ganon c sadako ka sikat! dapat sya model ng beer na….super dry for hair at….gatas kontra sa calcium! hehe..

sa telenovela….bakit dapat may bida na magkakaroon ng….amnesia?? mahirap sa una yayaman sa huli dapat?…pag nageemote dapat may…ulan??…at pag humahagulgol….sa dingding at pababa ang hagod??…pro cute mga koreanovela….laging may eksena sa.. bike…inaangkas lagi ni boy sa likod si girl..hehe…aliw! anyways….kahit ano pa man ang napansin ko…ang pelikula at mga telenovela ang pinakamurang….libangan nating mga pinoy!! plangaaaaak!! :))

April 21, 2010 Posted by | Uncategorized | 29 Comments

may “K” ka ba?? ;)

sabi nila…..ang kagandahan ay nasa loob….kaya kung feeling mo hindi ka maganda….wag kanang lumabas!! charozzz!! hehe…pra sa akin, iba iba ang level ng ganda o ka-seksihan…minsan attitude lng yan..paniniwala o superstitious belief! pro aminin natin, tayo ay tao lamang, karamihan ay tumitingin sa unang nakikita..oo…lagi nating sinasabi na, gusto ko ng mabait etc…kso pag nakita mo ba ang isang tao sa isang iglap…alam mo ba agad na mabait?? syempre yung itsura makikita mo…pero ano ba ang basehan ng pagiging “maganda”??

kelangan ba matangos ang ilong?? (punyeta naalala ko yung nabibili sa home shopping network dati na “spring” na nilalagay sa ilong pra instant at kung kelan mo lang feel na tumangos?! gudluck pag nasinghot mo yon!) kelangan ba mahaba at maganda ang buhok?? (na parang babae sa balete o si sadaku) maputi?? (kasing puti ni toshiyo sa the ring) na halos sahog mo na sa kanin mga papaya soap at gluta etc….kelangan ba hubog na hubog ang katawan…..yung malaki boobs?? (aminin,Β  yung ibang “gawa” ang tigas at abot hanggang leeg….ehemm…yung saken binili ko sa raon, 2nd hand lng at malambot, kasi….pinakukuluan ko ksabay ng nilaga! hehe) kelangan ba malaki ang behind? na minsan daig pa c jollibee?? kelanagan ba maganda hugis ng legs?? (yung sakin gawa sa lawanit! kahit wlang stockings….may run! ehehehe) maganda paa?? (dami jan na ang paa parang…luya…nakakalat!) maganda mata?? dami ng enhancements pra sa mata ngayon, anjan ang contact lense na lahat ata ng kulay ng crayola…available! at mga lashes extentions! (na prang paa ng….ipis na nakakabit sa talukap syet!)…..hmmmm….hindi porke maganda para saken eh maganda para sa iba…

nung nag pose ako sa FHM…ang saya ko! hindi dahil feeling ko maganda o seksi ako (walang etchos!) dahil minsan lang ang ganong pagkakataon…pro hirap din plang magpanggap na maging maganda at seksi!! sakit sa katawan sa kakaliyad sa mga posing! ilang beses ata akong naipitan ng ugat syet! tapos kelangan “pouting” lips ka lagi! tinodo ko…kaya…POUCHING ang kinalabasan! at minsan daming kuha sa magazine na sobra sa photo shop!! parang hindi na tao…mukha ng painting! pro syempre….maganda nman kung sakto lng…ngayon botohan at akalain nyo….kasali ako sa voting ng 100 sexiest! wooooow!! sabi ko nga kahit pang 99 lang makapasok…pro ayaw kong umasa…baka masaktan lang ako…at baka dun ako sa 100…..and one dalmatians pasok!! bwahahaha!! haaayy!! basta….kung hindi ka man kuntento sa itsura mo, choice mo kung papa retoke ka….pro kung pangit naman ng ugali mo?? gudluck sa karma, dahil ang karma….digital at HD at LED na! basta maganda tayong lahat….walang pakialaman! paaaaak!! πŸ™‚

April 15, 2010 Posted by | Uncategorized | 20 Comments

lovelife??? watdpaaak?!! :))

bago ang lahat…maraming salamat sa mga magagandang comments! at pasensya na kung hindi ko alam ang tamang “style” ng pagsusulat! eh wala nman akong alam kundi….mag type! (kayo na nga lang tong nakikibasa…kayo mag adjust! charozzzzz pempengkooooo!) so…..pag usapan natin ang non existing kong lovelife….bakit 4 years na akong single?? bakit nga ba? tinatanong ko din sarili ko eh….. hindi pa sumasagot! hehe.. choosy ba ako?? hindi rin! nagkataon lang na wala pa yung guy who will make me complete! (from A to ZINC!) that special someone who will fill the void! (lalim nung void syet!) ang daming nauusong “banat”…sobrang cheeeeeezzzyyy! pero aminin natin, yan talaga gusto nating marinig…

(ayan…ibang paragraph na! hehe) gusto kong sabihan ako ng…YOU ARE THE…itlog on my talong..nyog on my putobungbong, bagoong on my kangkong….you are the…..apple of my eye, palaman in my tinapay, ipin in my suklay, blood of my atay, bubbles of my laway, toyo on my syomai, dream of my nanay, calcium in my kalansay, wind when i paypay, tungkod when im pilay, cure to my ARAY, answer to my “WHY”??…i am nangingisay!! gusto ko talagang makahanap na sasabihan ako ng…ganda mo k!! kahit anong anggulo! mapa front view…side view…top view…rear view…kasi….I LOVE VIEW!! wapaaaaak!!

buti pa ang iba sa inyo…pag uwi sa bahay, may nag aalaga at may ka labing labing..ako?? ano ba inaatupag ko pag galing taping?show etc..?? ano pa eh d internet!! ano inaalala ko??? nakakain at nakaligo na ba pet ko sa….pet society?? kung tamang oras na para mag harvest sa…..farmville?!! kung ready to serve na ba mga niluto ko sa…cafe world?! haaaaaayy! buti pa dati iba ibig sabihin ng FB….(oh for adults only! wag mag react!! hehe) FUBU….o F**K BUDDY DI BA?? well, wag tayong magmalinis, hindi porke walang lovelife eh wala ka ring…sexlife…magkaiba yon! at nagkataon na pareho ako wala non! wala talag akong ka FB! ngayon ang fb….puro friends request lang…wholesome syet!!

sa ngayon…ok lang naman maging single…masaya naman ako kahit magisa at single mom…carreer muna! darating din yan! may mga lumalapit din naman, kaso karamihan….bagets! wala namang problema kung deserving talaga (kasi been there, done that!) kaso minsan feeling ko..nagmumukha akong…tyahin! at sabi nga ni miss maricel soriano sa commercial….baka makasira ako sa….GROWTH GAP YEARS nila! hehe….basta think possitive! walang aayaw!! wag mawalan ng pag asa! maiinlab din ako sa tamang panahon! basta wala pa akong….100! kaya kung sino ka man punyeta ka na parating pa lang sa buhay ko….mahal na kitaaaaaaaa!! syet!! hihihi! πŸ™‚

K πŸ™‚

April 12, 2010 Posted by | Uncategorized | 58 Comments

mga palong palong chika atbp…. :))

halos lahat ng kaibigan k0 ay mga normal na tao lamang…pro karamihan ay mga matataas na uri ng halamang dagat (in short..mga bading) aylavdem!!…marami akong narinig na palong palong chika sa kanila na nakakatawa kya naman share ko sa inyo..minsan tinxt ako..teh meron kabang dvd ng GOSIP GIRL?? sagot ako….teh kulang ng “S”…reply nman sha agad…..ayy sorry, hehe….GOSIPS GIRL pala! wapaaaak! may friend din ako na nagtxt na nage-emote….teeeehhh..bakit ganon?! feeling ko tuwing nagiisa ako…..WALA AKONG…..KASAMA! (ano daw??!!) may follow up question pako…sino kasama mo??…sagot…ako lang….WITH MY FRIENDS!! (gulooooo?!) may nagyaya naman saken sa MOA nung kabubukas pa lng…with feelings nyang sinabi na….alam mo ang laki laking mall daw ng moa!! mas malaki pa ata sa….GREAT MALL OF CHINA!! bwahahaha…well, d nman ng mga chikang ganyan ay puro bading kong friends nanggaling…may naka date ako before na kinukulit akong mag coffee… ng 1 am?!! watdpaaak?! magkakape lang ako ng ganong oras kung may lamay sa patay!! kaya sinagot ko sha…may kape kami sa haws noh!! hehe.. mga guys din minsan…para paraan! ewan din! may friend din ako na tumambay sa haws, nasa cr sha ng may nag miscol sa cell nya….sigaw sha galing cr (with matching echo) tehh…fone ko ba yon?? sagot ako…yes, may nag miscol! sagot naman nya…..ANONG SABI??? miscol nga di ba?! kakaloka! minsan talaga hindi maiiwasan ang mga ganyang sabaw na chika, at hindi ko sinasabi na below sea level mga IQ nila..nagkataon lang nman! tamaaaaahh!! hanggang sa muli…. K :))

April 11, 2010 Posted by | Uncategorized | 34 Comments

naaalala nyo pa ba…..???

hindi siguro lahat ng makakabasa nito ay makaka-relate….at marami dito ang na tweet ko na rin….anyways, pag usapan natin ang mga palong palong naaalala ko nung bagets pako…marahil (syet ang lalim!) karamihan sa inyo ay meron ganito sa bahay…lahat ata ng bahay sa pilipinas kelangan may painting ng last supper sa dining! at may naka display na higanteng kutsara at tinidor na gawa sa kahoy! (uyyy meron sila!) at hindi rin mawawala ang carpet na pinako sa dingding na nagsusugal na mga aso habang nagyoyosi! (yung isang aso, madaya! may naka ipit sa “paws” nya na alas sa ilalaim ng table!) akalain mong nakakaupo pla ng ganon ang mga aso?!Β  meron ding painting ng “happy family”…tatay ay aso, nanay ay pusa….mga bagets….sisiw!! watdpaaaak?! hehehe…aminin, dati ang tawag sa ref ay…FRIDGIDERRR!! sa living room naman…ang tv nasa loob ng…closet! yung parang bintana ang dating! naalala ko yung tv namin ang taray ng pihitan!….LONG NOSE! tpos ang antenna….TINIDOR! hindi pa uso cable non…inaabangan ko lagi sa channel 9 mga palabas ni jackie chan….at sa channel 13 ang mga cartoons tulad ng voltez 5, c daimos na may jowang may pakpak na wlang puknat ang sigaw kay….RICHAAAAAARDD! nampuchang erika yan…favorite ko sa lahat si astroboy! malakas kutob ko….bakla yon! kasi ba nman….ang bazuka!….nsa PWET!! ehehe…at syempre si shaider at assistant nyang si annie na lagi kita ang panty!!…ayun..pag may maalala pako, i blog ko uli! wapaaak!! at pag may naalala din kayo, share nyo…..kung ayaw nyo…..eh d wag! hehe :))

April 8, 2010 Posted by | Uncategorized | 55 Comments

k brosas po name ko….:))

  1. ako po si….k brosas….yan ang screen name ko, galing sa kakai or kai na nickname ko o maria carmela (pang tele novela ha) na tunay kong pangalan…nakakaloka lng minsan, sa 10 yrs ko na sa showbiz madami pa din hindi nakakaalam sa napaka simpleng pangalan ko o baka lng tlaga hindi ako ganon kakilala…isang letra lang… K…yun lng…hindi po ..kaye…o kei.. madaming beses na may tumawag sa akin with matching sigaw at halos iyak na…”grabe!!! idol kita!! sobraaaaa!! lahat ng shows mo sinusubaybayan kooooo!! lab na lab kitaaaaa!!! idol!… idol KATE!!!” ano raw?!! hehehe….pro syempre, dedma lng ako…sagot lang ako…salamat! oo nga fan ka nga!…. anjan naman minsan ang…”iba ka! kakaiba ka! nakakatawa ka talaga!!….galing mo….KΒ  BROAS!!!”…Β  broas?? kelan pako naging biscuit?? pag sinabi ko na ahhhh…BROSAS po…..syempre sagot nman nila….pasensya! (biscuit din ang pasensya dba?!) hahaha…pro nakakaloka sa lahat ay angΒ  hindi nila masabi panagalan mo, minsan pag nakikita ako…”aaaayyy!! si ano! si….ano!!! favorite ko yan si ano!! napapanood ko yan sa ano!! si ano yan!!” sarap lapitan at sabihan na ….ehem AKO NGA!!… SI ANO!! hehe…. may na-experience din ako dati na lumapit saken, ganda ko raw….syempre smile ako…super ganda ko raw….napaka PHOTOGENIC ko daw sa…PERSONAL!! wapaaaaakkk!! pwede ring telegenic sa personal! ewan ko din….may nagsabi din na ang puti puti ko daw sa personal, (syempre tisay ako noh! half american ako at half……TIKI TIKI!) sobrang puti ko daw! nalaman ko lng na….black and white pa din pala tv nila…eh kahit super morena mapanood mo sa black and white na tv eh puputi sa personal!…..basta masasabi ko lng….mas maganda ako sa personal!! pramis! hihihihi!! I…THANK YOU! BOW! πŸ™‚

April 7, 2010 Posted by | Uncategorized | 41 Comments

my first blog..wala lang..paaak! :)

soooo….eto na, sinimulan ko na…hmmm…ano ang pwede kong ikwento?…alam nyo hindi nman tlaga ako “techy” na tao, dati wla akong alam sa computer kundi makipag laban sa brother ko para makuha ang punyetang princess sa mario brothers..na in fairness na memorize ko lahat ng klaseng pandadaya! sa pc ang alam ko lang…delete! ngayon sandamakmak na dapat malaman, anjan ang friendster, facebook, twitter etc… d kna makakawala sa internet, mahahanap at mahahanap ka! tpos lahat yan pwede mo na ring ilagay sa cellfone! grabe d kna magkandauugaga…may txt, tawag, ym, bbm! pag naka activate lahat…low bat agad! anjan pa ang sangkatutak na games! dati tetris lng adik na adik kna (aminin napapanaginipan na natin ang mga gagong bricks na naglalaglagan!), ngayon pataasan ng level sa farmville (ehem..level 59 at 55 nako syet!) cafe world, etc… at ang pinakasabaw na game…plants versus zombie (parang tanga lang..) pero sa lahat..natutuwa ako sa twitter, una ka sa balita! bago mapunta sa news, nabasa mo na agad sa twitter…pra sa mga chismosang katulad ko! dapat wlang pakialaman sa tweet..maging totoo ka. kaya nga gusto kong ipasa sa senado o congresso ang…FREEDOM OF TWEET! maging totoo tyong lahat..ang english ng totoo o tunay ay FACT…so kung may kilala kang totoong tao sabihan mo ng….FACT YOU!! totoo ka! tama! FACT YOU!….hanggang sa muli…dami pkong kwento, test blog lng to syet! wapaaaak! πŸ™‚

April 6, 2010 Posted by | Uncategorized | 42 Comments

Hello world!

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!

April 6, 2010 Posted by | Uncategorized | 12 Comments