KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

may “K” ka ba?? ;)

sabi nila…..ang kagandahan ay nasa loob….kaya kung feeling mo hindi ka maganda….wag kanang lumabas!! charozzz!! hehe…pra sa akin, iba iba ang level ng ganda o ka-seksihan…minsan attitude lng yan..paniniwala o superstitious belief! pro aminin natin, tayo ay tao lamang, karamihan ay tumitingin sa unang nakikita..oo…lagi nating sinasabi na, gusto ko ng mabait etc…kso pag nakita mo ba ang isang tao sa isang iglap…alam mo ba agad na mabait?? syempre yung itsura makikita mo…pero ano ba ang basehan ng pagiging “maganda”??

kelangan ba matangos ang ilong?? (punyeta naalala ko yung nabibili sa home shopping network dati na “spring” na nilalagay sa ilong pra instant at kung kelan mo lang feel na tumangos?! gudluck pag nasinghot mo yon!) kelangan ba mahaba at maganda ang buhok?? (na parang babae sa balete o si sadaku) maputi?? (kasing puti ni toshiyo sa the ring) na halos sahog mo na sa kanin mga papaya soap at gluta etc….kelangan ba hubog na hubog ang katawan…..yung malaki boobs?? (aminin,Β  yung ibang “gawa” ang tigas at abot hanggang leeg….ehemm…yung saken binili ko sa raon, 2nd hand lng at malambot, kasi….pinakukuluan ko ksabay ng nilaga! hehe) kelangan ba malaki ang behind? na minsan daig pa c jollibee?? kelanagan ba maganda hugis ng legs?? (yung sakin gawa sa lawanit! kahit wlang stockings….may run! ehehehe) maganda paa?? (dami jan na ang paa parang…luya…nakakalat!) maganda mata?? dami ng enhancements pra sa mata ngayon, anjan ang contact lense na lahat ata ng kulay ng crayola…available! at mga lashes extentions! (na prang paa ng….ipis na nakakabit sa talukap syet!)…..hmmmm….hindi porke maganda para saken eh maganda para sa iba…

nung nag pose ako sa FHM…ang saya ko! hindi dahil feeling ko maganda o seksi ako (walang etchos!) dahil minsan lang ang ganong pagkakataon…pro hirap din plang magpanggap na maging maganda at seksi!! sakit sa katawan sa kakaliyad sa mga posing! ilang beses ata akong naipitan ng ugat syet! tapos kelangan “pouting” lips ka lagi! tinodo ko…kaya…POUCHING ang kinalabasan! at minsan daming kuha sa magazine na sobra sa photo shop!! parang hindi na tao…mukha ng painting! pro syempre….maganda nman kung sakto lng…ngayon botohan at akalain nyo….kasali ako sa voting ng 100 sexiest! wooooow!! sabi ko nga kahit pang 99 lang makapasok…pro ayaw kong umasa…baka masaktan lang ako…at baka dun ako sa 100…..and one dalmatians pasok!! bwahahaha!! haaayy!! basta….kung hindi ka man kuntento sa itsura mo, choice mo kung papa retoke ka….pro kung pangit naman ng ugali mo?? gudluck sa karma, dahil ang karma….digital at HD at LED na! basta maganda tayong lahat….walang pakialaman! paaaaak!! πŸ™‚

Advertisements

April 15, 2010 - Posted by | Uncategorized

20 Comments »

  1. ang ganda ay nasa isip lamang.. Pero ung totoong tao.. Nasan?? πŸ™‚

    Comment by cathy | April 15, 2010 | Reply

  2. haha..natawa ku aa..
    nice wun K!!!

    K na K ka tlga!!!

    Comment by majaneda | April 15, 2010 | Reply

  3. TUMPAK!!! Naka capslock pa yan!

    Comment by Nina | April 15, 2010 | Reply

    • korak….

      Comment by kaye | April 16, 2010 | Reply

  4. haha..sobrang nag-enjoy ako sa entries mo ms. K! mukha akong tanga dito sa office, tumatawa akong mag-isa..naggawa din tuloy ako ng blog ko..nainggit ako sayo eh..loveth!! πŸ™‚

    Comment by chiz-it | April 16, 2010 | Reply

  5. K-may kasabihan na beauty lies in the eyes of the beholder. Ano sa tingin mo?

    Comment by Limar | April 16, 2010 | Reply

  6. haah right pero diba Sadako yun?

    Comment by prraangko | April 16, 2010 | Reply

  7. Hindi ko kinaya ang entry na ito. Haha. Panalo.
    What is even funnier is that when I shared a part of your blog to a friend (who is kinda slow) about the boobs thingy… Eto ang reply:

    (friend): ha?
    (friend): meron ba nun sa raon?

    LOL! πŸ˜€

    Comment by Tago Fabic | April 16, 2010 | Reply

  8. ikaw ms.k, nagparetoke ka po ba ng nose o natural na yan? hehehe just asking lang

    Comment by taneshka | April 16, 2010 | Reply

  9. AGREE 100%! Pero tanong ko lang…maganda ba ako sa tingin mo? CHOZZZZ! Joke lang! Hahahaha!

    Comment by Maia | April 16, 2010 | Reply

  10. hi ms. k…nakakaaliw naman mga sinusulat mo sito sa blog site mo.
    keep on sharing your thoughts and experiences…God bless.

    Comment by liezl | April 16, 2010 | Reply

  11. hahahaha! may tama ka, ateh! mahusay na blog.

    Comment by Sarrah | April 16, 2010 | Reply

  12. Nice bl0g.. Kakaaliw..my p0int k dun ateh..^_^

    Comment by Shin | April 16, 2010 | Reply

  13. β€œspring” na nilalagay sa ilong β€” OMGGG! I KNOW THAT. BUMILI NANAY KO NON SYET!!!!! BWAHAHAHA.

    Comment by β€”kerviβ€” | April 16, 2010 | Reply

  14. haha..nakakatawa ka talaga! panalo ka dun sa “spring” na nilalagay sa ilong..bwahahaha kaloka minsan mga naiimbento.. basta may maimbento nlng haha :))

    Comment by cjaescobedo | April 16, 2010 | Reply

  15. hahahaaha. punieta ka K! natawa ku dun taena,
    naalala ku ung spring n un, gustu ku nga nun kaso my allergic rhinitis aku, bka macnghot ko. hahahaaaaaa.

    Comment by Acee | April 16, 2010 | Reply

  16. beauty lies in the eyes of the beerholder?

    πŸ™‚ beauty is subjective. and im fine with it. basta sa mundo ko, maganda ako. kahit kami lang ng nanay ko ang maniwala, keri lang!

    Comment by Iya Santos | April 18, 2010 | Reply

  17. totoo yan mas madalas nakikita ng tao ang pang kalabasan tapos huhusgahan lalo na’t kung pangit, experienced ko na ya. kailangan maging strong parati & always positive. tama ba K??? thanks πŸ™‚

    Comment by evelyn | April 22, 2010 | Reply

  18. Sobrang katuwa nman ng entries…kakatanggal stress

    Comment by Meng | April 27, 2010 | Reply

  19. Hi miss K…tehhhh…tuwangtuwa naman ako sa mga blogs mo…I am a person na hindi mahilig magbasa ng mga blogs lalo na nang full text kaya nga ayaw ko talagang magbasa ng poketbooks kasi nga walang at walang drawing…mas naaliw ako sa komiks heheheh….pero tehhhh panalo talaga itong blog mo kasi nga na aaliw talaga ako….buti na lang napanood kita sa simply KC at sinabi mo nga na may blog site ka…Sana di ka magsawang magblog ha at ingat ka palagi God Bless you…Keep on Praying…

    Comment by Divine | July 15, 2010 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: