KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

DEAR TEHH… (part 2) sagot sa mga liham nyo… :)

bago ang lahat….nakakaloka mga liham nyo ha! sensya na uli kung hindi ko masasagot lahat, masyadong seryoso o maselan yung ibang “problema”…may nagpadala tungkol sa problema nya sa recruitment agency?! sana po sa POEA nyo idulog ang problemang yan…at yung karamihan ay sadyang gaguhan na talaga ang mga tanong…so ito lamang po ang mga napili ko na sa tingin ko ay kaya kong sagutin….

1.tanong galing kay..JEJEMASTER— hello teh, gusto ko po maging artista pero di po ako marunong kumanta, sumayaw o umarte. pano na yan?? may pag asa po ba ako?

-napakaraming artista naman ang walang….talent pro sumikat! ang  tanong….ano ang iyong itsura?? sensya na, pero kung sa tingin mo ay may itsura ka nman…pwede ka…kung wala….wag ka ng…UMASA! masasaktan ka lang…hehe! peace! jejejejejeje! 🙂

2.isang napakalalim na tanong mula kay HAHA— Dear teh, May gusto po sana akong itanong na matagal nang gumugulo sa isipan ko.Ilang araw na rin po akong hindi makatulog…Bakit po ba nasa dulo palagi ang taba ng barbeque? Hindi po ba ito pwede sa unahan?

-naku talagang hindi ka nakatulog sa tanong na to ha! pro tandaan, mabuti ng walang tulog kesa walang…..gising! hehe..hmmmm….bakit nga ba nsa dulo ang taba?! ako ay mahilig sa taba ng barbeque….kaya ang masasabi ko lang ay…..bakit hindi mo baliktarin na lang yung barbeque STICK??!…ng sa ganon…nasa unahan na yung taba, hindi ka pa nahirapan..whew!! nahirapan ako sa tanong mo ha! wapaaaak! 🙂

3.problema ni GEENA— dear teh…yung ex ko kasi dakilang paasa. humihingi lang ako ng closure sa kanya ayaw niyang ibigay, ano ba dapat ginagawa sa mga paasang ex?

-bakit sya paasa?! may dapat pa ba syang asahan? my dear….kung tapos na kayo para sayo, hindi mo na kelanagan ang “CLOSURE” na galing sa kanya….pag tapos na…tapos na! wala nman syang magagawa! ang kelangan mo ay EXPOSURE sa iba… yun lang! 🙂

4.matinding tanong galing kay MEA— kamusta poh? ako po si Trinidad Soles conception y cruz or NeNeh for short. Pero Ms. K gusto kong itago mo nlang ako sa pangalang Kulisap (para hindi halata). May gusto lng po akong malaman at itanung sa inyo. gusto ko lang po sanang magtanung. at gusto ko lng sanang itanong sa inyo na… ang itatanung ko ay Ms. K bakit malikot ang isip mo?

-dahil matindi ang tanong mo…matindi din dapat sagot ko…eto…mabuti na ang malikot ang isip kesa malikot ang….KAMAY! tamahhhhhh! hehe…

5.problema ni JEJEMON— itago mo na lang ako sa pangalang jejemon. may ex ako, 5mos naging kami. few days after ng break up, may nakatext syang bago. tuloy tuloy na yun hanggang sa magkadevelopan sila. after 2mos and 3 weeks, sila na. nung sinabi nya sakin na sila na, wala akong naramdamang aray. nagadvice pa ako sa kanya. pero teh, palagi ko pa rin naiisip si ex. mahal ko pa sya, di ko iddeny. ang mahirap pa dun, magkabarkada kami. nagawa ko nang lumayo, pero naapektuhan ang barkada. parang nainis pa nga sila sakin e. teh, ano dapat kong gawin?

-alam mo jejemon….ang GULO mo! wala kang naramdamang aray nung sinabing may bagong jowa tpos ngayon mahal mo pa pala?! talagang maiinis ang barkada mo…hehe…pero minsan ganon talaga eh, saka mo lang malalaman kung gano ka importante ang tao sayo pag nawala na…siguro kelangan mo na lng mag move on…lalo na kung masaya na sha! kung mahal mo pa ok lang, wag mong ilayo sarili mo…maging kuntento na maging kaibigan…malay mo….MAGHIHIWALAY DIN SILA! jejejeejeeje…irereto kita kay JEJEMASTER! yung gustong mag artista! ajajaajaj..l0LLzZzzzzz fH0Wwwww…:)

6.galing sa nalulungkot na si GERBETT— i’m a transgender ‘teh, & i juz broke up with my bf yesterday… simply pathetic ako now home alone & got no one to talk to… na gusto ko, but you… ang hirap… alam mo, ung feeling na mhal mo but you need to give him up kac, mas mahirap kng magkasama pa dn kau? uhm, i am looking for someone to cling on but, i have no one here… ayokong malaman ng friends ko kac, ano ba emo na nman? i hope we could be friends… may i know your twitter account? gagawa ako ng account ko now lng… ayaw ko na sa fb… i need to move on eh… hehehe… goodluck & promise kpag ok na ‘ko i might meet you… ingat…

-alam mo mas kelangan mo mga friends mo ngayon….ang totoong kaibigan, kahit EMO ka pa, makikinig lang yan! minsan kahit wala kang sabihin, alam na nila dinaramdam mo…ngayon kung ayaw mo talaga at gusto mong magisa…try mong text sarili mo (natutunan ko ito kay POOH)…. kamusta na me?? SAAN NA ME?? HU ME??….tapos wag ka agad mag reply sa sarili mo, baka isipin ng sarili mo….masyado kang….AVAILABLE! bwahahahaha! ang gulo! sensya na…pinapatawa lng kita (sana natawa ka naman) twitter account  ko ay kbrosas … 🙂

7.tanong galing kay PAM— paano po ba makipag-hiwalay sa taong matagal mo nang nakasama? yun bang makikipag-hiwalay ka for no reasons at all? just for a change? or maybe you got tired of being with him po…pano po ba yun?

-hmmmm….syempre may rason yan….ano yan….TRIP lng??……pag isipan mong mabuti kc baka kaw din masaktan sa huli….buti sana kung ASO lng kayo na madaling maghiwalay pag nilagyan ng….ASIN!! wapaaaak! (rated r)

8.palong palong tanong ni RAP— Medical question lang po, Ang lason po ba pag expired na, nakamamatay pa rin?

-eto ang palong palong sagot jan….. TRY mo! bwahahahahahaha! peace! 🙂

9.tanong ni PUITRAGIZ— sana matulungan mo ako sa wapakkk kong problema…tma bang mkipag relasyon sa ym chat lng??
ksi d ko maiwasn ma inlove khit chat lng puta..babaw ko…sna mbigyn mo ako ng payo…thanks

-bago ang lahat….iwasan natin ang PAGMUMURA!…..wag ganon!…SYET! ehehehe….pra sa akin, ok lang yan, walang mababaw sa pag ibig! syet uli!…ang masama ay kung sa computer ka mismo ma inlove! watdapak?! charozzz lang….sa totoo lang, go lang…wag ka lang sanang humingi ng payo kung pano ang…. CYBER SEX! pass!! 🙂

hanggang sa muli mga ka-KULTO….uulitin ko…..pwede namang tawanan ang mga problema…at on a serious note..YOU CAN ALWAYS TURN ANYTHING NEGATIVE INTO SOMETHING….POSSITIVE! wow lalim ko syeeeet!…..ako ang inyong nagmamahal at pinipilit na umintindi na si….TEHH……love u all! wapaaaaak!

K 🙂

Advertisements

May 31, 2010 Posted by | Uncategorized | 76 Comments

DEAR TEH…mga sagot ko sa mga “liham” nyo.. (part 1)

bago ang lahat….salamat sa mga sumusubaybay sa blog ko…eto na ang mga nagpadala ng mga liham…at sensya na kung hindi ko pa masasagot lahat..dahil yung iba ay talagang seryoso at kumplikado…at yung iba talagang nag aksaya ng tinta sa sobrang haba ng tanong/problema…so sensya na kung e-edit ko yung iba at yung iba copy/paste ko na lang (kc magmumukha na tong libro hindi blog!)…at ito ay part 1 pa lang….ituring natin na trilogy ang….DEAR TEH… 🙂

1.tanong galing kay ….TINA  —-DEAR TEH…. Itago mo na lng aq sa pangalang keme..pde mo dn aqong tawaging kemedou..kht anu gusto mo.Gusto qo lng malaman kung bkit may H ung TEH mo..at panu ipronounce un?—

tina…palong palo ang tanong mo…sabagay bakit nman kelangan may H?? eh pwede namang TE lng o ATE….well tina, yan ang tinatawag nating pagsususulat na may….feelings! parang pag sinulat mo yung TAMA…mas may emosyon isulat kung…tamaaaahhhhhh!! hindi yan nagkakalayo sa mga …JEJEMONS….tawagin na lng natin ang style na may feeling kc may “H” sa pagsusulat na…..HEHEMONS!!…madali lang i-pronounce…lagyan mo lang ng hangin sa dulo…..tehhhhhhh….(prang hika)..salamat.. 🙂

2.tanong galing kay ROSE—- DEAR TEH… paano nga ba lunukin ang pride? hanggang dito nalang thanks po ;p….

haaayy rose…mahirap talagang lunukin ang pride…unless gusto mong bumula bibig mo na parang….labada!..ayy teka lng…sensya akala ko PRIDE na sabon…seriously, wala namang “instructions” sa pag lunok ng pride…at depende rin kung para saan ang paglunok mo ng pride….try mo na lang muna lumunok ng pride….chicken! corny syet!! hehe 🙂

3.tanong  galing kay TULIP—- dear TEH!, hi k! actually,this ain’t really a problem, i just want to hear your opinion.here it goes..since you’ve got lots, if not surrounded,by gay friends, i just wanna ask if you are against same sex relationship? & if not, you think lesbian relationships are worth fighting for? please elaborate.thank you k!!:) -lovingly yours, helen! wapaaaak!!

ok…uhmm…so….so….so what?? ehehehe…just kidding…sorry but my english is out of….stock syet!! anyways….obviously i am not against same sex relationship…para sa akin basta pareho kayong…living thing ok lang yan!! mahirap kung tao at….troso ang magkarelasyon dba?! hehehe…hmmm…do i think lesbian relationship are worth fighting for??…darling…in any kind of relationship…kung tinamaan ka ng hinayupak na wapaaaaaaaak na pagibig, talagang kakantahin mo song ni mr. freddie aguilar na…IPAGLALABAN KO! pero dapat alam mo lang kung hanggang saan mo dapat ipaglaban…ngayon kung fight ka ng fight pero LUGI kana, meaning yung partner mo dedma lang..well…ibang usapan yon…ang masasabi ko lang sa mga MAMI (o mami-mingger! peace!) o mga lesbians….go! pro mag ingat baka mag kaanak ng….KUKO…at d na mka boto uli kc…wala ng fingerprints!! charozzzzz!! :))

4. napakahabang liham galing kay CARMEN—– may tanong lang po ako tungkol sa nararamdaman ko ngayon, meron po akong dalawang crush, yung isa may gf na, yung isa kaka break pa lang(yehey!), pero may past kami ng 2 crushes ko, antaray! Itago natin sa pangalan na Carl si crush na may gf, at migz naman para kay crush na kaka break lang. Well, gusto ko lang itanong dahil na coconfuse ako about how i feel, kasi sa twing magkikita kami ni Carl, parang ok lang saken, pero masaya ako xempre na nagkita kami, pero tuwing nagkikita kami ni Migz, omg, parang di ako makahinga at yung heart ko talaga parang lumabas sa katawan ko at kulang na lang apak apakan…promise! yan talaga nararamdaman ko, so i think, mas matimbang si Migz sa heart ko kasi, over yung nararamdaman ko pag nakikita ko xa. Pero, dito na ako na confuse, nung isang event, nagsama kaming tatlo, at kinausap ako ni Migz(OMG!), xempre ang saya ko teh! Pero at the back of my mind, masaya ako di lang dahil kinausap nya ako, kundi, dahil alam kong nakatingin samen si Carl at parang gusto ko magselos xa samen ni Migz.So, anu yun teh? Grabe ang na fe feel ko kapag magkikita kami ni Migz, pero nung magsama kaming tatlo, parang ginamit ko lang xa para pag selosin si Carl..Di ko ma getz ang feelings ko teh! So sana, matulungan mo ko! Btw, i really love you K, kasi palong palo talaga mga patawa mo saken, naaliw talaga ako sayo esp sa Twitter! I love you!! Thanks!!…Nagmamahal at nacoconfuse…Carmen

hindi ko kinayang i-edit liham mo carmen….hindi ka confuse iha…..sadyang….maharot ka lng siguro! joke lng! hehe…mukhang magulo nga ang ganyan…pro naniniwala ako na ganyang sitwasyon, may mas matimbang…kaw lang makakasagot nyan! try mong tanungin sarili mo…at wait mo baka sumagot naman agad! hehe…pro para sa akin dun ka na lang sa walang jowa…tandaan ang KARMA….digital, hd led na! para walang masaktan….dahil kung ikaw may jowa, at nakikita mong humaharot sa iba….malamang kagulo yon dba? sana nakatulong ako…..at sana hindi lalong nakagulo sa utak mo…i love u too! wapaaak! :))

5.problema ni ISABEL—- yung X ko nakipag break siya sakin bigla.. as in biglaan. yung tipong okey pa kami nung knagabihan tapos kinabukasan nakipag break? bad3p nabigla ako.hahaha! ayun po.. tinanong ko naman po siya kung bakit sabi nya nagsawa na dw po siya sakin.. kasi nga dw po nasasakal na dw po siya..hmm i admit naman po na mahigpit ako sakanya pag dating sa mga ganyan.. tpos po tnanong ko po if there is some1 else kya xa nkikipag hwalay sbe nya po WALA paule2 ko na tnanong WALA dw po tlga..nagsawa lang dw tlga xa sa UGALI ko.. aun po e d wala napo akong nagawa inaaccept ko nalang din po. tpos po after 2 weeks nalaman ko po na nililigawan nya na po ung friend ko. sa iba ko pa po nlaman. un po ung masakit dun.. ung nlaman ko na po tnext nko nung girl. sbe nya kya nya dw po hnd snbe kc dw po ayaw nya daw po akong masakatan.. what’s the difference kung hindi nya pa sasabhn agad kasi masasaktan at msasaktan din ako kahit ipagpaliban nya pa knowing na friend ko pa xa.. ayun po. ano po ba dapat kung gawin. kasi po hindi po kame okey nung girl and nung X. bitter na kung bitter basta ayoko lang po makipag plastikan na okey kame.. ayun po.. sana po masagot nyo..

hmmmm…isabel…masakit talagang ma experience ang ‘FALL OUT OF LOVE” na sitwasyon….pero, wala ka namang magagawa at DAPAT GAWIN…kundi, tanggapin na lang..kung hindi ka ok….eh hindi ka ok! karapatan mong ipakita o sabihin ang nararamdaman mo….lilipas din yan…at para pampalubag loob at mejo mawala ang sakit na nararamdaman mo, lagi mo na lang isipin na kung maging sila man ng ‘friend” mo….MAGHIHIWALAY DIN SILA!! (sa isip lang ha!) hehehehe…move on…magpaganda at makakahanap ka pa ng iba! :))

hanggang dito na lang muna….pero sige lang patuloy lang kayo magpadala ng mga liham…dahil umpisa pa lang ito sa trilogy…at sana…matuto tayong tawanan ang mga problema sa buhay…….at lahat po ng mga sagot ko ay opinion ko lang naman…sa huli kayo lang naman makakasagot ng mga tanong o problema sa buhay pero sana nakatulong ako kahit very very light lang…nagmamahal….TEHHHHHH! (with feelings!) wapaaaaak! :))…. K

May 28, 2010 Posted by | Uncategorized | 77 Comments

DEAR TEH….papano magpadala ng “liham”…. :)

meron ka bang dinaramdam??….problema sa pag ibig, sa buhay?  (utang na loob wag lang tungkol sa pera….pass ako jan!) o mga tanong na nakakatirik ng utak??….magpadala ng liham sa akin… at susubukan kong sagutin sa pamamagitan ng malikot kong pagiisip ….dahil naniniwala ako na dapat tawanan natin ang mga problema…at sabi nga ni manong jhonny…GUSTO KO HAPPY KA!….napakasimple lang po…. idaaan sa “comments” mga tanong nyo.. example:…..

“DEAR TEH…itago mo ako sa pangalang…o kaya para mas tagong tago sa……kahon!! bwahahaha! (parang ganon) nagmamahal…panagalan nyo (kung ayaw nyo sa kahon!)”

…..hindi ko pinapangako na masasagot ko lahat, pero iipunin ko mga mapipili kong mga tanong/problema nyo at pag tapos ko ng sagutin (sana within this….year! joke!)… post ko agad…pra sa mga tanong na pwede namang i-GOOGLE, wag na tyong mag gaguhan! hehe…tayo ng magkatuwaan….GAME! :)…..nagmamahal……TEH….. WAPAAAAAK! 🙂

May 28, 2010 Posted by | Uncategorized | 70 Comments

hu me?? sino ba si k brosas?….

screen name- k brosas…sa totoong buhay…kakai o kai nickname…at carmela real name…half american…half…tiki tiki! hehe..syempre half pilipina…never kong nakilala ang fadir kc ang tunay kong madir ay…uhm…pano ko ba masasabi to??…hmmmm….nanay ko ay akyat barko sa olongapo that tym..yun panahon na yon ay palong palo pa ang olongapo at daming “navy” na pumumunta kaya naglipana mga “bars” non…tawagin na lng natin sya na entertainer ng mga kano! ang pangit nman sabihin kung “pokpok”…pro kung yun man ginawa nya noon….hindi na ngayon….kc….bugaw na sha! charozzzzz! marahil nagtataka kyo bkit hindi ko kinahihiya o hindi ako sensitive sa issue na to…well….i grew up na alam kong ganon sha..kaya nung nabuntis, hindi sya sure kung sino ang ama….basta confirm na puting amerkano…kc tisay akong lumabas…for the record hindi na ako galit sa tunay kong ina (pero hindi kami naging close)….siguro nung bata pa ako kc ang gulo naman ng ganong sitwasyon..ang nagpalaki sa akin ay ang auntie ko at ang mga pinsan ko ang kinilala kong mga kapatid (lahat na sila ay nakatira sa italy ngayon)

bata pa lng ako mahilig nkong kumanta, umarte…naaalala ko na kumakanta ako lagi sa tapat ng electric fan (pra boses chipmunks!) at ang wire na saksakan ang ginagawa kong mic….sobrang proud mama (yung nagpalaki sa akin) ko kc talented ako…..d ko makakalimutan sinali pa nya ako sa isang variety show…big big show ata name at sa channel 2 yon…kakaloka kc 3 kaming contestants, (mga 10 or 11 yrs old pa lang ata ako non) yung 2 kalaban ko parehong lipsinc….ako live! syet! naku sure win na ako non dapat…ang resulta….nag tie na nanalo yung 2 mga kalaban ko…umuwi akong luhaan at mga ilang linggo atang d lumabas ng bahay sa kahihiyan! at eto pa……ang ganda ng kinanta ko non! sikat! irene cara….WHY ME  ang title! hahahaha! mapangasar dba?! hehe…mula non, sabi ko, ayaw ko ng mag artista….pero go pa din ang madir! every summer nag peta ako, singing lessons! etc…dumating ang high school (13 yrs old ako non)….nag trip ako sumali sa isang pa cute na beauty contest, that time 1st yr ako sa st. paul q.c…ang title…..MS. FRESHMEN….D ko sinabi sa bahay na sasali ako, basta napagtripan ko lang….ending….winner lola nyo! at naghakot ng awards….best in modeling, best in casual wear at…..MISS TALENT! anong talent ko?? monologue! na sinamahan ko ng kanta at iyak at…..comedy!! yun na!! yun na pala tlaga calling ko….maging performer na komedyante…..tumambling ang madir pag dating ko sa bahay na naka make up pa at daming nakasabit sa sash at daming bitbit na trophy! wapaaaaaaak moment yon! after that…mejo sumikat ako sa batch namin (sa pagkakaalam ko ha) syempre bumida ako sa theater club…hmmm..wag na nating pagusapan grades ko non…basta pumasa! hehe…

college…nag f.e.u ako…..mejo napilitan kunin ang course na medtech,,,(ewan ko din!) kaso nung 2nd year na at mag di-disect na ng pusa! punyeta d ko na kinaya…ayun….nag drop ako!….so  naisip namin ng madir na mag tourism na lang ako kc daw matangkad ako etc….so go naman ako!…..1st day of classes….nagtanong yung teacher…WHY DID U TAKE UP TOURISM??….ganda ng mga sagot ng mga classmates ko, nung ako na….with feelings ko tong sinabi…I TOOK UP TOURISM….BECOZ I WANT TO BE…….A TOURIST SOMEDAY! bwahahahahaha! alam ko na nagpatawa lng ako…pro tlagang sadyang mabilis utak ko sa mga punchline!…nakatungtong nman ako ng 2nd yr..pro ayun na….may nag offer sa akin na kumanta sa isang sing along kc nalaman nila na may boses nman ako…i was only 17 that tym…ayun nawili ako at hindi ko na napagpatuloy college kc kumikita nko ng sarili kong pera (hindi ko sinasabing tama yon ha)….kumanta na ako sa iba’t ibang bars….anjan ang hotels….jazz bars,,,at ilang beses ako nkapag abroad….etc…

hindi na ako umaasa that time na mkakapag showbiz pa ako…..kc after kong mag indonesia, pag uwi ko dito….nabuntis ako! (punyeta naalala ko na naman ang walang kwentang “sperm donor” na lalakeng yon) so nagpatuloy  ako lalo sa mga gigs ko d2 pilipinas kc nga nagsarili nko ng bahay at family ko nasa italy na (at nagalit sila kc nabuntis ako kaya hindi sila nagbigay ng tulong kc desisyon kong magsarili at d na mag aral)….at ako lang maaasahan ko sa pagpapalaki sa anak ko…so kayod to death lola nyo….hanggang…kinuha ako ni sir boy abunda pra isali sa grupong gladys and the boxers…kagagaling ko lng non ng korea…syempre una hesitant pa ako…kasi sanay ako na solo act, pero siguro natuwa sila kasi nagpapatawa na ako sa mga sing along bars at kelangan nila ng isa pang babaeng komedyante….so sabi ko…cge try ko lng muna…..pero ang ganda at panalo rapport namin ni gladys…we hit it off right away! kaya ayun na at ang saya nman kc khit papano sumikat yung banda sa mainstream….almost everyday kaming may gig…(kaka miss ang boxers)…

pumasok c gladys sa eat bulaga….wala pang one year ako nman kinuha nila (super laki ng utang na loob ko sa eat bulaga talaga) i was already 25 non…hindi pa rin ako nag expect na sumikat…hanggang kinuha ako ng gma para isali sa isang soap opera (syet! mayordoma role ko non! maliit lng role pro ang saya!) tpos,,,sitcom na…and the rest is history….

lesson sa entry kong to……its never too late sa lahat ng mga pangarap at kung ano mang hirap pinagdaanan o pinagdadaanan mo, dont loose hope, god is good! dahil may kasabihan nga na….WE CAN NEVER CAN TELL!! nyahahahaha!….ngayon hindi ko pa man na a-achive ang rurok ng tagumpay….patuloy pa rin dapat ang mangarap at dasal na sabayan ng pagsisikap….at sa idustriyang kinagagalawan ko…pwedeng sikat ka ngayon…bukas wala na….dahil naniniwala ako na….NO ONE IS INDISPENSABLE  in showbizness…..kahit napakagaling mo o super talented ka…..walang kasiguraduhan ang carreer mo…so dapat magaling kang makipag kapwa tao at….be proffesional always!…..nakngpucha!! ang lalim ko palang tao?! hehe.. sensya na uli kung “mejo serious” entry ko…..gusto ko lng nman i share sa inyo buhay ko (edited version na yan) sabihin nyo lang kung na bored kayo….d nko mag se-serious nxt time….kasi gusto ko ….HAPPY KA! go manong jhonny! wapaaaaaak! hanggang sa muli….salamat sa pagaaksaya ng panahon basahin to!….. 🙂

K 🙂

May 27, 2010 Posted by | Uncategorized | 62 Comments

mga katanungan ko sa buhay……haaaay….

o eto….bigla na lang ako nagsimulang mag type kahit wala akong maisip na maisulat…kaya naman…tatanungin ko na lang  sarili ko (prang tanga diba?! hehe..at nakakaloka…try ko rin sagutin!) hehe.. game!!

1.bakit wala man lang nagpaparamdam saken ng pagnanasa??– hindi ko maintindihan yan..hindi man ako nagnanaknak sa ganda, alam ko nman na very very light ay attractive naman ako, sabi nila nai-intimidate daw..natatakot lumapit kc artista..mukhang mataray etc..ano toooh??! ako pa lalapit? hindi po bagay saken mag pa-cute, mag pa girl at humarot! masasabi ko lang …once u try K….you’ll never want the rest of the….ALPHABET!! bwahahahaha! joke! sadyang malakas lang siguro personality ko…kaya dapat mas malakas o mas matapang makilala ko…teka…harutan lng nman, d pa kasalan! ewan din!

2.bakit kinilig ako sa taong d ko pa nakikilala??—kaloka! nag email friend ko na taga london, may papakilala daw sya na american na taga airforce!..pra akong gago! kinilig agad! tawag jan…..desperada!

3.bakit ang daming taong sadyang ganito sumagot– daming tao na pag tinanong mo “kamusta kana??…sasagot…”sino….AKO??” ABA! sino bang kausap ko, sa kanya lang naman ako nakatingin!.. may iba ganito…”halika punta tyo doon!” (with matching point ng finger sa saktong location) sagot…” SAAN…DOON?? (dun din nka point ang finger!) hala! ang sarap gaguhin at sagutin uli…hindi! hindi! dito!! ano baaaah??!

4.bakit hindi pa ako nabibigyan ng palong palong break sa showbiz??—10 yrs nko sa negosyong sobrang minahal ko na..marami na rin akong napatunayan, pero hindi pa syempre ako kuntento kc alam ko may IBUBUGA pa ako! naaaakkks! hindi ako conceited…alam ko lng sarili ko…pro sa ngayon may ginagawa akong teleserye na pasabog! (abangan! secret pa! abs po ito:)) pro syempre pinapangarap ko din na magkaroon ng sariling show….big concert sa araneta (im so proud of vice ganda!) siguro pana panahon din yan….malay mo kunin ako ng ibang channel at doon ako mag “shine”….tulad sa…..national geographic channel! mas star pa ako sa mga tarsier at giraffe don for sure! bwahahahaha! charozzz lang! hehe..

5.bakit nakasabit pa ang relo sa kwarto ko pero sira naman…matagal na???—-sensya bigla akong napatingin sa taas habang nag t-type…bakit nga ba?! teka tanggalin ko muna! punyeta! tagal ng nakasabit to.. 🙂

6.bakit hindi ako bumili ng bagong RELO kung matagal ng sira to?!!!—-bwahahahahaha! binara ko sarili ko syet! daming raket walang pambili ng bagong mumurahing relo?! teka lang…..pabibili ako ngayon din!! wapaaaaaaak!

7.bakit may mga ibang FANS na nananakit?? as in pisikal?! o nagagalit—dami kong experience jan…”k! kakatuwa ka talaga!!! paaaaaak! (hampas sa likod na halos iluwa ko na baga ko!) uhmm…excuse me po…tao po kami, nasasaktan din! syempre d ka naman pwedeng magtaray, kc kami lalabas na masama…minsan sobrang pagod na pagod ako pero pinilit kong pumunta ng mall kasi may importante akong bibilhin (yung relo ata na sira yung nabili ko than time! ahahaha) tahimik lang akong namimili…mejo masama pakiramdam biglang may lumapit…”ayyy! seryoso ka pala sa personal?!”…uhm…..ano po ba ine-expect nyo sa aming mga komedyante?? dapat laging may joke time?! at dapat parang laging nasa comedy bar ang energy??….guys…uulitin ko, tao lang kami, d kami d susi…syempre “obligation” namin ang laging nakangiti at nice dapat…pro wag kayong magalit kung minsan ay seryoso din kami….d nman ibig sabihin mataray o suplada na tawag don…ako personally, pag tinawag moko (yung siguradong maririrnig ko ha) syempre papansinin ko kung sino man pumansin saken…pro in fairness….dami ding artistang …MALDITA! totoo yan….syempre wag na akong mag name drop.. peace!

8.bakit patuloy ako sa pag gawa ng BLOG at sa pag TWEET??— wow! ayun oh….dahil ang sarap sarap ng feeling pag nakapagpapasaya ka ng tao! maniwala man kayo o hindi….nakakawala ng pagod pag nakakabasa (lalo na pag sa personal syo sinabi) ng magagandang comments…AAMININ KO…mas lamang ang mga araw na malungkot ako, pero d ko pinapahalata kasi mahal ko trabaho ko at masaya ako pag masaya kayo…naaakkks!! at bukod sa anak ko…kayo ang inspirasyon ko….kayong, nagaabala para basahin blog at mga tweets ko at sa walang sawang pag suporta at pagpuri…walang halong etchos!! yan ang tinatawag na palong palong…..WAPAAAAAAAAAAK!! kasi sabi nga ni manong jhonny…..gusto ko….HAPPY KA! salamat po! hanggang sa muli….(akalain mo may naisulat ako? sana lng may kwenta! jejejejejejeje! hehehehehehe! paaaaaak! mwah!

K 🙂

May 22, 2010 Posted by | Uncategorized | 45 Comments

campaign ads..jingles..election 2010! :))

bago ang lahat….kung masyado kayong “sensitive” sa mga kanya kanya nyong sinusuportahan at pikon…wag ng basahin ito…..bagamat wala po akong lalaitin at ilalaglag sa kanila, dahil lahat po sila ay nirerespeto ko at hinahangaan ko..dahil tapos na po eleksyon..gusto ko lng i share mga napansin ko sa mga nakakatuwang mga eksena nung campaign period…alam nyo naman kung sino ang aking presidente..at nakssss!! nanalo! NOY NA! PRESIDENTE NA! hindi nman lahat ay maka dilaw..pro nirerespeto ko po ang inyong opinion at paniniwala sa inyong mga sinuportahan..

campaign ads…ang daming lumabas sa tv na lahat tyo ay d malilimutan kc tumatak! anjan ang mga kanta….sayaw…seryosong panawagan..etc…syempre ang pinaka palong palo sa lahat (aminin!) ay ang kay sen. villar…..sangkatutak na bata na tinatanong tayo kung….NAKALIGO KA NA BA SA DAGAT NG BASURA?? nice! kc may recall at kahit bata nakakanta…pra syang naging novelty song at lahat ata tyo na LSS! may ksama pang pag ka-claim nila na….c villar ang tunay na mahirap..si villar ang tunay na malasakit! lalalala…panalo!….anjan din ang pag birit ni miss. regine kasama ang mga artista na may hawak na sulo na umaapoy! ganda at star power talaga! (sayang d ako nakasama) si former pres. erap ay pinauso ang…KUNG MAY ERAP…MAY GINHAWA!…hmmm naalala ko yung tag line ng kyowa na pag may kyowa, ginhawa ka…mejo d nag rhyme..mas pasok pa rin yung dati na…erap para sa mahirap…pro ok pa rin pagkakagawa! anjan ang kay sec. gibo..taray, pang mtv dating! naglalakad sa kahabaan ng runway..nagsuot ng shades! gwapo nya don…at biglang nagpalipad ng eroplano (piloto pala kasi) at ang ending….SULONG GIBO!.. galing! clap clap!

sa mga jingles naman eto ang mga nakakatuwang napansin ko….yung kay sen, enrile…may kantahan at sayawan at ang ending isang napaka simple pro straight to the point message……GUSTO KO HAPPY KA! wapaaaak! kasi lahat naman siguro tyo gustong maging happy di ba?! ang cute! actually yan favorite ko! hehe…misan may dumaan dito sa bahay namin sa qc (hindi ko natandaan name nung kandidato eh) basta natawa ako kc ang song na ginamit nya ay…..VOLTEZ 5!! muntik nkong tumakbo palabas ng bahay at sumigaw ng…..LAAAASSSEEEER SWOOOOORDDD!! hehe..wag din nating kalimutan ang kay mayor binay….catchy ang tune! KAY BINAY! GAGANDA ANG BUHAY,,OHHHOHHHOHHHH!! ….aasahan po namin yan sir! 😉

ngayon ay  bagong simula uli ng pilipinas…lahat tyo umaasa na mapapabuti at mapapaangat ang sangbayanan…sana tigil na ang awayan….magkaisa na lang at mag tulungan..saludo ako sa kanilang lahat dahil sa dedikasyon nila..sana lang magsamasama sila sa kanilang kanilang adhikain pra sa ikabubuti ng bansa….dahil ngayon…kay NOY may GINHAWA at GAGANDA ang BUHAY NOW NA! at wag na nating i try na MAKALIGO SA DAGAT NG BASURA! kaya SULONG pilipinas! at LETS VOLT IIIIINNN!! dahil gusto ko…HAPPY KA! 🙂

sana po ay walang ma offend dahil uulitin ko….lahat tyo ay dapat magtulungan! sana matupad ang mga pinangakong PLATAPORMA….ang dapat ngayon ay …plataAKSYON dahil tapos na ang ELEKSYON! god bless the philippines!! wapaaaaak! peace! 🙂

K 🙂

May 11, 2010 Posted by | Uncategorized | 20 Comments

babala! seryoso po ito!.. ang ONDOY!

hayaan nyo muna akong maging serious kahit sa isang entry na to sa blog ko, so eto na ang storya ko sa nagdaang trahedya ng ondoy…around 1 pm (tulog pa ako as usual) ginigising nako…may show kasi ako sa casino pampanga at maaga ang call time…laking gulat ko ng nakita ko na pumapasok na pala tubig baha sa kwarto ko! watdapaaak?! hindi ko nga naramdaman na umuulan! natural naging kalmado lang ako…syempre ni sumagi sa utak ko (at ng karamihan) na babaha ng palong palo?!…inayos mga gamit dahan dahan..FYI…bungalow lang bahay ko…hindi pa rin kami nag panic dahil akala namin todo na ang hanggang tuhod lang na baha….inakyat sa la mesa at sa kama mga appliances hanggang sa tuktok ng closet…ng biglang umakyat na tubig hanggang bewang at napaka bilis ng pangyayari..

nung una iniingatan ko pa lahat ng gamit..pinipilit iakyat sa pinaka mataas na space ng bahay..pro nung nakita ko na lumulutang na sofa, ref, tv…..ayun….panic attack! pero kinimkim ko lang dahil ayoko matakot anak ko (habang nka salbabida ang bagets at parang nag eenjoy pa with matching swimming ha!) lalabas na dapat kami para tumakbo sa kapitbahay kaso sobrang lakas ng “current” kaya hindi na kinaya nung rope na dapat patawid sa kanila….ayun na! katakot na! lahat na ata ng santo at santa tinawag ko (kasama na si santa clause!) syempre hindi ko pa rin pinapahalata sa anak ko..

ayan na hanggang dibdib na ang punyetang baha! may nakita akong napakalakig zip lock (hanggang ngayon nagtataka ako kung san galing yon..) dali dali akong kumuha ng mga jackets, comforter, tubig, biscuit (na expired na pala syet!) at ang nakakaloka….make up kit!! ewan ko pro naisip ko na pag na rescue kami at least may make up pra fresh!…sumisigaw na mga kapitbahay na umakyat ng bubong kasi hanggang leeg ko na……up to this day, hindi ko ma explain pano kami nkaakyat, siguro adrenaline na gumana!….ang anak ko never nagsalita o nagreklamo..kaya laking gulat namin ng bago kami nakaakyat sa bubong biglang nakulay violet at natulala….ilang beses sinampal ng yaya pra bumalik sa malay..halos durugin puso ko! pero AGAIN…hindi ako nagpakita ng kahinaan..ayun nakaakyat kami…(nasa utak ko si miley na kumakanta ng THE CLIMB pra lng d ako mag break down) syempre bubong yon…kaya basang basa kaming lahat kahit may kumot pa…

napakababait ng mga kapitbahay ko dahil hindi nila kami pinabayaan…anjan na “binabatuhan” kami ng pagkain…at sinundo kami ng “mini pool” na nakalutang sa baha para makalipat sa katabing bahay…nung mejo humupa ang baha ng hanggang bewang na lang kinabukasan…nilusong na namin at naglakad hanggang sa gitna ng marcos hi way na wala ng baha..at doon kami sinundo ng mga kaibigan ko…

napakarami kong gustong pasalamatan…malalaman mo talaga mga tunay mong kaibigan sa mga panahon na sobrang sadsad ka…alam nila kung sino sila at alam din nila that i will be eternally gratetful to them…sa lahat ng interviews ko sa tv..never akong umiyak..nagpapatawa pa nga ako eh at nakangiti…kasi naniniwala ako na nawala man lahat ng pinundar ko….MATERIAL lng yan…at i always believe na you can always turn anything negative into possitive! at wag nating i-question ang panginoon kung bakit nangyari ang mga bagay na ganon…so malungkot man, ALAM ko na malalagpasan ko to dahil ang dami ko ng pinagdaanan na nakatayo ako ng…nakangiti! maybe im just a very strong person, o malakas lng pananampalataya ko kay LORD!

kaya nman….kung ano man ang nawala saken….binalik ng sobra sobra pa ngayon! daming blessing na dumating at patuloy pa din dumarating…so dapat pilitin na maging matatag at magdasal lage…at wag kang gagawa ng ayaw mong gawin sayo…yan lang naman ang aking prinsipyo sa buhay!…sensya na kung serious tong blog ko…i hope in some way, kahit “balahura” ako sa stage at isang komedyante na puro kalokohan..sana naging maganda akong ehemplo sa mangilan ngilan na nakabasa nito..i just want to share my serious side…..ay sha nga pala lumipat kami agad ng bahay after ondoy…sa town house na 4 floors!! (hindi halatang na trauma? haha!) so……sa next blog ko….balik katatawanan uli…pramis!! wapaaaaak! hehe! :))

kakai 🙂

May 7, 2010 Posted by | Uncategorized | 18 Comments

what i did for….love!!! syet! :)

meron akong naimbento na sarili kong quote…it goes something like this… “may mga tao na gusto mong ibaon sa lmot….may mga tao naman na gusto mong ibaon sa…..LUPA!! (ng buhay!)” jejejejejeje!! ayy sensya nakikiuso lang sa mga jejemons!…siguro karamihan ng nagbabasa nito ay naranasan ng masaktan ng palong palo at nakagawa ng bagay na nakakahiya o nakakaloka ng dahil sa walang kamatayang….PAG IBIG! looking back sa mga pinaggagawa natin, minsan natatawa na lng tayo o minsan ay tanggap lng natin na sadyang nakakasira tlaga ng ulo ang ma inlab!….natuwa ako nung nagtanong ako kagabi sa twitter tungkol sa mga naka-experience na ng matinding nagawa sa ngalan ng pag ibig…syempre meron din ako!…

amg pinakamatindi ko na atang nagawa  happened 13 yrs ago…..cguro masasabi ko na sha ang “greatest love” ko dahil sa mga nagawa ko nung kami pa…..tandang tanda ko pa na sa kahabaan ng edsa, nagaway kami at iniwanan nya ako, ako naman hinabol ko sya with matching sigaw at hagulgol (siguro mas maganda ang eksena kung umuulan non pra parang pelikula dating!) hala takbo ang lola nyo….syempre hindi ko sya naabutan dahil nakasakay sya sa….motor! kung siguro sinaniban ako ng CHEETAH bka sakaling nag pang abot kami…naranasan ko din na nagpalayas ako (with vindiction ha!) ayun…nag empake nga ang gago…nung palabas na sha ng pinto….nakapulupot ako sa binti nya pra wag lang umalis! ewan din! minsan talaga may sinasabi tayo pro hindi nman natin kayang panindigan! syet! pro ang hindi ko kinaya sa lahat ay nung tinutukan ako ng….baril! watdapaaaak?!! alam nyo walang halong biro, para akong nawala sa sarili! anong ginawa ko??? umiyak?? noooooo!! eh d sinapak ko ng bonggang bongga!! kahit naka cock na yung baril, wala akong pakialam! that time, dedma ako kung iputok nya yon basta masapak ko lang sya! ( more on bugbog!) wag ganon! para akong c linda blair kung magwala! haaaaaay! of course that was the final straw..naghiwalay din kami that same night…(guys wag mananakit ng babae at mga girls pag sinaktan kayo… saktan nyo din punyeta! hehe peace!)

may mga natanggap akong tweets kagabi at nag share sila ng mga na experiece nila…yung isa sabi nya na nung nagtangkang iwanan sya ng jowa nya…tinakot nya na iinom sya ng…..CUTICLE REMOVER! bwahahaha! sa lahat naman bakit yun pa, dapat sinabayan nya ng nail polish at acetone…pero syempre sino tayo pra humusga di ba?! lahat tyo may kagagahan na nagawa…karamihan naman bulok ang style…magtetext ng kung no ano…tpos sasabihin na WRONG SEND lang! (uuuy!! nagawa mo na noh? hehe) para paraan lng talaga..

eto mejo serious muna ako….never ko itong pinagusapan publicly…kasi ayaw kong madamay ang anak ko….pero after 12 yrs ngayon lang ako magsasalita..at dahil sa anak ko na rin ng galing… ang ama ng anak ko ay uhmmm….ano ba tamang “description” nya….alam ko na….SPERM DONOR!! dahil mula ng nalaman nya na buntis ako…ayun..nawala ng parang bula….FYI…never akong humingi kahit singkong duling sa kanya..as in! ngayon….late last year nagparamdam sha out of the blue…kinausap ko ng maayos kc gusto raw nyang makilala anak nya…syempre kahit ano pa man nangyari sa amin at GAGO sya, natural pinagbigyan ko kc karapatan ng anak ko yon at talagang sadyang mabait lang ako (walang etchos) nakiusap ako na bago sila magkita ng anak ko na wag syang papakita tapos mawawala uli kc aasa yung bata at sino ba naman gustong masaktan anak nila?? at matanda na anak ko, gets nya na mga kaganapan! tapos after namin mag usap (na nangako sha namagiging parte na sha ng buhay ng bagets) kinausap ko naman anak ko ng mabuti, at tinanong kung ok ba sa kanya na magkita sila ng tatay nya…syempre na excite yung bata….ayun…nagkita na sa wakas! in fairness….bonding agad! natuwa naman ako….PERO!!!!! after 2 months lang…..nawala na naman na walang abiso ang gago! watdaaaaapaaaaak??!! umasa anak ko at nasaktan….syempre galit ako! hellloooo?! wala ka bang kunsensya?! (prang umiinit na ulo ko ha! etchos!) sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay…hindi ka namin kailanagan! kaya ang masasabi ko lang sya…hmmm….itago natin sya sa pangalang….GILBERT SY ng negros!! kakatok ang karma isang araw sa pinto mo….suprise!! at hindi nako umaasa kc baka…..MASAKTAN lng kita! wapaaaaaaaak!…..ayan nalabas ko na….kung ano man nagawa natin ng dahil sa pag ibig..ok lang yan kc naging mas matatag at matapang tayo….pro wag kalimutan…na lahat may hangganan…at limitation….sa lahat ng inlab jan…stay happy pero….maghihiwalay din kayo! charozzz lang po! hehe…at sa lahat ng single na tulad ko…darating din yan at maging mapili tulad ko….mapiling ina prang dairy cream lng….paaaaak!! pray lang lagi!! at smile!!

K 🙂

May 1, 2010 Posted by | Uncategorized | 32 Comments