KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

mga pelikula, telenovela…. :)

tayong mga pilipino ay sadyang mga adik sa kapapanood ng mga pelikuka at mga telenovela…pero aminin natin na parang minsan parepareho ang mga nangyayari o paulit ulit ang scenario o may mga bagay na hindi na makatotohanan…pero ganon talaga..utos ng direktor.. at kahit ganon pa man… super naaliw pa din tayo at tuloy sa panonood kasi magagaling at magaganda naman ang pagkakagawa..etong chika kong to ay napansin ko lng naman at nakakatawa lng din…

sa action na pelikula…(lalo na pag pinoy) dapat laging may na ra-rape (jowa, kamaganak) para magkaroon ng dahilan ang bida pra maghiganti..may kasabihan ang mga “responsible gun owners” na pag tinutok mo ang baril, dapat iputok mo! kaya nga bawal magtutok di ba?? sa pelikula….ayan na ang kontrabida (syet! galit na galit na ang bida na damang dama ng nanonood) pro anong gagawin…..makikipag chikahan pa?! habang tutok ang baril, manunumbat muna, ibabalik ang nakaraan, mag eemote…ayun tuloy nakatakas pa ang gago!….sumabog na kotse…tumambling sa ere…nabaril at nabugbog mula ulo hanggang paa…buhay pa?! at dapat may “sidekick” kang comic relief (sna ma experience ko yan)

sa horror (eto favorite kong genre sa lahat!) ayan na ang multo/aswang….sa tunay na buhay pag nangyari yon dapat tumakbo kna o hinimatay na lang dba?? sa pelikula kelangan dahan dahan ka pang sisislip, magdadalawang isip pa, kahit may dugo na sa paligid makiki chismis ka pa imbes tumawag ng pulis o tumakbo sa kapitbahay pra humingi ng tulong…pag napatumba mo na kontrabida (na lahat na ata ng kubyertos sa bahay isinaksak mo na) che-check mo pa kung buhay pa ang punyetang kalaban…syempre hindi pa! hello???!! saka ka pa tatakbo pero, hihinto din pra lumingon…ayun! tanga! nadali tuloy!…. nauso ang mga asian horror….c sadako ang nagsimula ng lahat! (idol!!) nampuchang buhok! hindi uso rebond, at foundation day sa sobrang puti ng mukha! at daig pa ang may osteoperosis o contortionist sa pagbabali bali ng katawan ha! at super mega slow motion ang drama! ginaya na nga sya ng lahat, ganon c sadako ka sikat! dapat sya model ng beer na….super dry for hair at….gatas kontra sa calcium! hehe..

sa telenovela….bakit dapat may bida na magkakaroon ng….amnesia?? mahirap sa una yayaman sa huli dapat?…pag nageemote dapat may…ulan??…at pag humahagulgol….sa dingding at pababa ang hagod??…pro cute mga koreanovela….laging may eksena sa.. bike…inaangkas lagi ni boy sa likod si girl..hehe…aliw! anyways….kahit ano pa man ang napansin ko…ang pelikula at mga telenovela ang pinakamurang….libangan nating mga pinoy!! plangaaaaak!! :))

Advertisements

April 21, 2010 - Posted by | Uncategorized

29 Comments »

  1. I agree with you ate K! yan mga common scenes sa pinoy movie..pro dati din usong uso ung mala MTV na may kantahan pa at sayawan ang all cast db? kaaliw un! hehe.. more blogs pa ate! 🙂

    Comment by paoweeboo | April 21, 2010 | Reply

  2. panalo ka ate K!.. wahahah.. *apir* more entries pa po.. 🙂

    http://twitter.com/breakawayjay

    Comment by jay-ardestura | April 21, 2010 | Reply

  3. ang lahat ng ito ay…. tamaaaaaaaaaaaaa! 🙂

    Comment by erikatickles | April 21, 2010 | Reply

  4. Korek ka dyan Ms. K! Nakalimutan mo pa na pag may sulat, kailangan binabasa ng malakas or nagsasalita yung sumulat. Sana nga pag nagbasa yung heroine ng telenovela, lagyan na lang nya ng earphones yung sulat para mas naririnig nya di ba? Waahahahahaa… Wagi ka pa rin as ever!!! Inaabangan ko lagi ang tweets mo na may bago ka nang isinulat sa blog… keep it coming!

    Comment by belaybaby | April 21, 2010 | Reply

  5. oo nga laging me sidekick ang bida.

    I’m following you on twitter.:)

    Comment by Mayet | April 21, 2010 | Reply

  6. signature din ng asian series ang walang kamatayang piggy back ride hehe..

    Comment by miyo | April 22, 2010 | Reply

  7. hahaha totoo lahat yan! Tapos kapag yung babaeng bida na mahirap eh yumaman nagiging kulot tapos gaganti sa mga nang api sa kanya!
    At ang laging pasalubong ng ama, ina, kapatid, o kabit sa pamilya nya eh PANSIT na mainit! lol

    Comment by Ogot | April 22, 2010 | Reply

  8. nice blog miss K…

    hehe… tama naman…

    yan ang typical…

    dati ayaw ko ng mga filipino movies but
    ung napanuod ko yung mga pelikula
    ng Star Cinema… iba talaga…
    syempre… KAPAMILYA… hehe

    by the way…

    visit niyo po
    blog ko… about love naman po yan…
    writer po kasi ako sa theatre namin… hehe…

    http://www.nevermore18.wordpress.com

    GOD BLESS…

    Comment by nevermore18 | April 22, 2010 | Reply

  9. Tama!!

    Comment by Haha | April 22, 2010 | Reply

  10. nakakatawa blog mo coz lahat totoo 🙂
    at dagdag ko lng..pag pinoy movie as always dumadating ang pulis pagka tapos ng gulo.
    Pag bida obviously d talaga namamatay pro pag natamaan man ng baril sa balikat palagi ang tama.

    Comment by bonbon | April 22, 2010 | Reply

  11. i sooo love your blog k! nakakatuwa! its so fun to read, kaloka. hahaha. wish you all the best and all good shits in life:]

    Comment by shanky | April 22, 2010 | Reply

  12. Hi ask lang po sana kung magkano ang TF mo…. we are planning kasi to invite you here in Bohol……

    thanks…. please kindly reply at junsy@ymail.com….

    Comment by JACOB | April 22, 2010 | Reply

  13. ang galing mo ate K!! hehe..tama tlga lahat! bkt nga kea ganun? 🙂

    Comment by gracecharmz | April 22, 2010 | Reply

  14. ms. K,tawa ng tawa ako sobra! 🙂 lam mo hindi ko nga mapigilan, kahit nasa work ung asawa ko pinilit ko tlgang ipabasa sa knya ung blogs mo! haha.. ayun binasa naman ng bonggang bongga! love u ms. K, sana my show ka dito sa cebu.

    Comment by iamJam | April 22, 2010 | Reply

  15. Haha! Ang husay!! At shempre andyan din na magaaway ang bida at kontrabida.. Magaagawan ng baril tapos matatago sa bandang tyan ang baril at biglang puputok kaya kailangan mo hulaan Kung sino ang nabaril.

    Comment by Kerol | April 22, 2010 | Reply

  16. Ayos sa entry Ms. K! Nalala ko tuloy ung mga favorite kong aksyon movies dati. Bakit kaya wala ng ganung movies ngayon. Sana ibalik nila. Favorite ko ung sagutan ng magkalaban bago magbarilan. Tapos hindi na uubos ung mga kalaban ng bida. Syempre hindi mawawala yung mga explosions ng mga kotseng bulok. hahaha

    Comment by chico rojo | April 23, 2010 | Reply

  17. hahhahahaha lahat ng iyong nabanggit ay tama hahaha langyang sadako yan sya pasimuno ng lahat sa horror category kaya ginagaya sya

    Comment by Katrina Camille | April 23, 2010 | Reply

  18. wagi ka talaga teh! isama mo na ang dance number ng mga bida sa pelikula…talagang kelangan me ganun?

    Comment by taboonheknek | April 24, 2010 | Reply

  19. Syempre meron sumisikat na linya diba? halos lahat ng movies laging may quotes na sumisikat.AYOS!

    Comment by rayasapphira | April 26, 2010 | Reply

  20. Haha! Tama talaga mis k! Sakto lahat ng snbi mo po.. Bida nga,may pagka tanga naman k0nte.haha pero sa huli, duguan,puro pasa,at nakahilata sa lupa at biglang lalapit ang leading lady at mag em0te, at halikan to the max. Tapos ayun,nanigas kasg END NA.lolx

    Comment by Risi | May 13, 2010 | Reply

  21. Haha! Tama talaga mis k! Sakto lahat ng snbi mo po.. Bida nga,may pagka tanga naman k0nte.haha pero sa huli, duguan,puro pasa,at nakahilata sa lupa at biglang lalapit ang leading lady at mag em0te, at halikan to the max. Tapos ayun,nanigas kasi END NA.lolx

    Comment by Risi | May 13, 2010 | Reply

  22. isa pa sa napansin ko, kapag aalis ng ibang bansa kailangana Amerika ang lugar di pa pwede ibang bansa? yun at yun lagi sa mga drama.

    Comment by cathy | May 31, 2010 | Reply

  23. jejejejej pwede dn idagdag ang pulis laging huli pag sa bakbakan…. winkz….

    Comment by newehdscastle | May 31, 2010 | Reply

  24. Hi K. hahahaha.alam mo ity-type ko sana yung symbol na (, kaso natype ko 9, kaya naging K9.Siguro ,ok na rin kasi ang meaning noon ay Kalibre 9, o di ba? Mataas ang rating ko sa iyo.BTW, I’m already …ty2, age yan, hehehe…I’m keeping it a secret.I still have my obligation with my family, but I’m thinking of pursuing my passion in film directing. Wow,super mahal ang tuition!Sana mgkaroon ako ng way to pursue it when the right time comes. OO nga pala Ms K , I wish your Dear Teh ay maging MOVIE, like Julia and Julie,(tama ba ang billing?)which is a true story about blogging.At syempre,ikaw ang bida!

    Comment by maris | June 1, 2010 | Reply

  25. teh palong palo ka talga!!!more entries pah!!!!wapaaaaaaaaaak

    Comment by misia_162001 | June 2, 2010 | Reply

  26. hi teh.. ok tong segment mo i enjoy reading your blogs.. at super nakakarelate ako.. may ibibigay ako sayong quotes.. hope you like it teh..Expecting life to treat you well because you are a good person
    is like expecting an angry bull not to charge because you are a
    vegetarian

    Comment by ysabel | June 3, 2010 | Reply

  27. With Filipino shows, movie or television, there always seems to be a wedding! I don’t get that. Just because two people fell in love and supposedly defeated all the odds of being together they have to get married at the end?. Oh well, I guess, most love stories are based on fairytales, happily ever after! LOL sooo love your blog! I hope you’re going to be in Vancouver too! Would love to see you live!

    Comment by crackberry-user | June 6, 2010 | Reply

  28. .i l0ve it tEhhh

    Comment by boszygirl | June 7, 2010 | Reply

  29. Haha korek tehh!! Pro dba s telenovela lagi na lang ang twist eh may nawawalang anak!! Tpos un kontabida pala un matagal na nilang hinahanap! Lagi nmn ganun dba? 🙂

    Comment by mariel | June 13, 2010 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: