KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

DEAR TEH….papano magpadala ng “liham”…. :)

meron ka bang dinaramdam??….problema sa pag ibig, sa buhay?  (utang na loob wag lang tungkol sa pera….pass ako jan!) o mga tanong na nakakatirik ng utak??….magpadala ng liham sa akin… at susubukan kong sagutin sa pamamagitan ng malikot kong pagiisip ….dahil naniniwala ako na dapat tawanan natin ang mga problema…at sabi nga ni manong jhonny…GUSTO KO HAPPY KA!….napakasimple lang po…. idaaan sa “comments” mga tanong nyo.. example:…..

“DEAR TEH…itago mo ako sa pangalang…o kaya para mas tagong tago sa……kahon!! bwahahaha! (parang ganon) nagmamahal…panagalan nyo (kung ayaw nyo sa kahon!)”

…..hindi ko pinapangako na masasagot ko lahat, pero iipunin ko mga mapipili kong mga tanong/problema nyo at pag tapos ko ng sagutin (sana within this….year! joke!)… post ko agad…pra sa mga tanong na pwede namang i-GOOGLE, wag na tyong mag gaguhan! hehe…tayo ng magkatuwaan….GAME! :)…..nagmamahal……TEH….. WAPAAAAAK! 🙂

Advertisements

May 28, 2010 - Posted by | Uncategorized

70 Comments »

  1. dear teh,
    itagao nyo po ako sa pangalang JAMES.. paano po ba magmahal ng lubos?

    nagmamahal,
    james

    Comment by james | May 28, 2010 | Reply

  2. DEAR TEH,

    Itago mo na lng aq sa pangalang keme..pde mo dn aqong tawaging kemedou..kht anu gusto mo.
    Gusto qo lng malaman kung bkit may H ung TEH mo..at panu ipronounce un?

    Nagmamahal,
    -peklat

    Comment by tina | May 28, 2010 | Reply

  3. Hi Teh,

    May gusto akong guy, kaso malayo sha. Hindi ko alam kung dapat ko bang i-pursue tong feelings na to eh. Ganto kasi yun, sundalo sha. Nasa ibang bansa sha naka-base (dito kame nagmeet sa Pinas). Pero palagi kame naguusap sa Skype. As in everyday. Hindi kumpleto araw naming dalawa pag di kame nakakapagusap. Pag gising ko sa umaga, may text sha. Bago ako matulog, magsa-Skype muna kame. Parang nadedevelop na kame sa isa’t isa. Pinadala pa nga niya saken dogtag niya eh (sweet no?). Kaso ang problema is natatakot ako mag commit sa kanya… yung last relationship ko kasi, long distance din. Pero niloko lang ako nung guy. Etong si Soldier boi, niloko din sha nung ex niya kaya mejo may level of understanding kame with regards to cheating. And if ever, ako magiging first long distance gf niya. Kinumpara ko naman silang dalawa ng ex ko, malaki difference nila, pero natatakot padin ako dahil nga malayo sha saken. Kahit sabihin natin na mabait sha, baka magkachance pa na lokohin niya ko diba dahil nga malayo kame sa isat isa and everything… Pero I really like him! And he likes me. Nangunguna lang yung takot ko and yung hirap ko sa pagtrust sa mga lalake… What should I do?! Huhuhu…

    Thanks! More power! xoxo

    Comment by Long Distance Lonely Girl | May 28, 2010 | Reply

  4. Dear Teh,
    itago mo na po ako sa pangalang Maria Purificascion Marimar Consolation de Lipana Espania Purpora Y Uy.
    Te, inlab na inlab ako sa friend ko. Tropang trumpo kame, as in parang bubble gang sa pagiging close. Meron akong jowa nung nainlab ako sa kanya. Just recently ko lang naipagtapat. Ok lang daw sa kanya, teh. Tipong ok lang sa kanya na lab ko sya pero hanggang ganung ok na lang. Walang mas ookey pa dun, ganun na lang kung baga. Masaya naman ako dahil mahal ko sya pero minsan naloloka na ako sa pag eefort ko na kalimutan sya. Kasi masaya ako pag nakakausap ko sya kahit sa chat lang (nasa Middle Earth kasi ako ngayon, teh). Ayun. Ano bang palong-palong advice ang maibibigay mo sa akin tungkol sa problema ko? Teka, nabanggit ko na ba ang problema ko? Ang problema ko nga pala ay girl ako, at girl din yung lab ko. Kaya eto, walang patutunguhan yung feelings ko sa kanya kundi sa drainage system. Sa sobrang lab ko sya e baka magbara ang drainage tatawag ako sa Malabanan. Teh, help.
    Lubos na gumagalang,

    Comment by JS | May 28, 2010 | Reply

  5. dear TEH!, hi k!actually,this ain’t really a problem,i just want to hear your opinion.here it goes..since you’ve got lots,if not surrounded,by gay friends,i just wanna ask if you are against same sex relationship?& if not,you think lesbian relationships are worth fighting for?please elaborate.thank you k!!:) -lovingly yours, helen! wapaaaak!!

    Comment by tulip_bud | May 28, 2010 | Reply

  6. Dear Teh,

    Hi, itago nyo na lamang ako sa name na carmen,(dahil ayaw ko sa kahon,hehe). anyway, may tanong lang po ako tungkol sa nararamdaman ko ngayon, meron po akong dalawang crush, yung isa may gf na, yung isa kaka break pa lang(yehey!), pero may past kami ng 2 crushes ko, antaray! Itago natin sa pangalan na Carl si crush na may gf, at migz naman para kay crush na kaka break lang. Well, gusto ko lang itanong dahil na coconfuse ako about how i feel, kasi sa twing magkikita kami ni Carl, parang ok lang saken, pero masaya ako xempre na nagkita kami, pero tuwing nagkikita kami ni Migz, omg, parang di ako makahinga at yung heart ko talaga parang lumabas sa katawan ko at kulang na lang apak apakan…promise! yan talaga nararamdaman ko, so i think, mas matimbang si Migz sa heart ko kasi, over yung nararamdaman ko pag nakikita ko xa. Pero, dito na ako na confuse, nung isang event, nagsama kaming tatlo, at kinausap ako ni Migz(OMG!), xempre ang saya ko teh! Pero at the back of my mind, masaya ako di lang dahil kinausap nya ako, kundi, dahil alam kong nakatingin samen si Carl at parang gusto ko magselos xa samen ni Migz.So, anu yun teh? Grabe ang na fe feel ko kapag magkikita kami ni Migz, pero nung magsama kaming tatlo, parang ginamit ko lang xa para pag selosin si Carl..Di ko ma getz ang feelings ko teh! So sana, matulungan mo ko! Btw, i really love you K, kasi palong palo talaga mga patawa mo saken, naaliw talaga ako sayo esp sa Twitter! I love you!! Thanks!!

    Nagmamahal at nacoconfuse,
    Carmen Morena

    Comment by carmen morena | May 28, 2010 | Reply

  7. dear teh…. share ko ang aking nararamdaman…hahaha
    sa susunod na lang bubuuin ko pa ang bumabagabag sa aking isipan
    paaakkk..

    Comment by deth | May 28, 2010 | Reply

  8. hi. im also a blogger and im ghappy to saw your blog because im super fan of you. nakakatuwa ka ate K. :)) Godbless.

    Comment by xhaway | May 28, 2010 | Reply

  9. DEAR TEH paano nga ba lunukin ang pride?hanggang dito nalang thanks po ;p

    Comment by rose | May 28, 2010 | Reply

  10. tago mo na lang ako sa pangalang (tinago ko na, di mo na makikita) i havent spoken to my mom for 2 weeks now. u see, she has a stage 4 lung cancer and still she doesnt quit fr smoking. id like to understand her, but why cant she understand me? cant we meet halfway? (serious mode to,jejeje, wag sana matuon galit ko sayo dahil nanay ka din, joke=) hirap ng mommies intindihin kung minsan. u and ur daughter ba sometimes u dont spoke to each other? matagal din?

    Comment by Sheena | May 28, 2010 | Reply

  11. hi, mustah po kayo. napapasaya nyo po ako kapag nakikita kita sa tv. hindi naman clown ka sa paningin ko ah, basta…
    magaling kang umarte, yun yun.
    hahhaha.

    Comment by markee | May 28, 2010 | Reply

  12. DEAR TEH… birthday ko po ngayon pero I call it saddest birthday. Kasi naman po ang layo ko dyan sa pinas dito ko UAE work as pinaka maganda, sexy at batang batang family lady driver. Sad birthday ko kasi walang bisyo dito at wala ding future love life ko dito…hahaha but the saddest part of my birthday is my dad. My daddy has a lung cancer stage 4. And the latest new is he can’t speak and walk.. Bed ridden na sya.. Anytime pwede na sya kunin ni God. Ang lungkot ng birthday ko noh? Wapak na wapak at palong palo sa kalungkutan.

    Well anyway here is my problem.. Work po ako dito as family lady driver full time. No day off. Emirati/local kasi amo ko dito e.. Well syempre dahil sa house Lang ako edi gumagawa na din ako ng gawaing bahay dito. Halos lahat ginawa ko na. Okay naman tong family na to so far wala pa naman problema na bongga.. Yun nga Lang wala akong freedom dito.. I can’t use laffy, mobile and I can’t watch tv. Kaya Lang po ako nakakapag net e I used iPod touch nagkataong nag pakabit sila ng wifi (swerte ko noh).
    Teh pa advise -I will go home this June dahil sa situation ng daddy ko binigyan ako ng 1 month vocation. Nag dadalawang isip ako Kung babalik pa ako sa kanila o Hindi e 7 months pa Lang po ko dito. Thank you teh.

    Nag mamahal;
    MAY

    DEAR TEH….pahabol pwede po ba yung sagot nyo e may seryoso at may biro? Hehehehehe I need it e… Salamat po…. Wapak ika nga po ni manong jhonny di ba gusto ko happy ka =)

    (sa lahat po ng makakabasa nito please pray for me naman na makauwi next week.. Sana bigyan ako ulit ng lakas ng loon ni lord na kausapin ko amo ko ngayon or bukas… Thank you po) @Menggay28 on Twitter (para-paraan Lang…hahaha)

    Comment by May | May 28, 2010 | Reply

  13. k, natanggap mo ba liham ko?

    Comment by carmen morena | May 28, 2010 | Reply

  14. hi ate K.. my mga questions lang ako.. :))hindi ko kc maxadong maintndihan kung sya yung tama o ako yung mali..

    Comment by isabel | May 28, 2010 | Reply

  15. cont; kasi po ung X ko nakipag break siya sakin bigla.. as in biglaan. yung tipong okey pa kami nung knagabihan tapos kinabukasan nakipag break? bad3p nabigla ako.hahaha! ayun po.. tinanong ko naman po siya kung bakit sabi nya nagsawa na dw po siya sakin.. kasi nga dw po nasasakal na dw po siya..hmm i admit naman po na mahigpit ako sakanya pag dating sa mga ganyan.. tpos po tnanong ko po if there is some1 else kya xa nkikipag hwalay sbe nya po WALA paule2 ko na tnanong WALA dw po tlga..nagsawa lang dw tlga xa sa UGALI ko.. aun po e d wala napo akong nagawa inaaccept ko nalang din po. tpos po after 2 weeks nalaman ko po na nililigawan nya na po ung friend ko. sa iba ko pa po nlaman. un po ung masakit dun.. ung nlaman ko na po tnext nko nung girl. sbe nya kya nya dw po hnd snbe kc dw po ayaw nya daw po akong masakatan.. what’s the difference kung hindi nya pa sasabhn agad kasi masasaktan at msasaktan din ako kahit ipagpaliban nya pa knowing na friend ko pa xa.. ayun po. ano po ba dapat kung gawin. kasi po hindi po kame okey nung girl and nung X. bitter na kung bitter basta ayoko lang po makipag plastikan na okey kame.. ayun po.. sana po masagot nyo.. :))

    Comment by isabel | May 28, 2010 | Reply

  16. hello teh, gusto ko po maging artista pero di po ako marunong kumanta, sumayaw o umarte. pano na yan?? may pag asa po ba ako?

    nagmamahal,
    jejemaster

    Comment by jejemaster | May 28, 2010 | Reply

  17. dear teh,

    Itago mo nalang ako sa pangalang “ang Babaeng Hamog”. Kagaya mo ay mahilig din akong magpatawa sa ibang tao. Lalong lalo na sa mga kaibigan ko. Isang araw nagcomment ako sa FB sa isang picture ng frend ko. Bagamat hindi un ang intensyon ko at ang pinakamain goal ko lang dun e magpatawa. Pinaratangan ako nilang “Rude” daw ako dahil sa ginawa kung commento. Nasaktan ako teh..ang sakit!
    Hindi ko kinaya ung paratang na yun,,. Anu ba ang gagawin ko teh? Kelangan ko na bang baguhin ang imahe ko sa kanila????

    nagmamahal,
    ang babaeng hamog

    Comment by ang babaeng hamog | May 28, 2010 | Reply

  18. Dear Teh,
    Matagal na pong gumugulo sa aking isipan ang tanong na to. Hirap na po akong makatulog sa gabi. Bakit po ba nasa dulo palagi ang taba ng barbeque? Hindi po ba pwede sa unahan?
    Lubos na gumagalang,
    Haha

    Comment by Haha | May 29, 2010 | Reply

  19. Dear teh,

    May gusto po sana akong itanong na matagal nang gumugulo sa isipan ko. Ilang araw na rin po akong hindi makatulog.

    Bakit po ba nasa dulo palagi ang taba ng barbeque? Hindi po ba ito pwede sa unahan?

    Lubos na gumagalang,

    Haha

    Comment by Haha | May 29, 2010 | Reply

  20. Dear Ateh,
    kamusta poh? ako po si Trinidad Soles conception y cruz or NeNeh for short. Pero Ms. K gusto kong itago mo nlang ako sa pangalang Kulisap (para hindi halata). May gusto lng po akong malaman at itanung sa inyo. 🙂 gusto ko lang po sanang magtanung. at gusto ko lng sanang itanong sa inyo na… ang itatanung ko ay Ms. K bakit malikot ang isip m? 🙂

    Maraming salamat ms. K nabubuo mo araw namin sa mga blog mo. nakakganda ng araw..

    nagtatanung,
    NeNeh

    Comment by mea | May 29, 2010 | Reply

  21. dear teh…yung ex ko kasi dakilang paasa. humihingi lang ako ng closure sakanya ayaw niyang ibigay, ano ba dapat ginagawa sa mga paasang ex?

    Comment by geena | May 29, 2010 | Reply

  22. dear teh,
    hi!
    just wanna ask..
    except for Ms K brosas, cno po ang pinaka-the best at pinaka-hinahangaan nyo pong komedyante?
    ’till here.. looking forward on your reply. thanks!

    Comment by psalm | May 29, 2010 | Reply

  23. hi madame k!.. ako ang no.1 fan mo .. waaapaakk! chos.. nga po pla i have this problem ngaun ngaun lang.. i am bisexual kaso nung naging member ako ng isang christian org. pinilit ko magbago kaso ang nagyari nagkagusto ako sa leader ko sa org, na yun.. girl din sya.. kaya ko naman po itago nararamdaman ko kasi alam ko magkakailangan kami pag malalaman nia feelings ko.. kaso kapag nakikita ko sola ng bf nia na sweet halos ikamatay ko..

    ( hindi po ako klase ng taong namiminger) dati na nagkakaroon na ako ng relationdship kahit ipalandakan nila lips nila sakin hindi ko cla magawang ikiss .. talagang ako’y isang mangingibig lang talaga.. maraming salamat.. more p[ower to u.. except kilikili power.. ehe.. from you’r number one wapaaak fan.. she!

    Comment by SHENAVARRO | May 30, 2010 | Reply

  24. Dear teh, itago mo na lang ako sa pangalang dyosa (ng kagandahan).. charos! haha.. tanong ko lng.. if ever ligawan ka ng isang taong alam mong gay., (khit di nman xia “todo” kilos bading, bsta alam mong gay xia kasi alam mong may nakarelasyon na xia) ok lng sayo? hmmm.. niligawan ka nia after nila magbreak ng “ex-bf” nia… and you know that.
    yung lang po. hehehe.. sana masagot mo :))

    P.S.
    Love kita TEH K! napapasaya mo ko sa pagbabasa ng blog mo at twit. Pgpatuloy mo lng po yan ah. :)) You make lots of people happy. I wish na sana magkaroon ka pa ng madaming break because you deserve it! Mwaah!! Ingatz. (sbi n JLC) 🙂

    Love,
    dyosa

    Comment by cutiepiebaby167 | May 30, 2010 | Reply

  25. dear teh:

    bakit ba ganito ang feeling.. gusto ko ma inlove pero part of me said no.. kac i had a traumatic past before.. how to deal with it??

    love u soo muchh!!!

    churvalu from cebu

    Comment by churvalu | May 30, 2010 | Reply

  26. Hi Ate K! Daan lang to tell you alam mo ba na may ginawa kaming romantic fanfic for you 6 years ago. Well actually di ikaw ang bida sa kwento pero malaki ang role mo bilang support at may sarili kang kilig love story. That time kaisa-isa lang ang picture na meron ka sa internet paghinanap ang name mo dahil di ka pa sikat nun. If your interested email ko sa iyo ang link ng mahabang kwento. Take care and keep on making us viewers laugh. Wapakpakpak !

    Comment by etxetera | May 30, 2010 | Reply

  27. Dear Teh ilang taon na po kayo? baka kasi nakiki Teh ako e mas matanda pa pala ako sayo. super kahiya.. (I’m Turning 29 this June 29). ayun wag nyong itago ang pangalan ko Ghoyang para sumikat, may kunting bumabagabag sa aking isipan, ito ay tungkol sa aking kaibigan ewan ko ba kung ako ay sadyang echosera or inggitera, nasa Abu Dhabi kami now at nagaaply daw xa for CANADA at ako naman naging interesado kasi dun may snow eh at maganda ang location for pictorials para sa facebook at twitpic.lolz ngayon sabi nya mag try din ako mag apply so i did, pero tinatanong ko xa kung anong Ahensya ung inaaplayan nya para ma e check kung legal ba or whatever, aba teh ang taray ng lola ko ang sabi nya di daw pinapasabi nung recruiter nya (baka daw malaman ng maraming Pinoy at dumugin sila ng applicante) at naka pag bigay na xa nang tumatagingting na 7K AED and to follow pa daw ang balance na 7K AED shock ang beauty ko bakit nagbibay xa nang ganung halaga na di man xa cgurado pinagsabihan ko na xa pero tiwala pa din xa,sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip ano kaya gagawin ko? may magagawa ba ako? or magpapakatanga ako tulad nya (kasi replacement daw ako dun sa di makapagbayad na naka pila) ano ang gagawin ko teh? pls po reply me habang may panahon pa ako baka maka pag down na din ako. hahahahha please teh #palong palo ang AURA mo sa the Buzz ah… #WAPAKKKKKKKKKKKKKK GODBLESS

    Comment by M635ghoyang | May 30, 2010 | Reply

  28. Dear teh,

    Eto ang mga katanungang bumabagabag sa kaibuturang rurok ng aking isipan sa mga sandaling ito.

    Paki sagot ok!?

    1. Ang bakla ba kapag nagka amnesia bakla parin .. ? curious lang.. xempre .. amnesia .. ung iba nga di na marunong mag basa at magsulat .. eh bakla kaya ? bakla paren? hehe.

    2. Ang lunchbox ba pwedeng lagyan ng breakfast or dinner .. ? kasi kung pwede .. aba , mali na ata.. breakfastbox ang tawag don .. at dinnerbox .. ..

    3. Ung mga kaibigan ko lagi sinasabi “Walang jo ka naman o!” .. pwede ko ba silang sagutin ng “Meron kaya akong JO!” … ano ba ung jo .. ? walanjo ka K kapag di mo to sinagot.

    4. Meron pa .. lagi nila sinasabi “Kung tutuusin … (kahit anong kadugtong)” ..
    Eh pano kapag hindi Tinuos ? get’s mo? bahala ka kung di mo ma gets haha.

    5. Pwede ba magpuyat sa umaga .. ?

    Yan na lang .. ako’y inaantok na ..

    Send mo sakin sagot mo ha .. wait ko yan!

    Comment by BATMAN | May 30, 2010 | Reply

  29. Dear Teh,

    Tawagin mo na lang akong Maya. OFW sa Kuwait. Tulungan mo naman akong malinawan ang isip ko sa dapat kong gawin. Hiwalay ako sa dati kong asawa may anak kaming Dalawang babae. Nung dumating ako dito sa kuwait nag karoon ako ng ka relasyon na bata pa sa akin ng 9 years. Alam niya lahat tungkol sa akin. Ung relationship namin laging away bati hiwalay balikan, mga 3 times na , matindi kaming mag away pag napoprovoke siya nanakit kahit nung binuntis ko ung unang anak nami. Sobrang hirap ng loob ko sa pinapa danas niyang sakit ng ulo sa akin, nagbabarkada puro pa babae, hanggang sa pinalayas ko siya nung sobrang sinaktan niya ako at seven months na ung tiyan ko. Lumayas after 5 days nagkarelasyon agad sa ibang babae. Di naman kami kasal kasi di pa bumaba ung desisyon sa annulment ko sa unang asawa, hanggang ngayo nagbalikan kami matapos kong umuwi at manganak , pero ganon pa rin siya wala naman pagbabago mas mahalaga sa kanya pamilya niya at kaibigan, buti pa nga kaibigan niya na aapreciate niya pero ako wala, lagi lip service lang pero wala sa gawa. Gusto ko ng maghiwalay kami for good kina usap ko siya ng maayos pero ayaw niyang pumayag at binanta-an ako ng kung mag hiwalay man kami gagawin niyang miserable buhay ko, in fact nagawa na niya ng ilang beses na ipa hiya ako kahit sa trabaho ko.
    Payuhan mo naman ako dahil mahirap ang sitwasyon ko. At isa pa di naman siya tumutulong sa akin in terms sa financial support para sa anak niya.

    Sincerely,

    MAYA

    Comment by Maya | May 30, 2010 | Reply

  30. tehhh

    tanong ko lang, hindi ba mahirap ang maging artista at wala kang ka priva privacy. eh ako nga di naman artista pero i value may privacy. paano mo naii handle na pag wala ka sa mood eh merong mga taong makukulit?

    atsaka puwede ring humingi nang any beauty tips?

    Comment by lei | May 30, 2010 | Reply

  31. dear te

    itago niyo na lamang ako sa name na…. Puto. Pasensiya na kung wala akong maisip na pangalan pero iyun talaga ang unang pumasok sa isip ko. Labis akong namomroblema sa napanood ko sa tv, isang tv commercial na pambabae. Matapos kong mapanood ang nasabing commercial ay labis na akong napaisip, hindi nakatulog at labis na namomroblema sa mga tanong na…. “Ano ba ang feminine wash?” “bakit sa babae lang merong ganito?”, “Eh ano naman ang feminine itch? Wala bang masculine itch?”.. alam kong tunog kontra ako sa mga babae pero … parang unfair naman kung wala kaming masculine itch diba?

    Sana ay masagot ninyo ang aking tanong nang sa gayo’y matahimik na ako sa mga kabuluhang ito. Maraming salamat K. Isang malaking wapaaak! sa blog mo.

    Nagmamahal,

    Puto.

    Comment by hotdog | May 30, 2010 | Reply

  32. dear tehhhhh….
    isa ako sa mga sumusubaybay sa blog na itey..nais ko lang malaman kung ano ang aking nararapat na gawin sa taong gustong gusto ko pero hnd ata ako gusto kasi tingilan na nya ang pgtetext sa akin hnd kaya sya ay bakla?waaa..ayokong isipin na sya ay bakla..o bka hnd nya ako gusto?

    Comment by kiriakodivah! | May 30, 2010 | Reply

  33. dear teH,
    yuhoo,idol!!!!!
    paano po ba makipag-hiwalay sa taong matagal mo nang nakasama?yun bang makikipag-hiwalay ka for no reasons at all?just for a change?or maybe you got tired of being with him po…pano po ba yun?

    Comment by pam | May 30, 2010 | Reply

  34. Dear teh,

    Itago nyo nalang po ako sa alyas na nalilitong marko. Isa po ako sa pinakapopular sa skul nmen.Nagkaroon po ako ng classmate na itago nalang naten sa pangalang bentong. Ngayon magkaaway po kme date dahil sa isang babae pero naging close kme matapos kme prehong bastedin. Hindi ko na po maintindhan ang aking sarili sapagkat para akong may nararamdamang kakaiba sa knya. Lamang nman ako sa lahat ng bagay pero natutuwa ako sa kanya. Ndadalas po ang aming pag gimik at lalo kameng nagkakalapet. Sa twing pinapatulog niya ako sa bahay nila ay may kakaibang kilig akng nraramdaman. Nababading na po ata ako. Never po akong naattract sa kapwa lalaki sa buong buhay ko. Ngaun ko lang ito naexperience pero habang tumatagl lalo ko xang minamahal. Ayoko na po neto kase ayokong maging bading. Ayoko din nman pong aminin sa kanya dahil bka ipagkalat nya. Ayoko pong lumake pa to. Pano bako makakamove on sa nakakainis na pakiramdam kong ito.

    nagmamahal,
    markong litong lito

    Comment by nagmumurang eggplant | May 30, 2010 | Reply

    • na experience ko na yan, ung tipong nanlalamig buong katawan mo pag katabi mo siya, kahit simpleng care lang gagawin sau tatayo lahat ng pwedeng tumayo sau…Bading ka nga teh kase kung hindi ka bading bakit may kilig factor kang nararamdaman sa kineme mo diba? dapat out lang teh kase hanggat hindi ka lumalabas sa shell mong kulay pink kawawa ka hindi mo maenjoy ang life ng isang tunay ng sirena…ciao

      Comment by bugz_bunny | May 31, 2010 | Reply

  35. dear teh,

    bakit po pag may itsura ang isang babae kelangan niya maging pinong pino at mahinhin? hindi ba pdeng tanggapin ka ng tao bilang ikaw na kalog at maingay at masayahin? sana masagot niyo ang tanong ko teh.

    Comment by angel | May 30, 2010 | Reply

  36. tehhh

    may asawa na ako pero bat hindi ko malimot limutan iyong first love ko nang h.s. parati kung gi no google ang pangalan niya. normal ba to, teh? pero dahil matagal na akong kasal at mahal ko rin ang asawa ko kaya loyal ako sa kanya. hirap teh, kasi lagi kung iniisip kong ano kaya at napangasawa ko iyong first love ko. immature kasi ako noon kaya panay ang pakipot kaya nabuwisit at nilayasan ako. ang tanong teh, eh paano ko siya alisin sa kukote ko, na past is past. happily married naman ako pero parang parati siyang laman nang utak ko.

    thank you teh.

    p.s. tehh masugid mo akong tagahanga. pag may show ka sa germany paki, announce para makita kita in person.

    Comment by lie | May 30, 2010 | Reply

    • hi .. alam mo i felt it before.. hinanap ko ng matagal yung taong nagpagulo sa isip ko.. pero nung nakausap ko na sya, napag usapan about the past, i realized i dont like him or love him.. Need lang ng closure.. I think yun lang din need mo coz parang di ka pa makalimot .. kelangan mo makausap first love mo 🙂

      hope i help you. try mo icheck sa fb ng dati mong friends baka makita mo sya 🙂

      Comment by :)) | July 28, 2010 | Reply

  37. DEAR TEH,

    hello teh,itago nyo po ako sa pangalang KAGANDAHAN (chos!!!) napanood ko interview mo sa the buzz yesterday..and feeling ko makakarelate ako in the future sa situation mo sa dad ng daughter mo.. i m a new single mom. I just gave birth to my baby boy nung election..and eversince nabuo sya never been seen never been touched na ang fatherhood nya..in short, nawalang parang bula! anong advise ang mabibigay mo sakin sa pagiging single mom and also anong gagawin ko if ever biglang magparamdam ang tatay ng baby ko in the future.. i hope mapansin mo ang aking liham teh..

    nagmamahal,
    KAGANDAHAN

    Comment by KAGANDAHAN | May 31, 2010 | Reply

  38. Dear teh,

    Medical question lang po,
    Ang lason po ba pag expired na, nakamamatay pa rin?

    Gumagalang
    ako

    Comment by rap | May 31, 2010 | Reply

  39. dear Teh!!!

    Ganda mu sa the buzz, watch kita eh,off q na sana tv kaso nbasa q status mo sa fb, aun On ko uli c tv…

    Wish q tlaga para sau ay magkaroon ka na ng ‘BREAK’… Ndi lng basta break, dapat BIG BREAK! Ung pang Wapaaaak na palung-palo! Sana magkaroon ka ng sariling show, ung…teka isip aq ng title…uhmmm…un! Imagine, THE K BROSAS SHOW! Parang Ellen Degeneres ang format…may monologue, tas may sayawan tas may mga guestnat kung anu anong mga makwelang pakulo…invite mo na lahat ng sikat at mga pasisikatin..ay ang ganda ng show mo teh!!! Winner! Hay nku, for sure ddami na kming mga fans mo, higit sa 8 na!!! O dba? Bonggang ‘kulto’ to…hehehe…sana talaga mpansin k na ng mga producers…ano ba hanap nila? Na kay K na lahat! Un lng…nxt time q na i-share ung personal problem ko..sa The K Brosas Show na lang..wapaaak!

    Love,
    -Coolpearlz, (kakulto mo, jejeje)

    Comment by Coolpearlz | May 31, 2010 | Reply

  40. dear teh,

    Kadalasan kasi pag wala ako sa mood, madali akong ma-pikon. Tsaka likas lang talaga na hindi ako ma-pasensiyosa. At may mga pagkakataon na pag wala ako sa mood, eh may nasasabi ako sa mga tao na hindi ko naman sinasadyang sabihin, dahil lang siguro nadadala ako ng galit o inis. Gusto ko lang sana humingi ng payo kung anung pwedeng isipin o gawin kapag malapit na akong ma-pikon, para mapigilan ko ang sarili ko sa pagsasabi ng mga masasamang bagay sa iba. Ayun lang naman, salamat.

    lubos na rumerespeto at nagmamahal,

    lala.

    Comment by lala | May 31, 2010 | Reply

  41. dear teh, i love your blog, sobrang ganda. 🙂 bty the way, wala kasi akong magawa, kaya ginawan kita ng graphic, na pagkabongang-bonga. :)) http://i50.tinypic.com/sw91xx.jpg lagay niyo nalang yan sa address bar, basta.. yung tawag sa pinaglalagyan ng website address :)) maraming salamat po. matanong ko lang din, ilang taon na po kayo? I`m 13 years old po 🙂

    Comment by Abbygale | May 31, 2010 | Reply

  42. dear teh:)
    sana matulunga mo ako sa wapakkk kong problema…tma bang mkipag relasyon sa ym chat lng??
    ksi d ko maiwasn ma inlove khit chat lng puta..babaw ko…sna mbigyn mo ako ng payo…thanks…paras mo…

    Comment by putragiz | May 31, 2010 | Reply

  43. Dear Teh,
    Bakit ganon, di na uso friendster? facebook na? At kung nagffriendster ka pa eh, babansagan kang Jejemon? ano bang meron ang facebook na wala ang friendster?

    Comment by Ach | May 31, 2010 | Reply

  44. Dear teh.. itago mo nalang ako sa pangalang Mr.ious…tanong ko lang teh kung bakit ang tao takot masaktan pero naiinlove naman..eh diba pag inlove ka dapat mag expect ka na masasatan ka..pero ang probelma pag nainlove kana ayaw mo naman masaktan..alam naman natin lahat na kahit mabait ka matulungin ka na tao at kung ano ano pa man, hindi yun dahilan para hindi ka masaktan.. dahil ang tao may kapasidad na makasakit at masaktan kasi tao lang tayo..ayun lang..hahahah..

    Comment by blue | May 31, 2010 | Reply

  45. Dear Tehhhh,

    Itago nyo na lang ako sa pangalang kurimaw o kuripot na halimaw for long. Simple lang ang problema ko at hindi tulad ng mga naunang makabag damdaming liham. Kasi ateh, nahihirapan akong magpapayat. Ginagawa kong mag ehersisyo ngunit nahihirapan akong mag diet, ang hirap iwasan ang baboy, lahat ng klase ng baboy. (lechon, porchop, chicharon, crispy pata) at kung ano ano pa. haay saraap! Kaya sa inyo ako humihingi ng tulong dahil bagamat hindi ka nag nanaknak sa ganda (make up lang after ay wapaakk na rin!) eh hindi namn papatalo ang figure! Inspite na nanganak ka na eh ang sexy mo pa din. Bakit ganun? y oh y kabayong bumbay!! Ano ang sikret mo? share mo naman (ay sige wag na, sikret nga eh) i’ll rephrase, ano ang ginagawa mo para ma maintain ang figure mo?? Please advice.. Adviser!

    Gustong pumayat,
    Kurimaw

    Comment by kurimaw | May 31, 2010 | Reply

  46. Dear Tehhhh,

    Dear Tehhhh,

    Itago nyo na lang ako sa pangalang kurims o kurimaw o kuripot na halimaw for long. May isa pang bumabagabag sa isip ko. Bakit sa kahit anong laro kapag napipikon ang isang tao ay sinasabihan ng “hindi ka sport1” or “sport ka lan dapat”.. Bakit ganun? Tao namn sya malamang dahil nakakpag laro at nakaka usap eh, bakit tinatawag na sport?

    Gumagalang,
    Kurims

    Comment by kurimaw | May 31, 2010 | Reply

  47. dear teh,

    itago mo na lang ako sa pangalang kargada. me problema aq teh.. ang liit ng kargada q. sa sobrang liit nahihiya aq magpatuli kaya hanggang ngayon supot pa rin aq. 27 na aq teh pero hanggang ngayon di pa din aq nakakaranas ng luto ng diyos dahil baka pagtawanan lang aq pag naghubad na q. meron ka bang alam na gayuma/gamot/hilot/surgeon/device/albularyo na pwedeng makapagpahaba ng kargada? kahit +2 inches lang teh para maging 5 inches man lang siya pag matigas. mas mahaba pa nga ata hintuturo mo sa kargada q e. more power sa blog mo teh.

    Comment by Kargada | May 31, 2010 | Reply

  48. dear teh, pwede ba kayong maging dream consultant? ganito kasi yun, binabagabag ako ng aking recent panaginip. sa panaginip ko eh lesbo ako. tapos ang karelasyon ko pa eh yung hindi ko kaclose, ni hindi ko kilala (pro inadd ako sa FB ng loka at kinonfirm din ng loka kong self) na exgf ng exbf ko. sa panaginip ko mxado kming intimate at parang ako tlaga yung tibo at sya yung sweet na dikit2 ng dikit saken.. ang weird anu.. sa tingin nyu te, anu kaya ang meaning nung panaginip ko?

    nagmamahal,
    iha

    Comment by iha | May 31, 2010 | Reply

  49. Dear teh,

    isang simpleng tanong lang po! pano mo malalaman na mahal mo na pala ang kaibigan mo na higit p s kaibigan?

    nagmamahal,
    mariel 🙂

    Comment by mariel | May 31, 2010 | Reply

  50. Deer Teh, (ginawa daw bang hayup)

    Ang cute po talaga ng blog nyo (bakit kaya “nyo” e isa ka lang naman o cge “mo” na lang) Sana magka show ka self-entitled “Deer Teh” or “Dear K-Teh” (ang sama lang pakinggan) sa kahit isang segment sa ABS or even sa TV5 promise susuportahan ka namin.

    Sinadya ko po talagang magtanong: “Bakit po ba maraming nagsususpetsa (petsa pangkalindaryo lang) nuon na bakla ka daw? ano po ang masasabi mo sa kanila.”

    e kung ikaw lang naman ang bakla e kahit babae magpapaka-tomboy sa inyong (inyo nanaman haha) kagandahan. kaya nga K-Kagandahan! o wag lalaki ang ulo.

    Mula pa sa malayong lugar sa Europa ang Inglatera, lubos lubos ang pag-galang.

    K-x

    Comment by K-x | May 31, 2010 | Reply

  51. uhm astig blog mo miz K ,,,,

    Comment by mondrhei | June 1, 2010 | Reply

  52. panu b mahalin ang bestfriend kung mdyu tumaas level ng friendship mo 2 her,,,,,,,,,,, teh pls help m e tnx

    Comment by mondrhei | June 1, 2010 | Reply

  53. Deat teh…
    isa ako sa mga fan mo from abroad..wala akong kaalam alam s website mo na to until i’ve watched the buzz last sunday at nasabi mo about dito..haha..and since nasabi mo na the reason behind kya ka ngstart ng blog because there’s a lot of things thats going on through your mind..we’re the same..sana mapansin at mabigyan mo ng wapak na sagot ang mga tanong ko..currently kc i usually stay at home kc i’m still on the process of job hunting minsan kasi sobrang nabobored talaga ako dito sa bahay since palaging nsa work ang parents ko..anu ba pwedeng gawin para maging wapak naman ang time ko d2 s bahay teh…i hope this question catches your attention…
    P.S i do really admire your WAPAK! na personality mo..nakapastrong..truly an inspiration to every woman..

    Comment by Unfrustrated | June 1, 2010 | Reply

  54. teh,

    isang agaw trip na tanong lang…

    bakit ung mga costume ng superheroes kailangang nasa labas ung underwear saka fit na fit tulad nila superman, batman, spiderman, at kung sino sino pang mga pangalan na nagtatapos sa man?!

    un lang teh! :))

    itago mo na lang ako sa pangalang…
    yah!

    parang kabaligtaran lang ng teh!
    ku…YAH!
    bwahahahahahahaha!
    cenxa na teh! nakatira ng katol eh. positive! wapaaaaak!

    Comment by twentyseven. :)) | June 1, 2010 | Reply

  55. Dear Teh,

    San mo ba nakuha ang section dito sa blog mo na Dear Teh? Sa pag-pronounce ba ni Mommy Dionisia ng Dear Teh (Dirty) habang sinasaway nya ang mga apo niya na wag maglaro sa kanal???

    Comment by Jambalaya | June 1, 2010 | Reply

  56. dear TEH.. as in may “h”

    paano po ba maging mayaman.. as in mayaman.. capital M-A-Y-A-M-A-N?? tagal tagal ko na po ito pinapangarap eh hanggang ngayon po eh ni hindi pa kami yumayaman.. nag aaral naman ako.. may teabaho ang parents ko.. thanks po!!

    nagmamahal,
    dr^^

    ps. go ms K!! more power po!! god bless..

    Comment by dr29 | June 1, 2010 | Reply

  57. salamat po sa payo nyo teh.. at dahil dyan magpapa-augment po ako ng boobs. yun nalang po ang kulang sa akin para maging artista. ang tanong ko po eh, masakit po ba ang magpaganon? at anong assurance na magiging artista nako pag nakapagpa-augment nako?

    thanks,
    Jejemaster

    Comment by jejemaster | June 1, 2010 | Reply

  58. dear teh,
    tawagin mo nlng ako sa name na magno kung lao de. wapak!
    kelangan po ba sundin ang sinasabe ng bible na “children obey your parents in the lord for this is right?” bad3p.
    kasi gs2 ng parents ko na engineering ang kunin ko na course sa college pro MS marketing gs2 ko. ano po gagawin ko? pinasa ko na sa korte ang kaso pro talo ako. bad3p. ayaw nila (parents) makinig teh.
    penge advice ty.

    Comment by magno | June 2, 2010 | Reply

  59. Dear TEHHH!
    ako po ay isang ngmamagandang bading. Out n out,palong palo s kaArti-han. Wapaak. Pingkok. plangak. pak pak pak. Pasok na pasok s banga!. Gusto lng po sana humingi ng advice. Kasi,d mu n maitatanong, kagandahan ang lola mo. Wag ka na kumontra tehhh! Wiz n wiz ang kabog at tarush ng alindog. Umiibig po ako ngaun. Pero my 3 po akong gwapong manliligaw. At ayoko dn naman cla masaktan. Ang tanong ko po sana, eh, dapat po b dun s taong mahal ko o s taong ayaw kong masaktan ang puso, kasi ung mata nia,masakit n masakit na pag kaharap ako eh. Un poh. Salamat tehh! Mwa*

    Comment by volta-he | June 7, 2010 | Reply

  60. dear,teh!
    itago nio nalang ako sa bulsa nio . aaii i mean sa pangalang `ako` di marami akung ipiproblema teh bakit ba ganto ? pero ang pinakapinuproblema ko ayy ang !! (guest what?) aii teh paanu ba kumain pag walang gana ? un lang !! thank you teh . kipsyf lageh !! idol kita . whaapaakk !!

    Comment by ako | June 8, 2010 | Reply

  61. dear teh

    itago nyo nlng po ako sa ilalim ng sala, ay este sa pangalang pak! as in pakkk!! lage po kme ngaaway ng boylet ko, mga once in a 3 days as in! pano ba toh? 1 and 4 months na po kme..

    Comment by waley! | June 9, 2010 | Reply

  62. itago nyo n lamang po ako sa book shelves wapaaaakkk! ano po b english ng TAGALOG?
    di ko po maisip e…

    Comment by roseborg | June 12, 2010 | Reply

  63. mali walang dear teh!
    dear teh,
    ano po ang english ng TAGALOG?

    di ko po magoogle e….hehehe…wapaakkk!
    nakaka adik tong blog mo to teh..hehe

    Comment by roseborg | June 12, 2010 | Reply

  64. Teh, marami pong salamat ulit sa payo! i love you po!
    Ngapala teh, nakita ko kayo dito sa Canada nung nagshow kayo, ang galing nyo kumanta! At dahil jan eto po uli ang tanong ko. dahil sa kagustuhan kong maging artista, tingin ko po pagiging singer ang aking stepping stone. Ano naman po ang mapapayo nyo sa akin? Kukuha ba ako dapat ng Manager para sya bahala sa publicity ko? Or sumali po ako sa mga talent show? At ano pong dapat na genre ng mga songs ko? Sexy and sultry po ba? (dahil papa-augment na po ako) o love songs na ganyan para pa-cute po?

    Comment by jejemaster | June 14, 2010 | Reply

  65. dear teh,

    kamusta po kayo? ano po ang next project nyo? sana pag nagkaroon po kayo ng next project sana yung comedy bagay na bagay po kasi sainyo ang pag papatawa parang natural lang…. hehe 🙂 un lang po. salamat… Godbless u

    Comment by butterfly | June 27, 2010 | Reply

  66. dear teh,.
    itago mo na lang ako kung saan walang makakakita sa akin.. tatanong ko lang po sana kung:

    1.)bakit doorbell ang tawag sa doorbell gayung hindi naman ito totoong bell?

    2.)bakit “OK KA LANG?” ang laging tinatanong kung may nasaktan, nadapa, namatayan, nabigo at kung ano-ano pa gayung alam naman nating lahat na hindi siya ok..

    3.)bakit kailangan na lunukin muna ni Darna ang bato bago siya maging superhero?

    4.)bakit hindi nababasa ang mga suot na damit ni AGUA gayong siya ay isang Taong Tubig?

    5.)at bakit laging nakapula si Angelica Panganiban sa teleseryeng RUBI?

    sana masagot mo ang mga katanungan ko teh..
    maraming salamat!!!! more power at goodluck sa career..

    Comment by nasaan?? | July 15, 2010 | Reply

  67. ay teh.. follow-up question..

    if ever po bang mabigyan kayo ng chance to do a movie project with vice ganda, pokwang ang melai cantiveros ok lang po ba sa inyo? yun lang po.. salamat!!!!

    Comment by nasaan?? | July 15, 2010 | Reply

  68. dear Teh!
    hello Ms.K, I saw you were featured sa simply KC, that’s when i learnde about this website. grabe you are one of the smartest person i know in showbiz. Congratulations in your new teleserye IDOL.. Sabi ko na nga ba’t may katapat din si Sarah geronimo kay Sam milby, ka triangle ka ba dito teh? Thank you for making us laugh with your funny antics teh! wish ko lang you’ll find someone who can truly make you Happy.. Ksi happy kami pag happy ka! i love you teh!

    love,
    yhenny of Negros Occidental

    Comment by Yenney | August 20, 2010 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: