KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

what i did for….love!!! syet! :)

meron akong naimbento na sarili kong quote…it goes something like this… “may mga tao na gusto mong ibaon sa lmot….may mga tao naman na gusto mong ibaon sa…..LUPA!! (ng buhay!)” jejejejejeje!! ayy sensya nakikiuso lang sa mga jejemons!…siguro karamihan ng nagbabasa nito ay naranasan ng masaktan ng palong palo at nakagawa ng bagay na nakakahiya o nakakaloka ng dahil sa walang kamatayang….PAG IBIG! looking back sa mga pinaggagawa natin, minsan natatawa na lng tayo o minsan ay tanggap lng natin na sadyang nakakasira tlaga ng ulo ang ma inlab!….natuwa ako nung nagtanong ako kagabi sa twitter tungkol sa mga naka-experience na ng matinding nagawa sa ngalan ng pag ibig…syempre meron din ako!…

amg pinakamatindi ko na atang nagawaΒ  happened 13 yrs ago…..cguro masasabi ko na sha ang “greatest love” ko dahil sa mga nagawa ko nung kami pa…..tandang tanda ko pa na sa kahabaan ng edsa, nagaway kami at iniwanan nya ako, ako naman hinabol ko sya with matching sigaw at hagulgol (siguro mas maganda ang eksena kung umuulan non pra parang pelikula dating!) hala takbo ang lola nyo….syempre hindi ko sya naabutan dahil nakasakay sya sa….motor! kung siguro sinaniban ako ng CHEETAH bka sakaling nag pang abot kami…naranasan ko din na nagpalayas ako (with vindiction ha!) ayun…nag empake nga ang gago…nung palabas na sha ng pinto….nakapulupot ako sa binti nya pra wag lang umalis! ewan din! minsan talaga may sinasabi tayo pro hindi nman natin kayang panindigan! syet! pro ang hindi ko kinaya sa lahat ay nung tinutukan ako ng….baril! watdapaaaak?!! alam nyo walang halong biro, para akong nawala sa sarili! anong ginawa ko??? umiyak?? noooooo!! eh d sinapak ko ng bonggang bongga!! kahit naka cock na yung baril, wala akong pakialam! that time, dedma ako kung iputok nya yon basta masapak ko lang sya! ( more on bugbog!) wag ganon! para akong c linda blair kung magwala! haaaaaay! of course that was the final straw..naghiwalay din kami that same night…(guys wag mananakit ng babae at mga girls pag sinaktan kayo… saktan nyo din punyeta! hehe peace!)

may mga natanggap akong tweets kagabi at nag share sila ng mga na experiece nila…yung isa sabi nya na nung nagtangkang iwanan sya ng jowa nya…tinakot nya na iinom sya ng…..CUTICLE REMOVER! bwahahaha! sa lahat naman bakit yun pa, dapat sinabayan nya ng nail polish at acetone…pero syempre sino tayo pra humusga di ba?! lahat tyo may kagagahan na nagawa…karamihan naman bulok ang style…magtetext ng kung no ano…tpos sasabihin na WRONG SEND lang! (uuuy!! nagawa mo na noh? hehe) para paraan lng talaga..

eto mejo serious muna ako….never ko itong pinagusapan publicly…kasi ayaw kong madamay ang anak ko….pero after 12 yrs ngayon lang ako magsasalita..at dahil sa anak ko na rin ng galing… ang ama ng anak ko ay uhmmm….ano ba tamang “description” nya….alam ko na….SPERM DONOR!! dahil mula ng nalaman nya na buntis ako…ayun..nawala ng parang bula….FYI…never akong humingi kahit singkong duling sa kanya..as in! ngayon….late last year nagparamdam sha out of the blue…kinausap ko ng maayos kc gusto raw nyang makilala anak nya…syempre kahit ano pa man nangyari sa amin at GAGO sya, natural pinagbigyan ko kc karapatan ng anak ko yon at talagang sadyang mabait lang ako (walang etchos) nakiusap ako na bago sila magkita ng anak ko na wag syang papakita tapos mawawala uli kc aasa yung bata at sino ba naman gustong masaktan anak nila?? at matanda na anak ko, gets nya na mga kaganapan! tapos after namin mag usap (na nangako sha namagiging parte na sha ng buhay ng bagets) kinausap ko naman anak ko ng mabuti, at tinanong kung ok ba sa kanya na magkita sila ng tatay nya…syempre na excite yung bata….ayun…nagkita na sa wakas! in fairness….bonding agad! natuwa naman ako….PERO!!!!! after 2 months lang…..nawala na naman na walang abiso ang gago! watdaaaaapaaaaak??!! umasa anak ko at nasaktan….syempre galit ako! hellloooo?! wala ka bang kunsensya?! (prang umiinit na ulo ko ha! etchos!) sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay…hindi ka namin kailanagan! kaya ang masasabi ko lang sya…hmmm….itago natin sya sa pangalang….GILBERT SY ng negros!! kakatok ang karma isang araw sa pinto mo….suprise!! at hindi nako umaasa kc baka…..MASAKTAN lng kita! wapaaaaaaaak!…..ayan nalabas ko na….kung ano man nagawa natin ng dahil sa pag ibig..ok lang yan kc naging mas matatag at matapang tayo….pro wag kalimutan…na lahat may hangganan…at limitation….sa lahat ng inlab jan…stay happy pero….maghihiwalay din kayo! charozzz lang po! hehe…at sa lahat ng single na tulad ko…darating din yan at maging mapili tulad ko….mapiling ina prang dairy cream lng….paaaaak!! pray lang lagi!! at smile!!

K πŸ™‚

Advertisements

May 1, 2010 - Posted by | Uncategorized

32 Comments »

  1. very well said. may mga hinayupak talaga tayong makikilala once in a while na maiinlab pa tayo sa kanila tas sa huli naman e diba lang, ateh. pero siguro naman e talagang may darating na matino sa bandang huli. yung bandang huli na yun e sana wag naman tipong huling hininga na natin, tipong nangingisay na tayo sa ospital tapos yung doktor or nars pala yung soulmate naten pero may taning na buhay natin, nyehehe.

    Comment by Sarrah | May 1, 2010 | Reply

  2. hay,that’s love..kahit na mgmukhang gago,go pa rin..anyway,it feels good to be in love and syempre to be loved din..the right guy will come eventually..=) love,love,love!!

    Comment by ivy | May 1, 2010 | Reply

  3. hayy natuwa naman ako basahin ang blog mo,broken hearted kc ako nkpgbreak kc jowa ko saken 1month ago,masakit pinipilit kong kayanin iyak pa din ako ng iyak, pro ngyn mostly ginagawa ko mgpray na lng na sana mas kayanin ko pa at mawala ung pain na nararamdaman ko, ang hirap ma inlove hehe lalo na if u expect too much,hayy…lesson learned na dapat mgtira pa rin tau sa sarili natin..pra kung gumive up man cla carry lng ntin hehe…keep on blogging K…. God Bless u and ur family…. =)

    Comment by jela | May 1, 2010 | Reply

  4. Tama Miss K. Ako nga nagdrama pa kanina sa highway eh! Ang pag-ibig nga talaga!

    Comment by Resbakekay | May 1, 2010 | Reply

  5. Ang pag-ibig walang pinipiling klase ng tao mapa-babae, lalake, bading o tomboy man.. Kapag nagmahal ka dapat ihanda mo na dn sarili mo na masakta, nakadepende na satin yun kung papano natin haharapin. Ang iba ngpapakamatay pa nga diba, yun na siguro ang pinakamalaking kalokohang gagawin para sa pag-ibig sa dami ng pwede mong ipalit sa kanya.. Pero kasi nakakabulag talaga ang pagmamahal, parang sya na lang ang mundo mo at kapag nawala sya eh katapusan mo na rin which is mali. Wala talagang permanente sa mundo isipin na lang natin na naging masaya tayo ng mga oras na yun at sa bawat pagtatapos ng isang relasyon ay ang pagbukas ng bagong pagkakataon para tayo nakipagkilala at muling magmahal.

    Comment by Marc | May 2, 2010 | Reply

  6. wow. you are such a strong woman. naalala ko tuloy nung college ako nainlove ako sa isang college guy din. grabe binayaran ko tuition nya to think na pareho lang kameng student nun. tapos pag nagpupunta kame sa bahay nila tinatago nya ko sa mommy nya. one time “nag aaral” kame sa kwarto nya biglang kumatok mommy nya tinago nya ko sa cabinet pak an hirap huminga akala ko sa pelikulalang nanyayare yun hahaha..tapos di ako lumalabas ng kwarto nya hanggat di tulog lahat ng tao sa bahay nila.grabe looking back ngayon natatawa na lang ako ang super gaga ko

    Comment by ohmydoms | May 2, 2010 | Reply

  7. ganda po ng bl0g nyo di ako makapagc0ment dun e d2 n lng ha..wag u galit Tama ka k..iba talaga nagagawa ng PAGIBIG..ako nga sinaktan ko na sarili ko para lang wag mawala sakin ang babaeng mahal ko..dati gusto na nya kong iwan pero di ako pumayag(malaki na kaya puhunan ko sa kanya hehe joke) kahit magmuka ak0ng gago pinigilan ko xa wag lang xa mawala sakin..ewan ko kung bakit dami naman nagha2b0l sakin gwapo naman ako..pero para sakin ang pagibig ay parang halaman aalagaan m0 xa from but0 hanggang maging ganap na halaman..ang hirap magsimula ulit ng bag0ng relasy0n (magast0s hehe tama?)alam ny0 na ang isat isa basta mahal ko xa mamahalin ko xa hanggang sa wakas.. Pinaglaban ko.. Nagtagumpay ako kasal na kami at binigyan kami ng magandang anak na magiisang ta0n na.. Salamat kay Princess grace ann fajardo u c0mplete me..mahal na mahal ko xa.. Salamat k n c0ngrats lagi ko binasa bl0g m0 naka2aliw dapat ata my entrance fee na dito kc ibang kasiyahan pagbinabsa bl0g m0 hehe..joke

    Comment by Jeff pangilinan | May 2, 2010 | Reply

  8. hayz im so proud of you po… i love single mom kc matapang sila na harapin lahat eh..and korek sa love talaga grabhe..as in,,,kahit ako minsan di ko maimagine na ganun pala ako magmahal hehehe.and pag love talaga nawawala ung isang salita mo..pero kapag too much ung sobra na talaga…dumarating po ung point na parang manhid ka na ung parang AYAW KO NA!!..hehehe..pero un pala gusto pa nyahahhaa..i love you MS.K d ko man mapanood mga shows mo now pero sa blog mo natutuwa ako hehehe nasa bundok po kc ako ng tralala haha..more blogs po and gudluck sa life..<3

    Comment by itzghellerz | May 2, 2010 | Reply

  9. Nkakatuwa tlga basahin blogs mo, hope makita u narin si Mr right mo… πŸ™‚

    Comment by kireidane | May 2, 2010 | Reply

  10. I enjoyed every entry. Sensible at the same time it gives laughter to the reader.. Pero po, eto tinamaan lang po ako sa blog nyo. Single mom rin kse sister ko. Kamikami lang ang nagpalaki sa anak nya. Minsan lang na contact nung ama
    ang ate ko, hindi para tanungin ang kalagayan ng pamangkin ko kundi para umutang pa… Maliit ang mundo so nagkatagpo rin ang mag ama.. Sa mcdo kasama ko pamangkin ko na nakapila sa counter. Ang nakakalokang eksena eh ung sabihin ba namang “ang lakilaki mo na ah.. Tagal na nating di nagkikita”. Pardon my french, pero puenyeta pala sya eh!! Di tlaga sila magkikita eh hindi nya dinadalaw o kahit tawagan man lang. Ayos! Parang long lost fren lang ang nakita nya hindi anak ang pag bati.. Atlist ung bata na ang nag walk out. 12 yrs old rin sya… Ang haba tuloy ng telenovela ko. πŸ™‚ Lahat ng bagay na nagagawa naten may kapalit. Tuloy tuloy po sana blessings sa inyo ate K. Bilib ako sa mga single mom. Hindi madali ang pinagdadaanan ninyo. At goodluck sa karma para sa mga lalaking nanakit at nangiiwan…

    Mabuhay po kayo ate K!!

    Comment by Jacqui | May 2, 2010 | Reply

  11. nice entry po! habang binbabasa ko napabalik tanaw din ako at muling binalikan yung sarili kong bersyon ng mga kalokohan dahil sa pag-ibig (nyeta yan! hehehe). tunay nga, matindi talaga ang pag-iibig, nakaka-windang,nakakawalang bait. madalas, yung hindi natin inaakalang kayang gawin eh kinakakaya natin dahil nga sa pag-ibig na yan (nyeta ulet!). pero ngayon, habang inaalaala ko, napapatawa na lang talaga ako. grabe! ang corny talaga!

    pero minsan, masarap pa rin subukan ang pumasok sa mga ganong klaseng sitwasyon. kase, sa palagay ko, yun lang yung panahon sa buhay natin na feeling super hero tayo. yun bang walang limit, na lahat kaya natin gawin. minsan lang natin nasusumpungan yung ganong feeling na talagang awesome, that kind of high ika nga.

    kaya nga kahit pa may pinag-daanan pa tayong mga bagyo, at halos barely surviving, hopeful pa rin sana tayo na ma-inluv muli, at ever wishing na sa susunod, yun na talaga!

    cheers!

    Comment by kapengarabo | May 2, 2010 | Reply

  12. I can relate Ms. K! we have same situation and past.. hay.. SPERM DONOR — FTW!
    Kaya nga ang saying for single parent like us, “Hindi lahat ng may anak may ASAWA”. haha! apir! godbless you and your kid..

    Comment by paoweeboo | May 2, 2010 | Reply

  13. reading from all your comments, it made me realize that in God’s time I will also have a man who will love me genuinely.. i left Pinas because I could not bear the pain of the break-up. I thought also it only happened on movies in which you fall in love with your bestfriend .. Hirap pala…7 years na pinagdasal at hinintay tapos sa sandaling panahon lang pala yung relationship..i lost not only a lover but also a bestfriend.. ganyan talaga ang buhay … dapat kayanin ang lahat … To all of you who shared, thank you for teaching me about love .. la kasing COURSE about love…if meron, una akong nagpa-enroll … hahaha

    Comment by manelle | May 3, 2010 | Reply

  14. nkakatuwa naman ms.K!!! same tayo sa isang nangyari sayo, ung nag away sa daan tapos walk out ung guy at diko rin naabutan kasi nakasakay na sa motor, sheeeet! tas ako naman todo sigaw sa pagtawag saknya, kc naman naiwan ko ung payong ko sa trunk ng motor.. hehehe, pero ok lang, past na yun.. may iba na xa.. at ako happy na rin naman.. i’ll continue to read ur blogs! stay happy πŸ™‚

    Comment by Natalie | May 3, 2010 | Reply

    • ako din madalas kami magaway sa labas, kakainis.

      Comment by carol estrella | June 1, 2010 | Reply

  15. IDOL.. what i did for love.. punyeta nakakaloka..naku kahit alam kung mali talagang tinatama ko..
    yung last relation ko kahit i know na kabet lang ao sige lang.. ang ending iniwan din ako at sumama sa original.. sabi ko na nga ba iiwan din ako nito eh.. pakksheeeett(jejemon version)

    Comment by aabnormalcall | May 3, 2010 | Reply

    • talaga bang ganon, bumabalik din sa original palagi? natakot naman ako.

      Comment by carol estrella | June 1, 2010 | Reply

  16. Ay gusto kong ilabas ang tawang ito at baka sumabog na isang utot! Kaya eto na.BBBBBHAHAHAAHHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHHAHAHAHA!!!!!!HAHA!(me pahabol pa!)

    Comment by jemon-jemonan | May 3, 2010 | Reply

  17. Haha. Nakakatuwa itong blog entry na ito. I just realized na marami talagang nagagawa for love, kahit mukha na tayong tanga at kung anu-ano pa. Nakakaaliw pa basahin kaso nakakaemo. Hait. Memories. Ayun eh. Sana nga makita mo na ang one and only mo Miss K! Sarap magbasa!

    Comment by jpban08 | May 4, 2010 | Reply

  18. whatever happen sa love life mo I wish you all the best pa din …. right now focus mo muna lahat ng energy at attention mo sa anak mo….importante lumaki ng maayos at may tamang asal ang daughter mo …. SALUDO ako sayo Ms.K GOD BLESS.

    Comment by olivergorospe | May 4, 2010 | Reply

  19. binabati kita sa iyong katatagan!! basta nasayo ang bata tapos ang usapan…….waaaaaapak! ang mga walang wentang lalake na IRESPONSABLE!!

    Comment by rhed | May 6, 2010 | Reply

  20. ..ahaha.love it..hmm ganun talaga ang love….
    ..hay ako nga po..i think im still not over with him…its almost 5 years..seing him with her girl..aray!!dedma.pero deep inside still hoping na ako parin yun.:(

    Comment by Ggraceii | May 8, 2010 | Reply

  21. i soooo love the bllog entry…

    loved the comments more…

    sabi nga ng isa sa mga comment sana nga may course ang LOVE…

    papa-reserve agad ako tapos pag enroll fully paid agad…

    hahaha…

    God Bless you n your family Miss K…

    Comment by Faith | May 11, 2010 | Reply

  22. hey K..dis one’s real muvd me…..ur strong and i love u for dat, ur ryt, never ever giv up, God’s always der, i salute u K, u hav both my hands UP……great great talent, great great woman….. Bless u nd……please keep everyone laughin…i love u K…..ur real great!

    Comment by Isch Romero de Linares | May 11, 2010 | Reply

  23. di bale despite the odds there you are standing tall and blessed by God.Walang problem na di mo kakayanin isolve because He gave you strength to be able to emerge and surpass all trials.And aside from that you have this talent of making people happy and for that you are loved by many,thank you Ms.K

    Comment by marialuizel | May 12, 2010 | Reply

  24. hello… i watched you kanina sa the buzz… from there hinanap ko ur blog & presto… you’re such a nice person & i really like you. idol ika nga… i’m a transgender ‘teh, & i juz broke up with my bf yesterday… simply pathetic ako now home alone & got no one to talk to… na gusto ko, but you… ang hirap… alam mo, ung feeling na mhal mo but you need to give him up kac, mas mahirap kng magkasama pa dn kau? uhm, i am looking for someone to cling on but, i have no one here… ayokong malaman ng friends ko kac, ano ba emo na nman? i hope we could be friends… may i know your twitter account? gagawa ako ng account ko now lng… ayaw ko na sa fb… i need to move on eh… hehehe… goodluck & promise kpag ok na ‘ko i might meet you… ingat…

    Comment by gerbett | May 30, 2010 | Reply

  25. alam mo, marami sa mga experiences mo, parang same ng saken. at ganyan lang din ang attitude ko sa mga bagay bagay. tawanan lang, lilipas din yan. pray lage. pero pag napuno na, fotah magtago na ang dapat magtago, esophagus mo lang ang walang latay leche! LOL

    nakaka inspire ka K. sana lage kang nanjan and i hope your star keeps rising higher and higher kase maraming mabubuhayan ng loob sa presence mo pa lang…walang echos yan gurl. i love you talaga. actually, i believe isa ko sa mga unang fans mo. kakay and boyet kayo dati, sa 22nd street, nanunuod nako sayo. mataba ka pa nun. ako ren.pero seksi ka na ngayon. mataba pa rin ako nyehehe.

    yung lagi ko ngang kasama dito, pogi yun, lagi mo siya inookray na magpatira sa bakla hahahahaha
    si mark. ayun, ka age ko lang yun 37 yrs old, chugi na. pagkatapos nilang magdasal sa couples for christ na mtg, nag kolap. omg.

    kaya go go lang sa life. tawa lang. you never know when you will kolap!

    i love you K BROSAS! more power!!!!!!!

    Comment by Kim | May 30, 2010 | Reply

  26. DEAR TEHHH

    Tehhhhhh!!!! kumusta naman ang dubai with love…(feeling close) nakilala mo na ba ang soulmate mo na Camel?! joke! hehe gusto kolang itanong sayo baka nangangailangan ka ng PA (kahit libre pasok na yun)paexperience lang ba. pwede kaya yun?! mag apply sana ako sayo.hirap kasi maghanap ng work ngayon eh.. baka sakali (madiscover ako) pag nakita akong kasama ang kakinisang Tehhh. Mas palong palo ako kay JEJEMASTER.. kasi i can sing( sa banyo) i can dance( sa dilim) i can act.Till here and until next time sa mas may sense na tanong/prob.

    Pahabol Tehhhh, ano ba ang ibig sabihin ng wapaaaak mo?! kasi ang wapaaaaakkkk sakin ay iba ang ibig sabihin..(wapaaak,wapakkk!!! magkahawak both hands parang nagdadasal sabay ipalakpak)ano ang tunog? yun na yun! hehehe

    nagmamahal lemonada

    Comment by lemonada | June 11, 2010 | Reply

  27. minsan tlg may mga taong wlang kwenta..well,thanks to them kc nging strong tau..ryt?!? im sure..mkkarma din cla..!bwahahahahah..sna ngaun na..!hehehe

    Comment by nicaboo99 | June 12, 2010 | Reply

  28. hahahha koreek pag sinaktan ka saktan mo din at wag palulupa hahahaha..love u k..gus2 kita maging friend..punta ka d2 sa laguna hehehe..good luck and take care always

    Comment by maricel mercado | July 1, 2010 | Reply

  29. medyo may similarity tayo sa ugali pati love experience.Mahilig din ako magpatawa pero deep in side,seryoso ako sa buhay.gusto ko nakakapagpasaya ng tao..at dahil doon sumasaya na rin ako.Sa lovelife naman,ganon din,may sperm donor din na ng malaman na buntis ako,nawalang parang bula.Yun nga lang medyo maganda naman kasi nakapag-asawa ako at yun na ang kinilalang ama ng anak ko,ang problema ….yung sperm-donor mo nagpakita na,yung sa akin ayoko ng makita sana pero paano pag ginusto nyang makita ang bunga ng kagaguhan namin noon.Wala ring alam ang anak ko,di ko alam kung paano nya matatanggap yun,14 yrs old na ang anak ko.

    Comment by kristina | July 18, 2010 | Reply

  30. same kami ng pinagdaanan ng anak mo. I never knew my father for 28 years, when I found out about him nagkita kami then all of the sudden din hindi na sya nagparamdam. and yes ang sakit sakit on my part kasi ok naman kami ng una. siguro may mga ganun tlaga na lalake…. and now galit na galit mommy ko kasi feeling nya ni hindi na nga ako naalalgaan ng tatay ko tas sya pa may ganang umasta ng ganun. cguro may lahi siyang bula! hahaha

    Comment by johann | August 20, 2010 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: