KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

hu me?? sino ba si k brosas?….

screen name- k brosas…sa totoong buhay…kakai o kai nickname…at carmela real name…half american…half…tiki tiki! hehe..syempre half pilipina…never kong nakilala ang fadir kc ang tunay kong madir ay…uhm…pano ko ba masasabi to??…hmmmm….nanay ko ay akyat barko sa olongapo that tym..yun panahon na yon ay palong palo pa ang olongapo at daming “navy” na pumumunta kaya naglipana mga “bars” non…tawagin na lng natin sya na entertainer ng mga kano! ang pangit nman sabihin kung “pokpok”…pro kung yun man ginawa nya noon….hindi na ngayon….kc….bugaw na sha! charozzzzz! marahil nagtataka kyo bkit hindi ko kinahihiya o hindi ako sensitive sa issue na to…well….i grew up na alam kong ganon sha..kaya nung nabuntis, hindi sya sure kung sino ang ama….basta confirm na puting amerkano…kc tisay akong lumabas…for the record hindi na ako galit sa tunay kong ina (pero hindi kami naging close)….siguro nung bata pa ako kc ang gulo naman ng ganong sitwasyon..ang nagpalaki sa akin ay ang auntie ko at ang mga pinsan ko ang kinilala kong mga kapatid (lahat na sila ay nakatira sa italy ngayon)

bata pa lng ako mahilig nkong kumanta, umarte…naaalala ko na kumakanta ako lagi sa tapat ng electric fan (pra boses chipmunks!) at ang wire na saksakan ang ginagawa kong mic….sobrang proud mama (yung nagpalaki sa akin) ko kc talented ako…..d ko makakalimutan sinali pa nya ako sa isang variety show…big big show ata name at sa channel 2 yon…kakaloka kc 3 kaming contestants, (mga 10 or 11 yrs old pa lang ata ako non) yung 2 kalaban ko parehong lipsinc….ako live! syet! naku sure win na ako non dapat…ang resulta….nag tie na nanalo yung 2 mga kalaban ko…umuwi akong luhaan at mga ilang linggo atang d lumabas ng bahay sa kahihiyan! at eto pa……ang ganda ng kinanta ko non! sikat! irene cara….WHY ME  ang title! hahahaha! mapangasar dba?! hehe…mula non, sabi ko, ayaw ko ng mag artista….pero go pa din ang madir! every summer nag peta ako, singing lessons! etc…dumating ang high school (13 yrs old ako non)….nag trip ako sumali sa isang pa cute na beauty contest, that time 1st yr ako sa st. paul q.c…ang title…..MS. FRESHMEN….D ko sinabi sa bahay na sasali ako, basta napagtripan ko lang….ending….winner lola nyo! at naghakot ng awards….best in modeling, best in casual wear at…..MISS TALENT! anong talent ko?? monologue! na sinamahan ko ng kanta at iyak at…..comedy!! yun na!! yun na pala tlaga calling ko….maging performer na komedyante…..tumambling ang madir pag dating ko sa bahay na naka make up pa at daming nakasabit sa sash at daming bitbit na trophy! wapaaaaaaak moment yon! after that…mejo sumikat ako sa batch namin (sa pagkakaalam ko ha) syempre bumida ako sa theater club…hmmm..wag na nating pagusapan grades ko non…basta pumasa! hehe…

college…nag f.e.u ako…..mejo napilitan kunin ang course na medtech,,,(ewan ko din!) kaso nung 2nd year na at mag di-disect na ng pusa! punyeta d ko na kinaya…ayun….nag drop ako!….so  naisip namin ng madir na mag tourism na lang ako kc daw matangkad ako etc….so go naman ako!…..1st day of classes….nagtanong yung teacher…WHY DID U TAKE UP TOURISM??….ganda ng mga sagot ng mga classmates ko, nung ako na….with feelings ko tong sinabi…I TOOK UP TOURISM….BECOZ I WANT TO BE…….A TOURIST SOMEDAY! bwahahahahaha! alam ko na nagpatawa lng ako…pro tlagang sadyang mabilis utak ko sa mga punchline!…nakatungtong nman ako ng 2nd yr..pro ayun na….may nag offer sa akin na kumanta sa isang sing along kc nalaman nila na may boses nman ako…i was only 17 that tym…ayun nawili ako at hindi ko na napagpatuloy college kc kumikita nko ng sarili kong pera (hindi ko sinasabing tama yon ha)….kumanta na ako sa iba’t ibang bars….anjan ang hotels….jazz bars,,,at ilang beses ako nkapag abroad….etc…

hindi na ako umaasa that time na mkakapag showbiz pa ako…..kc after kong mag indonesia, pag uwi ko dito….nabuntis ako! (punyeta naalala ko na naman ang walang kwentang “sperm donor” na lalakeng yon) so nagpatuloy  ako lalo sa mga gigs ko d2 pilipinas kc nga nagsarili nko ng bahay at family ko nasa italy na (at nagalit sila kc nabuntis ako kaya hindi sila nagbigay ng tulong kc desisyon kong magsarili at d na mag aral)….at ako lang maaasahan ko sa pagpapalaki sa anak ko…so kayod to death lola nyo….hanggang…kinuha ako ni sir boy abunda pra isali sa grupong gladys and the boxers…kagagaling ko lng non ng korea…syempre una hesitant pa ako…kasi sanay ako na solo act, pero siguro natuwa sila kasi nagpapatawa na ako sa mga sing along bars at kelangan nila ng isa pang babaeng komedyante….so sabi ko…cge try ko lng muna…..pero ang ganda at panalo rapport namin ni gladys…we hit it off right away! kaya ayun na at ang saya nman kc khit papano sumikat yung banda sa mainstream….almost everyday kaming may gig…(kaka miss ang boxers)…

pumasok c gladys sa eat bulaga….wala pang one year ako nman kinuha nila (super laki ng utang na loob ko sa eat bulaga talaga) i was already 25 non…hindi pa rin ako nag expect na sumikat…hanggang kinuha ako ng gma para isali sa isang soap opera (syet! mayordoma role ko non! maliit lng role pro ang saya!) tpos,,,sitcom na…and the rest is history….

lesson sa entry kong to……its never too late sa lahat ng mga pangarap at kung ano mang hirap pinagdaanan o pinagdadaanan mo, dont loose hope, god is good! dahil may kasabihan nga na….WE CAN NEVER CAN TELL!! nyahahahaha!….ngayon hindi ko pa man na a-achive ang rurok ng tagumpay….patuloy pa rin dapat ang mangarap at dasal na sabayan ng pagsisikap….at sa idustriyang kinagagalawan ko…pwedeng sikat ka ngayon…bukas wala na….dahil naniniwala ako na….NO ONE IS INDISPENSABLE  in showbizness…..kahit napakagaling mo o super talented ka…..walang kasiguraduhan ang carreer mo…so dapat magaling kang makipag kapwa tao at….be proffesional always!…..nakngpucha!! ang lalim ko palang tao?! hehe.. sensya na uli kung “mejo serious” entry ko…..gusto ko lng nman i share sa inyo buhay ko (edited version na yan) sabihin nyo lang kung na bored kayo….d nko mag se-serious nxt time….kasi gusto ko ….HAPPY KA! go manong jhonny! wapaaaaaak! hanggang sa muli….salamat sa pagaaksaya ng panahon basahin to!….. 🙂

K 🙂

Advertisements

May 27, 2010 - Posted by | Uncategorized

62 Comments »

  1. love it! i am a fan!

    Comment by TriflerNoMore | May 27, 2010 | Reply

  2. miss k very inspiring ang drama mo ate .. bgay yn sa k2lad kong teenager whAhaha . goOdluck pfu muAaa

    Comment by sunshine dalagan | May 27, 2010 | Reply

  3. ang ganda kaya! Go, K! you inspire us! tnxs for sharing a piece of ur life story.. 😀

    Comment by kaye | May 27, 2010 | Reply

  4. wow! sure naman na happy ka ngayon sa life mo after ng lahat ng experiences na yun… go lng ng go sa life! actually, you inspired me after reading this entry… 😀

    Comment by jeCca | May 27, 2010 | Reply

  5. nyc st0ry!!! alavit!!!!!! hehehehe!!!!! 🙂

    Comment by jonna | May 27, 2010 | Reply

  6. Wow! It’s K Brosas! My Idol ang galing mo dun sa my girl!
    I admire your personality. It’s a good thing you are not holding grudges to your parents.
    I wish you all the best. Keep up the positive spirit in you. =)
    I enjoyed reading this entry. ^_^

    Comment by Mon | May 27, 2010 | Reply

  7. Wapak ang blog entry mo! it takes a lot of courage to share your experiences to us and i personally value the lessons learned from all of these. I do pray for a more successful career in showbiz and sana marami ka pang mapasaya na tao.

    Comment by Marc | May 27, 2010 | Reply

  8. Wapak ang blog entry mo! it takes a lot of courage to share your experiences to us and i personally value the lessons learned from all of these. I do pray for a more successful career in showbiz and sana marami ka pang mapasaya na tao.

    Comment by Eric | May 27, 2010 | Reply

  9. laugh to death pero may aral! Nieta!

    Comment by leigh13 | May 27, 2010 | Reply

  10. napaka insiring nmn ng story ng life mo…napakatotoo mo…kahit ganun ngyare sa Mom m d mo ito ikinahiya…bilib aq sau…anyway, kahit d ganun ka bongga ung career mo as an artist atleast d ka nawawalan ng trabaho db bilang singer…for me, isa kpa ring magaling na artista…napanuod q ung mga dati mong show and ang galing galing mong komedyante…nagkataon lng na maraming mga dumarating na para magartista kya d na napapansin ung galing mo…basta dont stop proving yourself…you can do it girl…goodluck and GodBless you…

    Comment by Geraldine Timoteo | May 27, 2010 | Reply

  11. ang cute po ng entry nyo nakakainspire

    Comment by dhong | May 27, 2010 | Reply

  12. hi ms.k, yun pala ang sory of your life! nice! tama yun be proud sa pinanggalingan!! i’m also a fan! all the best, ms.k!!

    Comment by irish mae | May 27, 2010 | Reply

  13. hi k! nag enjoy ako grabehh!!! hahaha! hehehhe! hihihih! ho!ho!ho! MERRY CHRISTMAS! d na kasi pwedi yung huhuhu! kasi malungkut yun eh! 🙂

    Comment by ricscute | May 27, 2010 | Reply

  14. loveeeet teh! go lng ng go!! wapaaaaaaak!

    Comment by unicaivah | May 27, 2010 | Reply

  15. thanks Ms.K for sharing your life story, very much appreciated.Congratulations for surpassing the trials…Sana mag guest judge ka naman sa Showtime…

    Comment by marialuizel | May 27, 2010 | Reply

  16. thanks for sharing K. makulay pala ang buhay. kapupulutan ng aral. ngayon, fan mo na ako.

    Comment by cedrick daluddung | May 27, 2010 | Reply

  17. Isang nakakaaliw at punumpuno ng aral ang istorya ng buhay… PangMMK. Nice blog… More more blogs to come Ms. K. Isang masigabong waaapaaaak para sayo. 😀

    Comment by Mentot1081 | May 27, 2010 | Reply

  18. lab eeeeetttt!!! very inspiring, galing mong mag sulat, totoong totoo! IM A FAN:))

    Comment by crissy | May 27, 2010 | Reply

  19. idol. hahaha.

    Comment by Jane Lynnel. | May 27, 2010 | Reply

  20. I love it.!

    Comment by Jan fr0m nueva ecija | May 27, 2010 | Reply

  21. Yeah ms. K, mejo serious but its ok. At one point to an0ther i get tym 2 laugh. Keep on writing.. I’ll keep on reading..

    Comment by Princess pangilinan | May 27, 2010 | Reply

  22. Wow na wow tlg! Amazing acceptance on what ur mom did bfore… Ur really got good heart K! I can sense it! Godbless !

    Comment by Sofiaxtreme | May 27, 2010 | Reply

  23. I just loved reading your blogs! Wapaaak! Follow my tweets, @iansalvacion

    Comment by ian salvacion | May 27, 2010 | Reply

  24. Hi miss k.. Such an inspiring story..very true we should never give up when we know na kaya natin.im so proud of u.isa ka talagang tunay na pilipina.

    Comment by Jam | May 27, 2010 | Reply

  25. i read your post. i actually believe to your story. it is very hard to fathom what could be the next line of our life. its like the wind blowing to anywhere. i really like the way you are, you are showing what you really are. keep your faith. love people as your family. 🙂

    Comment by Ursus | May 27, 2010 | Reply

  26. hi ms.K ‘been following u on twitter… love ur cute funny jokes!!! palong palo talaga! ur blog inspire me a lot… ‘expect more

    Comment by layla | May 27, 2010 | Reply

  27. thanks Ms K for sharing ur life.. sobrang nakakainspired din.. di man ako naging akyat barko e pareho lang kau ng daughter ko di rin kilala ung father nya.. i know by God’s help, magiging successful din sya tulad mo though probably in different field.. God bless..

    Comment by lhynn reigne | May 27, 2010 | Reply

  28. hayy, i really love to read your blogs msK, sana mapansin mo naman mga comment ko..more power ms.K

    Comment by susie | May 27, 2010 | Reply

  29. hhehehe,..naalala kopa nung start kang lumbas sa eat bulaga para kang bakla nun,,ganda mu na ngayon mukha ka ng tomboy heheh joke

    Comment by john dadis | May 27, 2010 | Reply

  30. Hi K! Continue on writing your blog. You’ll never know, you may inspire other people because you are a true person! Totoo kang tao! I remember on one of your blogs you said “fact you”!  You bring  to the ones who are  and 

    Comment by Limar | May 27, 2010 | Reply

  31. i love you so much! ur one of kind talaga miss k. sana magkaroon ka ng big break sa dos. sobrang brilliant mo po.

    Comment by abigail zapanta | May 27, 2010 | Reply

  32. K, how come nakanta ka sa harap ng e-fan tapos hawak mo ang dulo ng cord? Wapapakpak!

    Comment by @CdrewDdy | May 27, 2010 | Reply

  33. i always read ur blog miss K and imma fan of urs.. ur so funny:) and i love ur green jokes sometimes.. you rock!

    Comment by gigi | May 27, 2010 | Reply

  34. wala talaga akong pinalampas sa mga blog mo.lahat nabasa ko na…galing super…

    Comment by meiden | May 28, 2010 | Reply

  35. I admire you dahil sa hindi mo kinahihiya at tinatago ang istorya ng buhay mo lalo na tungkol sa hindi mo pa nakikilang tatay mo. Whoever he is pasalamat ka sa kanya or rather padalamat kami sa kanya dahil may isang k brosas na lumabas sa mundo na nakakapag bigay ng kasiyahan sa maraming tao. I really enjoy watching u and i hope that one day ma meet kita in person. Keep it up and hopefully nga maging guest judge ka sa showtime!

    Comment by Kullet | May 28, 2010 | Reply

  36. hi ms. k…thanks for sharing your life here. im a regular visitor of your blog. ingatz po. may God grant the desires of your heart.

    Comment by liezl | May 28, 2010 | Reply

  37. u are really funny 🙂 tawa ako ng tawa sa blog mo 🙂 u made me laugh today! my hubby & i like your comedy acts. hope you will do comedy shows near south area 🙂 i’ll be following ur blog for sure hehe 🙂

    Comment by mommy malou | May 28, 2010 | Reply

  38. hi k!actually,this ain’t really a problem,i just want to hear your opinion.here it goes..since you’ve got lots,if not surrounded,by gay friends,i just wanna ask if you are against same sex relationship?& if not,you think lesbian relationships are worth fighting for?please elaborate.thank you k!!:)

    Comment by tulip_bud | May 28, 2010 | Reply

  39. palong-palo ms k!

    i love reading your blog

    Comment by vam | May 30, 2010 | Reply

  40. wow! nkaka inspire, npanuod kita knina k kc kya ko nlman un blog mo, i admire you kc npka 22o mong tao, hndi mo knkhya ung pinag daanan mo,sana k2lad mo din ako na strong te, more power! go go!!

    Comment by blued | May 30, 2010 | Reply

  41. Hello K,

    Ever since I saw a video of your performance sa you tube, humanga na ako sa iyo.
    You are very talented.

    Also, I read that you are a terrific Mom…too bad you only have one child…do you regret not having another one?
    I’m sure pwede pa di ba ‘te!
    Maganda at bata ka pa naman.
    Anyway, sana magpatuloy ang magandang blessings na dumadating sa iyo.

    Comment by Reggie_A | May 30, 2010 | Reply

  42. ndi ko nramdman na naghirap ka sa buhay mo..kase ang kwela ng pagsasasalaysay mo(shocks,lalim non)pero hanga ako sayo kasi ndi ka naloka dun sa time na nakasalamuha mo yung your so-called “sperm donor” tapos iniwan ka nman…
    very inspiring ang kwento ng buhay mo,at very entertaining din(hekhek)…
    more power at sana marami ka pang maging projects…
    p.s.
    ganda ng junakis mo…

    Comment by pam | May 30, 2010 | Reply

  43. Vongga ka ms.k! Love u! Dahil sa sinabi mong 8 folowers mo?pang 9 ako!mwuah!

    Comment by Tin | May 31, 2010 | Reply

  44. Yeah! Ur so wondermom! I really like u ms.K-agandahan!
    Baklang baklang ka talaga! Vongggecious ang buhay mo! Kaya i salute U! I♥U!mwah! ☺

    Comment by chrizybalm | May 31, 2010 | Reply

  45. panalo ang talambuhay mo teh winner ka talaga!! palong palo hehehe

    Comment by blossom | May 31, 2010 | Reply

  46. Kabogera ka tlaga ms. K! Hehe! Ang galing m0 s lhat ng bgay. Grbe. Npaka talentado m0!

    Comment by Prinsipe ng Pangarap! | May 31, 2010 | Reply

  47. that was great.!
    Ur so good at making ppl laugh.!
    Im a fan…
    It was funny and touching at d same time…
    U could make a taglish novel…
    Hahaha.! Try mo, yung tatawa tlga kami ng tatawa… Hahaha

    Comment by trueblue | June 1, 2010 | Reply

  48. dear teh..pls answer diz wapakk na tanong..pra syo..kung ikaw ay isang ice cream, hayaan mo b na matunaw ka na hindi nadidilaan?

    Comment by nananu ka..kalandi mo | June 1, 2010 | Reply

  49. dear teh..pra syo..kung ikaw ay isang ice cream, hayaan mo b na matunaw ka na hindi nadidilaan?

    Comment by nananu ka..kalandi mo | June 1, 2010 | Reply

  50. sana may COMEDY SHOW ka..sa GMA, mhilig sila sa COMEDY shows..balik ka na sa GMA..

    Comment by chekwa | June 4, 2010 | Reply

  51. Hi K,Ron Mcadams here, I am a fil-african-american…i am raised by my FilMOM like a real Filipino.. in actions and in words..also in Food, I am now in Johannesburg working as executive chef in one of the best restaurant in Johannesburg.., just came from vacation in Surigao, Philippines..i saw you in one of the TFC shows.. I was tempted to view your blog ..I find it very relaxing hearing/reading Filipino stuffs…I like the way you give advise..I would like to give you a name..”K the Laugh Doctor” because when you give advise, there’s a bit of FUNNY TWIST..or “K the Comedy Blogger Queen” i want to hear that when you’ll be introduced in your shows…

    Like any other ordinary people, I also have question which I think needs an answer…I heard a lot of JEJEMON thing good thing wala pang nagtetext dito ng ganun kasi PALONG PALO ang inis ko sa ganun..the following are my questions:

    1. Who is the father of JEJEMON?
    2. Is it Okay to integrate JEJEMON in Philippine Curriculum?
    3. Is there any way to assassinate the FATHER of JEJEMON?
    (I am willing to pay some JEJEMON ASSASSIN)
    4. Galit kaba sa mga JEJEMON?
    5. Si Manong Johnny ba ay isang JEJEMON? which i think HE is the father of JEJEMON..
    6. Are you in love now? if not, this fool fil-african-american is very much willing to share love…

    love to hear from you..

    Sincerely,

    ron

    Comment by ron mcadams | June 4, 2010 | Reply

  52. teh! winner ang blog mo! taray!…keep it up! by the way,im your follower sa twitter! 🙂

    Comment by ilovekathV | June 13, 2010 | Reply

  53. Kaaliw ka talaga teh! Aylabit! Natawa ako sa sagot mo na u want to be a tourist hahahaha wapak!

    Comment by Annneh | June 25, 2010 | Reply

  54. In fairness teh, super haba ang introduction mo sa sarili mo. Aminin mo yan. Boooom!!!

    Hay naku, naaaliw ako palagi pag open ko ng twitter at nakikita ko ang mga posts mo. Ikaw ang halimbawa ng babaing walang kapaguran.

    Comment by Arnie | June 25, 2010 | Reply

  55. grabeh may puso ang akdang ito. teh sana marating mo ang levelo ng kasikatan ni vice ganda dahil supertalented ka, sana tlaga mabigyan ka ng bonggang break sa kapamilya, like nung kay vice ganda, natatawa na ko sa yo isang irap pa lang ng mata mo sabay nguso, yun na kabog!

    Comment by jai | July 8, 2010 | Reply

  56. pastilan pirti kong agik-ik uy, kalingaw baya!

    Comment by yukt | July 8, 2010 | Reply

  57. teh pano pala iikot ang elise ng e-fan kung hawak hawak nyo ang wire?
    ——————–

    kumakanta ako lagi sa tapat ng electric fan (pra boses chipmunks!) at ang wire na saksakan ang ginagawa kong mic

    Comment by kuto | July 8, 2010 | Reply

  58. thanks TEH,kc ngng open ka at willing ka na i-share mo sa min lyf story mo (*^^*) nkaka-inspired po(*^^*)GOD BLESS po always…

    Comment by mikaela | July 11, 2010 | Reply

  59. HI K. I’M SURE MAGIGING 1 MILLION ANG KABLOG MO, I’M TELLING IT TO EVERYONE. SO FAR MGA 500,000 NA NASABIHAN KO….(JOKE).. IT WILL SPREAD COZ YOU ROCK K!GOD SPEED.

    Comment by PYBEE | July 16, 2010 | Reply

  60. ms. k ask q lng kc prang napanuod kta marunong k masalita ng waray,taga samar k din po b? god bless po super natural ng talent mo…more projects pa po sana 4 u…

    Comment by iamblack | August 8, 2010 | Reply

  61. hi…..alm u ate k na22wa ako sau sobra…

    Comment by Rojannyh | August 25, 2010 | Reply

  62. Avid fan here.. Whenever I feel depressed, I search for your videos on Youtube.. Thanks for making me laugh as always!
    Love you K!

    Comment by Kathleen | September 3, 2010 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: