KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

babala! seryoso po ito!.. ang ONDOY!

hayaan nyo muna akong maging serious kahit sa isang entry na to sa blog ko, so eto na ang storya ko sa nagdaang trahedya ng ondoy…around 1 pm (tulog pa ako as usual) ginigising nako…may show kasi ako sa casino pampanga at maaga ang call time…laking gulat ko ng nakita ko na pumapasok na pala tubig baha sa kwarto ko! watdapaaak?! hindi ko nga naramdaman na umuulan! natural naging kalmado lang ako…syempre ni sumagi sa utak ko (at ng karamihan) na babaha ng palong palo?!…inayos mga gamit dahan dahan..FYI…bungalow lang bahay ko…hindi pa rin kami nag panic dahil akala namin todo na ang hanggang tuhod lang na baha….inakyat sa la mesa at sa kama mga appliances hanggang sa tuktok ng closet…ng biglang umakyat na tubig hanggang bewang at napaka bilis ng pangyayari..

nung una iniingatan ko pa lahat ng gamit..pinipilit iakyat sa pinaka mataas na space ng bahay..pro nung nakita ko na lumulutang na sofa, ref, tv…..ayun….panic attack! pero kinimkim ko lang dahil ayoko matakot anak ko (habang nka salbabida ang bagets at parang nag eenjoy pa with matching swimming ha!) lalabas na dapat kami para tumakbo sa kapitbahay kaso sobrang lakas ng “current” kaya hindi na kinaya nung rope na dapat patawid sa kanila….ayun na! katakot na! lahat na ata ng santo at santa tinawag ko (kasama na si santa clause!) syempre hindi ko pa rin pinapahalata sa anak ko..

ayan na hanggang dibdib na ang punyetang baha! may nakita akong napakalakig zip lock (hanggang ngayon nagtataka ako kung san galing yon..) dali dali akong kumuha ng mga jackets, comforter, tubig, biscuit (na expired na pala syet!) at ang nakakaloka….make up kit!! ewan ko pro naisip ko na pag na rescue kami at least may make up pra fresh!…sumisigaw na mga kapitbahay na umakyat ng bubong kasi hanggang leeg ko na……up to this day, hindi ko ma explain pano kami nkaakyat, siguro adrenaline na gumana!….ang anak ko never nagsalita o nagreklamo..kaya laking gulat namin ng bago kami nakaakyat sa bubong biglang nakulay violet at natulala….ilang beses sinampal ng yaya pra bumalik sa malay..halos durugin puso ko! pero AGAIN…hindi ako nagpakita ng kahinaan..ayun nakaakyat kami…(nasa utak ko si miley na kumakanta ng THE CLIMB pra lng d ako mag break down) syempre bubong yon…kaya basang basa kaming lahat kahit may kumot pa…

napakababait ng mga kapitbahay ko dahil hindi nila kami pinabayaan…anjan na “binabatuhan” kami ng pagkain…at sinundo kami ng “mini pool” na nakalutang sa baha para makalipat sa katabing bahay…nung mejo humupa ang baha ng hanggang bewang na lang kinabukasan…nilusong na namin at naglakad hanggang sa gitna ng marcos hi way na wala ng baha..at doon kami sinundo ng mga kaibigan ko…

napakarami kong gustong pasalamatan…malalaman mo talaga mga tunay mong kaibigan sa mga panahon na sobrang sadsad ka…alam nila kung sino sila at alam din nila that i will be eternally gratetful to them…sa lahat ng interviews ko sa tv..never akong umiyak..nagpapatawa pa nga ako eh at nakangiti…kasi naniniwala ako na nawala man lahat ng pinundar ko….MATERIAL lng yan…at i always believe na you can always turn anything negative into possitive! at wag nating i-question ang panginoon kung bakit nangyari ang mga bagay na ganon…so malungkot man, ALAM ko na malalagpasan ko to dahil ang dami ko ng pinagdaanan na nakatayo ako ng…nakangiti! maybe im just a very strong person, o malakas lng pananampalataya ko kay LORD!

kaya nman….kung ano man ang nawala saken….binalik ng sobra sobra pa ngayon! daming blessing na dumating at patuloy pa din dumarating…so dapat pilitin na maging matatag at magdasal lage…at wag kang gagawa ng ayaw mong gawin sayo…yan lang naman ang aking prinsipyo sa buhay!…sensya na kung serious tong blog ko…i hope in some way, kahit “balahura” ako sa stage at isang komedyante na puro kalokohan..sana naging maganda akong ehemplo sa mangilan ngilan na nakabasa nito..i just want to share my serious side…..ay sha nga pala lumipat kami agad ng bahay after ondoy…sa town house na 4 floors!! (hindi halatang na trauma? haha!) so……sa next blog ko….balik katatawanan uli…pramis!! wapaaaaak! hehe! :))

kakai 🙂

Advertisements

May 7, 2010 - Posted by | Uncategorized

18 Comments »

  1. love this blog.. kame dinali ng ondoy lahat ng naipundar ko nasira.. pero deadma .. materyal na bagal lang yon.. ika nga.. pero what is the good thing is nakapag loan ako ng SSS at Pagibig,, at triple pa ang bumalik.. oh diva!!

    Comment by marcie caballa | May 7, 2010 | Reply

  2. Always looking forward to your new blog entries! Excited to see you here in Toronto with Pooh =)

    Comment by Lorie | May 7, 2010 | Reply

  3. ahahha kalurkie naman pala pinagdadaanan ng mga tao sa ondoy.. buti at mahilig tayo sa swimming kaya halos lahat ata ng bahay sa philippines may salbabida… ooi aminen!! ahahha mganda ang nilipatan nyo K 4th floor nku pano na kung lindul naman ang aatake nku wag wag wag naman sana.

    Comment by kan | May 7, 2010 | Reply

    • Sa mga shows mo nga Miss K parang wala kang problema, ang hirap nun a, may problema ka tapos patawa ka pa rin kahit gus2 ng umiyak ng iyong puso…gustong gusto ka ng ate Zen ko, nakakatawa ka kasi pag nag ge guesting ka sa tv…pero kaya ka bine bless ni Lord kasi maganda ang iyong kalooban…maraming mga tao dyan na masasama ang kalooban kaya hindi sila nagtatagumpay. I’m so happy to hear that you moved on and kalimutan nalang yung mga nangyari, i know hindi mo basta-basta matatanggal yung trauma, but unti-unti ring mawawala yan. I hope kasing tatag mo rin ako Miss K, marami din kasi akong mga problema, lalo na sa pamilya. Pero i am just praying na sana matapos na lahat ng mga problema ko, at sana dumating din ang panahon na maging masaya na ako…thnks for giving an inspiration to others, always take care and Good Luck to your next journey…

      Comment by Marilyn Talana | May 8, 2010 | Reply

  4. that was a nice story^^ i mean i never thought ur one of the ondoy victim…..syet inglis un nosebleed ehehehe… yngatz po im a fan of yours and i know u ever since Miss KATE hahhaaha ..
    of kors K brosas..

    Comment by chrisdt_25 | May 8, 2010 | Reply

  5. very good blog! positivity is what what we need in these times! Happy Mothers day!!! keep it up K!

    Comment by win | May 8, 2010 | Reply

  6. you are truly and inspiration ❤

    Comment by miyo | May 8, 2010 | Reply

  7. aww! I was touched Ms.K.. thankful p rin ako kase kmi hanggang talampakan lng ang baha.. And I’m glad you survived.. Tama po lht ng ginawa nyo..hindi kayo nagpakita ng kahinaan s anak nyo at higit s lht, hindi ka nag panic. . More blessings to come! 🙂

    Comment by paoweeboo | May 8, 2010 | Reply

  8. CLAP,CLAP,CLAP!!!ANG GLING MS.K:)KIP IT UP,MORE BLOGS!!!GBU:))

    Comment by nomorebubu | May 8, 2010 | Reply

  9. hai..super inspiring..ur really a great person teh..no jowk at all.. i hope i can meet u personaly..i lurve u! mwaahugz! God bless!

    Comment by mj flores | May 9, 2010 | Reply

  10. haha cool ate K
    galing.. idol talaga 😀

    Comment by kim | May 10, 2010 | Reply

  11. nagising ako sa blog entry mo… narealize ko tama pala talaga that whatever this life takes away from us God gives us back something bigger and better in return… i felt bad that a lot of people suffered dahil kay Ondoy but God is good, He’ll provide for us all…

    btw, galing mo po… para kang sunshine pag nasa stage ka na 🙂

    Comment by Faith | May 11, 2010 | Reply

  12. grabe talaga ang nangyare nung ondoy..naglakd din ako sa baha kase stranded hindi makauwe..infairness hindi naman inabot ng baha ang lugar namin..pero pag nakikita ko yung mga nasa tv talagang sobrang thankful ako sa Dyos kase walang nangyareng hindi maganda sa mga mahal ko sa buhay..kaya ayon..ngayon naman ako sinusubukan ni Lord..pero okay lang..lam kong nangyayare ang mga ganitong bagay dahil may malalim na rason..kaya go lang ng go ms.K..kaya natin to!!!

    Comment by renzie22 | May 11, 2010 | Reply

  13. hindi ko naranasan si ondoy, taga batangas kase kami… pero when i saw what happen to manila… panic din ako, kse ung parents ko andun. Glad they wer not affected too… Ms K.. thanks for trying to be a good example for everyone.. sana palaging ganyan – inspiring… thanks

    Comment by jenny | May 11, 2010 | Reply

  14. i’ve learned a lot from this blog of ur’s..tama ka turn nega into positive…love it!!!
    i just woke up at eto read ako agad blogs mo..tapos super tawa ako mag-isa sa mga other blogs mo..hehehe..
    more more more…..

    Comment by Lyn | June 8, 2010 | Reply

  15. Panalo!!! ang mga tao talagang patawa tawa mas malaki ang dinadala na problema… Good job K!!!!

    Comment by tintin | June 18, 2010 | Reply

  16. kwela ka p rin kahit sa gitna ng trahedya….. palong palo, tlagang pati si santa clause, tinawag mo hehe, pati ba si Mother Teresa, Mother Studio, etc?? hehehehhe

    Comment by yukt | July 8, 2010 | Reply

  17. ur right ms.k material lng un…mgling k nman ehh kya mo ang buhay mo..kc mrming FANS n ngma2hal sau….

    Comment by shella mae | July 14, 2010 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: