KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

DEAR TEH…….the VIDEO BLOG! wapaaaaaaak!! :))

eto na…..biglaan! walang script! bahala na lang…hehe….enjoy!

Advertisements

June 29, 2010 Posted by | Uncategorized | 45 Comments

ANO KAYA KUNG…….???? :)

ANO KAYA KUNG…..magsimula ako uli magsulat dito sa blog???…hehe….so eto na nman ako…lumikot ang isip……hmmmm….bago ang lahat, ang dami pong nagtatanong kung ano daw po next project ko, bakit wala ako sa tv, etc etc…well, unang una….hindi lang po paglabas sa tv ang aking “pinagkakakitaan”….im sooooo blessed kasi madami akong shows (live performances) at kahit papano may mga guestings din…pero again…wag ATAT! hehe…may ginagawa na po ako na teleserye..gusto ko mang ipagsigawan sa mundo dahil napakaganda nung project at palong palo ang role ko….eh…hindi pa pwede..”CONFIDENTIAL” pa! grabe di ba?? ibig sabihin nyan ganon ka bongga yung project namin sa ABS! pramis! kaya kaabang abang! ayan….ok na..ngayon, itong blog ko ay parang “THERAPY” sa akin, so i always find time na makapag sulat, at the same time..kaka adik ha! at syempre….masyado kayong demanding! haha! saya saya ko nga kasi natutuwa kayo…(punyeta dami kong sinabi ha!) so…eto, nagpauso ako sa twitter ng “ano kaya kung..” at daming sumagot….nakakatawa at nakakaloka! kaya gumawa ako ng entry….uunahin ko muna ang galing sa malikot kong pagiisip…eto na…

ANO KAYA KUNG..????……

– magkaroon ka ng bahay na super laki at ganda at ang taas na abot hanggang 4 floors??? ….pero wala kang….GROUND FLOOR?!! ehehehe….ang taray! nakalutang yung 2nd floor pataas….tapos d ka rin makakaakyat!

– ang BRA cup size mo ay………WORLD CUP?!!….gaano dapat kalaki dibdib mo at hindi kinaya ang cup A, cup B or even C and D??! hehehe..

– magkaroon ako ng napakalaking BILLBOARD sa edsa? yung tipong mula sa pasay kita sa…..north edsa?! ganon kalaki tapos super seksi at ganda ko don!!….pero may nakasulat sa baba na…..WAG TULARAN!! o…PABUYA 1 MILYON!!…o….NAKAKAMATAY….TULAD NITO (nakaturo sa posing ko) ahihihihi!

– magkaroon ng PORNO movie sa IMAX at 3D????…..imagine?!! bwahahahaha! siguro kapag yung lalake na nakahubad ang eksena…ang daming bading na……NAKA-NGA NGA! wapaaaaaak! peace! 🙂

– super perfect katawan mo at flawless….pero…..kasing liit ng…..MUNGGO mukha mo?? nyeeeee!!

-magkaroon ka ng THIRD EYE???…..LITERAL! sa gitna ng NOO???

haaaaaayyyy!! madami pa akong naiisip pero….mas gusto kong share sa lahat ang galing sa mga ka KULTO ko sa twitter na sobrang napatawa ako!!….eto po ang mga ilang palong palong ANO KAYA KUNG….??? nila….(at may sagot talaga ako ha! paalala…..pra mas effective, banggitin muna ang….ANO KAYA KUNG…after ng name nila! hehe)

galing kay- @tweetmosa— gaguhin natin… si lady gaga??!! (hindi ko na alam kung ano na tatawag sa kanya pag ganon na ka gaga! malamang….lady ULOL na! ang lala!!)

– @zainebarron— walang ibang pagkain sa pilipinas kundi….KAMOTE??! (nakngpucha! ang BAHO sigurado ng pilipinas! puro kabag mga tao! haha!)

– @parizhelle13— magkaroon ng competition ng pagbibilang ng buto ng…..ARATILIS??! (bwahahahahaha! goodluck syet!!)

-@TinMargaret— KANDILA na lang tao…..pag ihip mo…..PATAY agad!! (morbid pero natawa pa rin ako! ahahahaha!)

@oneaLbeRt— pwede ng i-BLUETOOTH ang….SEX?? (nyahahahaha! sure na sure ako na lahat naka……ON! at SHOWN TO ALL “device” nila! wapaaak!)

@cosmiceggs— kalasin ko ang ref namin…tapos…….I-ASSEMBLE ko lang uli?? (hehehe! ADIIIIKKK!! charozzz! natawa ako in fairness!)

@MengNiMako— dukutan ko ang……MANDURUKOT??! (tama lang!! go!!)

@imchristian26— maglista ako ng maingay sa…..PALENGKE?? (isa ka paaaaaa!!  good luck din!! hehe!)

@ilovemr_jikin— LUMABAS ako habang……pumapasok sa LOOB??? (ang guloooooooo! syet! )

@ninaalvarez26— mag apply na lang ako sa dunkin donut…taga butas ng donut gamit…..KARAYOM??? (BWAHAHAHAHA!)

@mikzzzs— mag tumbling tumbling ako sa kalsada habang malakas ang….ULAN?!! (nai-imagine ko toh! prang tangaaaaaaaa!!! )

@mejoguapo— pwedeng inumin ang….WHITE FLOWER….mas mabisa kaya pag ganon??? (ang sagot jan…..TRY mo! joke!) 🙂

haaaaaaayy uli! sarap tumawa! (well…sana lang natawa kayo)…. sobrang salamat sa inyong lahat…abangan ang DEAR TEHHHHH season 2! habang wala pa yon….mga kwento ko na lang muna pag tyagaan nyo!! hehe….i lab u all!! ayyy…last na….ANO KAYA KUNG??……mag 1 million hits tong blog ko??? syet! yun ang WAPAAAAAAK!! god bless all of us……SMILE! 🙂

K 🙂


June 26, 2010 Posted by | Uncategorized | 38 Comments

ang dating….noon! :)

oh…..wag atat!!.. hindi pa po ito ang season 2 ng DEAR TEH….wala lang akong magawa at biglang lumikot kamay ko (prang shoplifter lang ha! hehe) at bigla ko lang uli naisip ang nakaraan…masarap maging bata noh?? actually, may entry na ako na parang ganito, so parang part 2 lang ito….anyways… nung kapanahunan ko (syet! prang senior citizen nko?!) napaka simple lang ng buhay…..bigla ko lang naikumpara yung kabataan ko dahil sa anak ko na grade 7 na ngayon (12 yrs old going on….30!) napaka techy nya! naloloka ako! ano ba ang mga alaala ko nung kabataan ko?? balikan natin…..

dati…..MASAYA NAKO PAG…… may chocknut o tira tira (na halos dumugo ang gums ko sa pag sipisip!) sa katabing sari sari store…kasama jan ang palabunutan ng plastik baloon na may mga numbers at ang premyo….ITIK na kulay BLUE! kaso nung nanalo ako non….biglang umuulan…ayun! naging dilaw! syet! ….ang sarap maglaro ng LUTO LUTUAN…ingredients mo….gumamela, dahon ng macopa…at bonggang bonggang bonggangvilla na bulaklak! may mga kasama pa yang mini PALAYOK na pwede mo talagang paglutuan…masarap din magbasa ng FUNNY komiks….love ko si NIKNOK! at ang sarap maglaro at sumigaw ng….SYATOOOOOOOOOOO!! isama mo na rin ang jackstones (pro mas challenging saken yung…CHINESE version non na parang maliliit na unan!) saya din ang pagkolekta ng mga palara ng yosi para sa TEXT….kelangan mukha kang kundoktor sa dami na nakalagay in between ng daliri mo! at mula sa luksong tinik hanggang luksong BAKA! ….

NGAYON….kakaiba na talaga…ang layo sa kinalakihan ko na simpleng buhay…ang kabataan ngayon mejo nakakatakot na kasi bata pa lang ang dami ng alam! at syempre anjan ang computer…lahat ng tanong may sagot…..GOOGLE lng katapat! bihira ka na lng makakaita ng bata sa labas….lahat nasa…internet shop o sa mall! madami ding kabataan ngayon na sa murang edad ay….MAHAHAROT na! sad but true! haaaay….kakaiba na libangan nila…anjan ang sangkatutak na games sa computer…ang pagsulpot ng 3D experience na mga movies…anjan ang enchanted kingdom o star city! dati…..palong palo na pag nakasakay ka ng CHUBIBO! (tagalog po yan FERRIS WHEEL) ….haaay uli….how time flies… sana lang, kahit moderno na panahon ngayon ay hindi mawawala ang….PAGGALANG o respeto sa nakakatanda….ayan! na share ko lang….i gotta go…kasi nagpapa download pa ako sa anak ko sa computer para sa i touch ng…plants versus zombies game!! bwahahahaha!! sensya! sya nakakaalam kung pano eh… abangan ang season 2 ng DEAR TEHHHHHHHHHHHH……..kaya tuloy lang po ang pagpapadala ng liham thru ur comments at pipilitin kong sagutin sa kakaibang VERSION naman…exciting!! wapaaaaaaak!

K 🙂

June 24, 2010 Posted by | Uncategorized | 31 Comments

DEAR TEH…… the finale… (ng season 1 lang! may season 2 pahhhhh!)

tuloy tuloy pa din ang pag dating ng mga liham nyo….uulitin ko, hindi lahat ng problema o katanungan nyo ay kaya kong sagutin at yung iba….ayaw ko lang talagang….. sagutin! hehe…pasensya kung madami akong TYPO sa mga entries ko….hindi naman ako writer, at madalas ay sadyang…tatanga tanga ako sa spelling! (nagiging totoo lang!)….mejo minadali ko lang itong part 5 kasi masama ang pakiramdam ng ateh nyo! eto ang finale ng season 1 dahil may pinaghahandaan akong gagawin sa season 2….ehehehehe…

galing kay TRUEBLUEHERE— May crush po ako tehh…
Pinaparamdam ko sa kanya (slight…)
Pero di ko tlga sinasabi (Tell)…
Tapos nyan, as time went by…
Nagiging papansin xa tehh, in fairness, PAPANSIN EVER.!
Ginagalaw nya ako (touch lang), pero kapag pinansin ko na, nagsmasmile lang… (may tama yatah tehh)…
Tapos yung isa kong klasm8, nararamdaman na nya na may gusto ako dun sa girlalu.!
Kaya feel ko ramdam din nya na ramdam ko xa.!
Ang tanong ko po ay etoh.!..feel mo teh.? May gus2 ba sakin yung girlalu.? I.feel mo lang…

– una sa lahat….salamat at talagang may kasama pang translation sa english ang ibang sinabi mo….ginawa mo akong…tanga! hehe! joke!…anyways….napansin ko na puro pakiramdaman lang ang sitwasyon mo…try mong makipag usap….baka mas maliwanagan ka. unless….bulag sha at pipi! talagang hanggang FEEL lng ang mangyayari..mahirap mag assume…kaya dapat wag mong i-feel…..aksyonan mo na! lalo na at may  naka WITNESS na sa pagpapa cute mo! hindi ko masasabi base sa sinabi mo kung feel ka din nya….unless mag sit in ako sa klase nyo at makiramdam din…pero mapapayo ko lang ay…..NIKE…..JUST DO IT! wapaaaaak! 🙂

problema ni maKATHY pa sa higad— Advise naman jan.. kasi pinaglihi ako sa kalandian.. mag 1year na kami ng live in partner ko..Bisexual man sya at Transexual woman naman ako..super legal kami sa both family namin..napaka daming temptation sa ofis,, sa knila,, samen,, sa mga dati kong boylets.. pano ko ba maiiwasan un? ang hirap naman kasing mag reject ng mga boys kc mga yummy.. kagandahan kasi ako..muka daw ako lagi nang aakit dahil sa fez ko..pati yung laki ng b0obs ko..haha.. nagpa belo nako ng kabog kaya ayun nagkakagulo sila.. natatakot ako baka mahuli ako jowa ko pero hndi ko mapigilan.. may gamot ba dito? .. help! .. mua* (hndi ako nagyayabang te.. kc ayoko kami magkahiwalay nanghihinayang ako dhl super bihira ang maging ok sa both family ng relasyon namin.. kaya ayun.. help K ha..mua!)

– nakakaloka ka tehhhhh! ang ganda mo! at gusto ko pangalan mo….makathy pa sa higad! bwahahahaha! in fairness, bagay sa problema mo! peace….well….gaano ka ba kaharot?? pag ang higad ba itinabi sayo….mas mangangati pa yung higad?? ehehehe…..seriously…alam mo naman siguro na napaka swerte mo at may ka relasyon ka na tanggap ng lahat, at matagal na rin ang 1 year! isipin mo na lng na baka….BAKA wala ka ng makikitang partner na ganyan….kahit saan may “temptations”…..im sure meron din iniiwasan jowa mo…walang “cure” sa kaharutan….pero tanungin mo sarili mo….kung mahuli ka ng jowa mo at hiwalayan ka…..worth it ba ang mga panandaliang aliw??  🙂

napakagulong tanong ni conrad— tehhhh, kailan ba dapat magtanong at sumagot sa tanong? andaming tanong kasi, hehehe

– magulo talaga ang tanong mong yan….kung alam mo ang sagot sa bawat tanong, eh d sagutin ko…pero pag hindi ka nman tinatanong….bakit ka sasagot??….maraming tanong na walang kasagutan…..madami ding sagot na wala namang katanungan….syet! gulo!….so…kung inaakala mo na masasagot ko ang katanungan mo…..sa iba ka na lang magtanong….ewan din! hehe…(masagot lang!)…

problema ni jan— hi ms k this the first tym na maglalabas ako sayu ng problema hehehhehehehehehe tawagin nyo nlang ako sa pangalang kyler hehehehee by the way ito po ang problema ko ilalabas sa inyu kumuha na po au ng panyo hehehehehehehe kasi merun akong isang tao na sobra kon minahal ng lubos and then everytym na magkikita kame sa isang event ang saya saya ko yung tipong kailangan lagi ako maayus mabango para mapansin hehehehhehehe bu then nung hindi na kame nagkikita ng taong yun gawang parehas kameng mga busy sa kanya kanyang schedule lagi sya pa din ang laman ng puso at isipan ko hanggangsa pagtulog ko na nga lang napapanaginipan ko pa sya eh but then eto na yung masakit na part hehehehhee sa hindi inaasahang pagkakataon nagkita na naman kame nung taong yun pero hindi ko inaasahan na my ka holding hands na syang iba ang pakiramdam ko nun para akong nanghina ng mga sandalin yun para akong binaril ng 10 beses nung natapos na yung event na yun naglalakad ako sa kahabaan ng tomas morato na hinang hina ako eh nagkataon pah na umuulan tapos ilang buwan na anman kame ulit hindi nagkita tapos again again and again nagkita kame pero this tym panay naman ang tingin nya sa akin anu po ba ang dapat kong gawin ako nalang ang lumayo ng tuluyan o dedma nalang ako

– napansin ko lang jan na mahilig ka sa…..EVENTS….hmmmm….again, mahirap mag assume! kelangan pinaguusapan yan….wala talagang mangyayari kung hindi kayo naguusap…mahirap nman kung lalayo ka pero nasa utak mo ang WHAT IF?? kung mangagaling mismo sa kanya na hindi ka nya gusto, masakit man…at least alam mo….at EVENTually makakpag move on ka din… kaya next time na magkita kayo sa kahit anong EVENT…lakasan mo loob mo at prankahin mo na…..malay mo yon na ang pinakahihintay mong….MAIN EVENT! ahihihi 🙂

si mae na undecided— Gusto ko sana mag abroad, pero daming pumipigil sakin. lahat sila. maliban sa family ko, bakit kamo? kasi meron akong 2yrs. old na baby maiiwan. ang tanong dito teh. na gusto ko ng kasagutan. ANO ba mas maganda, iwan ko ang aking anak ng ganitong edad? o yung may isip na sya. like 8yrs. old.? sana matulungan mo ako makapag decide..

– alam mo mae….natawa ako sa sinabi mong “LAHAT SILA, MALIBAN SA FAMILY KO”…..so hindi pala LAHAT! sensya na…hehe……alam mo, sa tingin ko, kahit anong edad mo iwan ang anak mo, mahirap! kasi lahat nman ng ina, masakit na mahiwalay sa anak d ba?? pero sayang ang opportunity ngayon….unless yung offer abroad sayo ay anytime naman….kelanagn mo nga pagisipan yan mabuti…at ikaw lang pwedeng mag desisyon kasi ikaw naman ang mahihirapan sa sitwasyon hindi ibang tao….at para nman sa kinabukasan ng anak mo ang pag a-abroad….o baka nman mag babakasyon ka lang?? hehe…pray for guidance! wapaaak! 🙂

pasensya na at mukhang dito na lang muna kasi….nilalagnat na ang ATEH nyo…salamat sa mga walang kadala dala na sumusubaybay sa blog ko….may maganda akong binabalak na kakaiba sa “series” na to….abangan! hanggang sa muli….nagmamahal…….TEHHHHH….. 🙂


June 21, 2010 Posted by | Uncategorized | 30 Comments

seryoso?! minsan lang naman…bumawi sa mga kakatawang videos! wapaak! :)

maraming mga taong gusto kang i-push sa rurok ng tagumpay…syempre sino ba ang unang unang may gusto non kundi….ako! hindi ko masisisi kung makakarinig ako ng….hanggang jan ka na lang…kasi hindi mo kaya ito…ito…ito…lahat naman ng artista ay may kanya kanyang strengths at weaknesses…walang may kaya ng lahat, pwede mong i try pero kung hindi bagay….wag ng ipilit! tumatanggap ako ng mga suggestions na….k.. try mo to o gawin mo yan baka jan ka lalong sumikat…pero bilang isang “performer” for 15 years na…..alam ko ang kaya kong gawin sa hindi keri..minsan hindi ko na alam gagawin ko pra ma intindihan ng mga ibang tao na wag akong i down sa dahilang hindi ko magawa yung sinusuggest nila…i know maganda intentions nila, pero sana focus na lang on my strengths na di naman nagagawa ng iba…im not mad….just sad…even pressured! syempre sino ba naman ang may gustong makarinig na….hindi kana sisikat pag hindi mo kayang gawin ang ginagawa nila blah blah blah….or nakakasawa kana…haaaay….i try my best, pramis…ngayon ko nga lang na realize na kaya ko palang…MAGSULAT thru this blog….so ngayon nagsisimula na akong magsulat ng script or skit na KAYA kong ideliver na nakakatawa hindi lang in writing pro bilang “monologue” sa stage…ang hirap pala! kasi may nakakatawang basahin pero pag kinuwento mo na as a comedy act…parang hindi ganon ka palong palo! pero….sa totoo lang…nakakataba ng puso at nakakawala ng EMO mode ang napakaraming magagandang comments nyo dito sa blog ko at sa twitter at  FB…sobrang salamat po! i know as a fact na…IT IS IMPOSSIBLE TO PLEASE EVERYBODY……basta ako im trying my best na pagbutihin trabaho ko at i could honestly say na….proffesional ako at walang inaapakan na tao….sensya na kung mejo seryoso ako ngayon…pero tao lang naman…gusto ko lang i-share sa inyo ang nararamdaman kong pressure…again hindi ako galit, i accept constructive critisism…i just pray na magawa ko ang mga “expectations” ng iba…trial and error lng naman yan…pag havey GO! pag WALEY..wag  ng ulitin…hehe…anyways naglagay ako ng mga videos dito ng mga favorite kong panoorin pag nalulungkot ako (at kasama na rin videos ko na im sure karamihan sa inyo ay napanood na…) enjoy…be happy>>>>jollibee! wapaaaaaaak!– ATEHHH 🙂

ETO….NAKAKATAWA SOBRA! (PARA SA AKIN!) PRANG GUSTO KONG MAGING VENTRILOQUIST! hmmmmm….

ETO NAMAN…..PAG GUSTO KONG TUMAWA KAHIT UMIIYAK AKO…INSTANT LAFTRIP! ANG CUUUUTE!! (ay oo umiiyak ako minsan..tao lang po) 🙂

ETO PAAAAAAA! KALOKANG EVIAN COMMERCIAL! naknampuchang computer graphics!! sobrang cute!! 🙂

BWAHAHAHAHAAHA! YUN LANG! COMPILATION NG AMERICA’S FUNNIEST VIDEOS… 🙂


ETO NAMAN ANG “INTERPRETATION “KO NG TUWING UMUULAN…ginagawa ko yan 7 yrs na….habang kinakanta ni gladys (boxers pa kami non) bigla na lng naglikot kamay ko..(prang shoplifter lang! haha) ayun improptu….havey pala! hehe 🙂

IMPERSONATION NAMAN TO SA US TOUR NAMIN NAKUNAN…NAHIYA NGA AKO NUNG KUMALAT TO KC BAKA MAGALIt YUNG MGA GINAYA KO.. (buti wala pa naman hehe) remeber immitation is a form of flattery! wapaaaak! 🙂

ETO NAMAN….KULITAN LANG WITH THE SABADO BOYS NUNG NAG GUEST AKO SA CONCERT NILA…walang script yan….game sila kaya nakakatuwa! SAYA! 🙂

ayan…sana nag enjoy po kayo…….smile!!! i lab u all!! wapaaaaaaak!! till next time! 🙂 mwah! 🙂

June 17, 2010 Posted by | Uncategorized | 38 Comments

DEAR TEHHHH…(part 4…series na to!!) :)

ok….so mejo natagalan bago ako nakapagsulat uli, sensya at busy ang ATEH  nyo…from canada tapos deretcho dito ng dubai…kakapagod pero its all worth it kasi palong palo mga shows at masarap mag perform sa ating mga kababayan na malayo sa pilipinas…ngunit mejo nalulungkot ako kasi hanggang ngayon wala pa akong nakikitang…….CAMEL at CACTUS syet! hehe..anyways….ang dami pa ding nagpadala ng liham at parang….hmmmm….palala ng palala ang mga problema o yung iba ay paulit ulit lang at karamihan, ay patawa na lang…so eto lang ang mga napili ko (na pressure lng kasi ang daming nagdedemand na akala mo nakatulog na sila sa bahay kung maka kulit sa akin na magsulat ASAP! hehe)…kaya sensya na kung konti lang masasagot ko sa series na ito na…….DEAR TEHHHH…(4 na H KASI PANG APAT NA!)…

tanong galing sa pamintang si…louishermeschanel— heres my question, sana mapansin mo, kasi unfair namaqn kung ako lang papansin sayo.. hahaha…i love bags, such a bagaholic, pero lalaki ako, gumagamit ako ng mga bag ng pambabae kasi ang gaganda eh, nga pala hindi naman ako straight, hindi din loud.. in between, depende sa weather. hahaha.. pero paminsan naasiwa ako paranjg nahihiya, kasi ang lalaki ko kumilos pero ung bag ko ang girl.. hahahatanong ko lang, ano bang maipapayo mo sakin sa napakalaking problema ko na appectado ang proklamsyong ni noy bilang presidente at sa pag taas ng gas..dapat ba ko magpakatotoo na kahit pagusapan na ko? o dapat tumigil na ko..sana masagot mo tong napaka madamdamin kong tanong.

– unang una…..i assume na “branded” na mga bags ang collection mo…kasi kung….SM BONUS lang nman dapat hindi ka na sumulat..hehe…well, hindi ko maintindihan bakit APEKTADO ka sa ating bagong halal na presidente at sa pagtaas ng gas….pero mahilig ka sa mamahaling bags??? bakit? nagpapagas ba mga bags mo?!….charozzz lang!….seriously…..kung saan ka masaya yun ang gawin mo, care mo sa sasabihin ng iba?! FREEDOM OF EXPRESSION tawag jan! at tandaan….WHAT OTHERS THINK OF YOU….IS NONE OF YOUR BUSINESS!….Hindi mo hawak opinion nila, so ano ba mas importante syo? yung “kaligayahan” mo sa mga bags mo…..o ang iniisip ng iba…..hmmmm…. 🙂

galing kay WALEY— itago nyo nlng po ako sa ilalim ng sala, ay este sa pangalang pak! as in pakkk!! lage po kme ngaaway ng boylet ko, mga once in a 3 days as in! pano ba toh? 1 and 4 months na po kme…

– normal lang naman sa mag jowa ang nagaaway….kaso kung palagi naman…teka lang!… so once in 3 days…tpos 1 year and 4 months na kayo….so, in one year may 12 months, plus 4 months pa…at sa isang linggo 2 beses kayong nagaaway…so in a week, 2 times…may 4 weeks ang isang linggo…so 2 X 4= 6…6×12=…….EWAN DIN! mahina ako sa math syet!! hahaha…well…nakakasawa din yung ganyn di ba? away ng away…so dapat alamin mo sa sarili mo kung ok lang ba sayo na ganyan na lang palagi?? kasi ako naniniwala na…..KUNG AYAW MO NA KASI PURO KA REKLAMO..TAPUSIN MO NA…PERO KUNG GUSTO MO PA…AT HINDI MO KAYANG TAPUSIN, BAHALA Ka…FIGHT! PERO…..WAG KA NG MAGREKLAMO! wapaaak! 🙂

TATLONG tanong mula kay LUKE-O-LUKE-O— Ito po ay mga tanong na tinanong sa akin ng aking ama…

1. Occasional drinker ka pa rin po ba kung madalas ang occasion?– yes i drink….pero moderately….may okasyon man o wala…

2. Bakit po mapanghi ang ihi?– aba malay ko?!….try mong sumulat at magtanong sa isang……medtech!! hehe..

3. Bakit po puro MAID ang nasa kasal? example po ay MAID of honor, bridesMAIDS– i have no idea…pero one thing for sure…pag hindi mo ma experience ang kasal at magkaroon ng bridesmaid o maid of honor….magiging MAID ka din….OLD MAID! 🙂

hindi ko kinayang tanong galing kay Kill_lee_kill_lee— Malaki ang poblema ko ngaun halos bumababa n ang self esteem ko marahil hnd m ngng poblema to tehhh dhil ISA kang certified n may lahing KANA., eto n nkkhiya man pero tehhh anu b effective n pampaputi ng kili-kili?? Wala nmn akong pera pra Kay calayan tulad m, simpleng mmayan LNG ako tehhh d ako mkpgsleeveless katulad ng mga suot m, hnd LNG yun tehhh may peklat dn ako sa legs marks ng bulutong ko before! Kaya lalo nko nwalan ng self esteem! Bka may mrecommend k te n murang paraan pampaputi ng kili2 At pantanggal peklat,, nkkainggit kutis mo tehhh sna gnyn dn ako! Pno b mkaachiven ng maputing skin s murang paraan plsssssss tteeehhhh! sana matulungan mko ayokong mamatay ng maitim kili2 at peklatin=[ sna matulungan mko tehhh!! Salmat and I love you!!

– pati ba naman sa peklat at naknampuchang kilikili nyo isasangguni pa sa akin?! bwahahahaha! kakaloka pero sige…sasagutin ko pa rin to….well iha…..wag mo ng pilitin pumuti o mawala mga peklat kung d effective mga ginamit mo….hindi ako derma para mag recomend kasi iba iba skin types natin…ang gawin mo na lang ay……mag PAITIM!! para pumantay ang kulay ng kilikili mo sa buong katawan at sure na sure ako na hindi na mahahalata mga peklat mo…yun lang! 🙂

simpleng tanong galing kay JES—  Simple lang naman tanung ko, bakit pag sumasagot tayo ng fone, lage nating unang sinasabi eh, “hello”???

– simple lang din sagot ko jes… walang sasagot sa tawag mo kung ang una mong sasabihin ay…..GOODBYE!! 🙂

follow up question ni JEJEMASTER— salamat po sa payo nyo teh.. at dahil dyan magpapa-augment po ako ng boobs. yun nalang po ang kulang sa akin para maging artista. ang tanong ko po eh, masakit po ba ang magpaganon? at anong assurance na magiging artista nako pag nakapagpa-augment nako?

-ikaw na naman???! ehehehe…haaaay! malamang masakit yon kasi…operasyon yon! sa tingin mo?!…..kung yun na lang kulang feeling mo para sa pangarap mong mag artista…bahala ka, katawan mo yan!…pero hindi kita mabibigyan ng assurance na matutupad yan…ang ma-ASSURE ko lang syo pag tapos ng “breast augmentation” mo ay……lalaki ang…BOOBS mo for sure! i swear! hope to die! pramis! wapaaaaak! hehe 🙂

nakakalokang tanong galing kay dr29— paano po ba maging mayaman.. as in mayaman.. capital M-A-Y-A-M-A-N?? tagal tagal ko na po ito pinapangarap eh hanggang ngayon po eh ni hindi pa kami yumayaman.. nag aaral naman ako.. may trabaho ang parents ko.. thanks po!!

– walang hanggang ang mangarap! pero dahil nagaaral ka pa lang pala….. sana try mo munang…….MAGTRABAHO bago ka mag expect na yumaman! tumpaaaaaaak! 🙂

ayaaaaaaaaan!! natapos ko din! syet! sensya na uli at mabilisan lang…. sana naliwanagan ang iba sa inyo….kasi ako….naguluhan!! hahahaha! till next time, ako po ang inyong palong palong advicer sa mga nakakatirik UTAK nyong mga problema…..TEHHHH….

K 🙂


June 12, 2010 Posted by | Uncategorized | 44 Comments

DEAR TEHHH…(part 3)…mga sagot sa inyong mga “liham”.. :)

padami ng padami ang mga nagpapadala ng mga liham…at again…sensya na kung d ko masasagot lahat, nakaka pressure ha! hehe…mukhang magiging series na talaga itong “dear tehhh” hindi na trilogy! (3 na ang H sa dulo ng TEHHH..kasi nga part 3 na)…so eto na po ang mga random na napili ko lng sa ngayon…

1.for adults only na problema ni DANA– Sana ay matulungan nyo po talaga ako. 4 years na kaming kasal ng hubby ko at may isa kaming anak. Problema ko po ngayon yung SEX life namin…  as innnnn…Kasi Teh ganito yun, dati naman nakaka 1-2x a week kami nung wala pa kaming anak, pero ngayon, halos 4 mos. na kaming di nag ST(sexy time). Normal ba yun? Kakainis! Kahit anong kalabit ko, ayaw ni hubby. Minsan tulog nakakaisip ako ng masama Gaya ng pagtataksil pero di ko naman kayang gawin kse mahal ko siya. Kaya Lang I have needs & tigang na tigang na meee! Teh, help me please! Anong gagawin ko pa..

hmmmmm..pati na sexlife tinatanong na sa akin ngayon?!….at to think wala ako nyan! hehe…well dana…maraming paraan pra manumbalik ang “init” ng inyong sexlife….try mong ang…porno style! kung saan nka suot ka ng garter belt with stockings at palong palong heels! be dominant! why noy?? wag mahiya kasi asawa mo nman yan noh! o kaya minsan try mo na gulatin sha, pag pasok nya sa kwarto…magsuot ka lang ng….LOTION! yun lang…lalake yan teh…bibigay din yan…yayain mo sha na “gawin” nyo sa may…..CEILING FAN habang nakasabit ka..ituring mo sarili mo na para kang trumpo! (uyy ini-imagine!!..hehe)…bahala ka….ang kelangan mo dapat ay.. confidence!! tamaaaaah! 🙂 (sensya na sa ibang nagbabasa ha kung rated r advice ko) 🙂

2.problema ni MELING— gustung-gusto ko na talagang pumayat at maging seksi uli. I have 3 kids na…Ano ba talaga ang effective na way na pagpapayat. ano po dapat kong gawin, ‘teh? I need to lose 40 lbs…salamat teh..

eto ang sagot ko— TUBIG KANAL! not just qne but 2 glasses a day! bwahahaha! joke lang po….well….kelangan mo tlagang magtyaga…kung saan ka hiyang dun ka, so try mo lahat nga diet o excersise..saken, naging effective ang after 6 diet…kain ka nga todo mula pag gising tpos…..water na lng after 6 pm…well sa akin ok yon…i cannot assure na ganon sa lahat! pro isipin mo maganda ka kahit ano  pa weight mo! kanya kanyang paniniwala lang yan!! being sexy is just an ATTITUDE!! 🙂

3.personal question ni GANDA— Teh tanong ko lang, nagpalaki ka ba ng jaboom twins? Sakit ba mgpagawa? Ganu katagal recovery?..

syempre…boobs ang tinatanong mo…..marami dun sa…RAON, MGA SLIGHTY USED! haha….at yung sa akin d roskas! parang contact lense..pra pag nabibigatan nko..pwede kong tanggalin, may lalagyan ng left ang right! hehe…charozzz!…CALAYAN PO ang the best! 🙂

4.tanong ni OHMYGULAY— may isasangguni ako tungkol itu sa aking sarili na magulo at d ko na maintndhan,, ako ay gurl at hnd ko maintndhan kc dati sabi ko d ako mhilig mkpgfrend sa lesbians,, but i had a schoolmate before n lesbian and she’s really pretty tlg,, ut as i sed d nmn ako pumapatol sa lesbian,, but i had a crush on her we’ve been close then,, after 10 yrs nsearch ko xa s FB!! wagas tlg ang pagkabog ng puso ko pagkita sknya,,! para akong may LBM gnun ung feeling,, bkt gnun?? do u think im a lesbian n?? that parang naiinluv ako sknya ?? huhu plss give me advice TEH!

hay naku naman teh!! kaw lang makakasabi kung lesbian ka man o hindi…pro kaw na mismo nagsabi na wagas ang pagkabog ng puso mo nung nahanap mo sya…may LBM pang factor?? so……tulad ng LBM….ilabas mo na yan!! i wish u luck.. 🙂

5.from  KIRAY SWORD— Gusto lang namin malaman ng aking mga kaibigan kung ano ba meron ang TAIWAN? Salamat and best regards to your BLOG

hmmmm ano ba meron don?? mga taiwanese malamang…try nyong i GOOGLE….type nyo lang sa search engine ang taiwan…masasgot na ang nakakaloka mong tanong! basta nasa ASIA YAN! wapaaaak! hehe 🙂

6.galing kay MARIEL— sang simpleng tanong lang po! pano mo malalaman na mahal mo na pala ang kaibigan mo na higit p s kaibigan?

general ang sagot ko sa tanong mong yan at serious na rin…alam mo na mahal mo na ang isang tao kapag…..mas mahalaga ang KALIGAYAHAN nya kesa sa pang sariling kaligayahan mo….ask urself…ganon na ba?? syet ang lalim ng sinabi ko!….but soooooo true! 🙂

7.speakining english questions from RON MCADAM—

Like any other ordinary people, I also have question which I think needs an answer…I heard a lot of JEJEMON thing good thing wala pang nagtetext dito ng ganun kasi PALONG PALO ang inis ko sa ganun..the following are my questions:– OK I WILL ANSWER EACH OF UR QUESTIONS….MY GASSSS! NOSEBLOOD! TOO MANY ENGLISH! SYET! HEHE 🙂

1. Who is the father of JEJEMON?—THE JEJEMASTER HIMSELF! or the jejefather!
2. Is it Okay to integrate JEJEMON in Philippine Curriculum?— POSSIBLE….LIKE TOURISM..THERE CAN BE JEJENISM course..
3. Is there any way to assassinate the FATHER of JEJEMON?— AHHH!! pwede…malamang ang gagawa nyan ay….ANYONE FROM THE…JEJEBUSTERS!!
4. Galit kaba sa mga JEJEMON?— NOPE…AMUSING SILA, BUT I AM NOT A JEJEMON…MAYBE SOMETIMES IM THE….JEJEMONYO!! HAHAHA! 🙂
5. Si Manong Johnny ba ay isang JEJEMON? which i think HE is the father of JEJEMON..— I DONT KNOW! I JUST KNOW THAT…..GUSTO KO HAPPY KA! JEJEJEEJEEJEJE…L0o0OOhHLLzZZZ FhoewwwwWW! hahaha! 🙂
6. Are you in love now? if not, this fool fil-african-american is very much willing to share love–wow!! NO IM SINGLE….AND FABULOUS! HEHE….SHARE?! ANO TOH?! SNACK?! JUST KIDDING…well maybe if we can meet someday…we will see kung willing din ako! wapaaak! thanks! ayy…pahabol, wag kang magalit sa kanila….kanya kanyang trip yan…wag agaw trip! peace! 🙂

sooooo….hanggang dito na lang muli….antok nako syet…pinilit ko lang magsulat ngayon….syempre para sa inyo….yiiiihiiiii! i lab u all….abangan ang nxt sa dear teh…the series…season one pa lang to!! bwahahahahaha!! wapaaaaak! SMILE! :))

K 🙂


June 7, 2010 Posted by | Uncategorized | 36 Comments

dear mga TEHTEHMONS at WAPAKSTERS…galing kay–TEHH :)

SALAMAT…..sobra! yan ang una kong gustong sabihin (ayy isulat) sa inyo! mula puyo hanggang talampakan ang aking pasasalamat sa mga magagandang comments, sarap makarinig (ayy makabasa pala) na daming natutuwa, naaaliw, napapasaya kong tao sa pagbabasa ng aking blog! at grabeeeeeee…..60K hits na tong blog ko..(dami na ba yon?! hehe.. basta saya ko na!).. reminder lng…kahit gaano kababaw o kaliit ang dahilan…laging…MAGPASALAMAT..yan ang wag nyong pagsasawaang gawin…anyways…dahil ako ay may amnesia (ayy insomia pala)  nagsimula na naman akong magsulat…kung napapasaya at napapatawa ko kayo, well, ganon din kayo sa akin! natawa ako nung may nag bansag ng TEHTEHMONS dahil sa DEAR TEH trilogy ko (mukhang series na ata mangyayari sa sobrang daming liham!) at dahil mejo madami ng nahawa sa kaka “wapaaaak!” ko….anjan may nag suggest na tayo ang mga WAPAKSTERS! hehehe… tulad na lang ng may nag tweet na gagawan daw kami ng movie entitled….JEJEMONS and the city! bwahahahaha! ang tagal bago ako maka get over don! syempre naglaro na ang isip ko…..imagine????!!!……(F.Y.I hindi po ako jejemon pero nkakatuwa lang sila at kanya kanyang trip lang yan!)…

K BROSAS as KERI BRADSHOW in her most daring role in….J3J3MonSSs @nD daHhh ciTY…”JEJEJEJEJE” ….the jejemons trilogy special, (kinabog ang matrix) with special appearances by the GHOSTBUSTERS versus the JEJEBUSTERS…and cameo role by AGUATAR (si agua bendita at avatar in one! tutal pareho naman silang…blue!)….plot o storyline na lang kulang pasok na sa bonggang bonggang banga!! 🙂

minsan naman pag ako’y bagot at walang magawa..nagpapa “joke time” ako sa twitter, kung saan ang dami kong nabasa na palong palong jokes at mukha akong tanga na tumatawa mag isa! eto ang ilan sa mga napili kong JOKES nila at yung iba sa akin…

bakit may blackeye ang juice???—- kasi….nasa PACK!! wapaaak! (classic toh!)

ano ang sinabi ng IPIS sa TSINELAS nung hinampas sya nito???—-“HELOOOOO?!!! kung makahampas ka naman! akala mo…..close tayo?!!hehe…

PULUBI: ale palimos po ng cake…. ALE: aba! Ambisyso kaaaa! Cake pa hinhingi mo! oh ayan pandesal na lng PULUBI: Haleeeeer!??….Bday ko kaya!!! haha…

nanay: knock knock!..  Anak: who’s there? …Nay:.nanay mo!!.. Anak: nanay mo who???.. Nay: bwisit ka!!  Buksan mo tong pintuan! hindi to gaguhan punyeta!! ahahaha!

Sa turo-turo…“Miss, may langaw sa arroz caldo ko!!!”  Tindera: “Sa halagang 5 piso, anong ine-expect mo…..manok??!” hehe

si pedro nag pa check up..doc: umubo ka!  pedro: ho!ho!ho! … Doc: ubo pa!… pedro:.ho!ho!ho!.. pedro: ano po ba sakit ko doc???… doc: may… ubo ka!! wapaaak!!

nurse: gising na po kayo sir,  inom na po kayo ng gamot…… patient: anong gamot yan??… nurse: pampatulog po!! wahahaha!

Street Vendor : ‘bili na kayo ng relo!!  gold watch ito!!… pag namuti… white gold!!… pag huminto…. stopwatch!! paaaak!

hindi makapagtimpla ng juice si Inday…. Tahimik lang syang nakatitig sa bote ng juice…. Dahil nakasulat: Concentrated! 🙂

wife: hon sino si… trixie???  Husband: yun yung pinupustahan kong kabayo hon! Wife: ah ganun??? sagutin mo yung telepono… tumatawag yung…… kabayo mo!! hehehe….

haaaayyyy!! sarap lang tumawa….well…ako natawa dito, malay ko naman sa inyo…na share ko lng….sa sobrang dami na nag tweet ng jokes next time na lang iba….kung may alam kayo, feel free na ilagay sa comments para mabasa ng lahat! naku….sana hindi mahirap internet o hindi ganon ka hectic sched namin sa canada pra mkapag tweet (gudluk sa bill ko sa telepono kasi roaming pag celphone gamit sa pag tweet) at makapag blog pako..hehe…adik?!! hanggang sa muli….uli….SALAMAT!! I LAB U ALL!!— TEHHH  🙂

K 🙂

June 2, 2010 Posted by | Uncategorized | 74 Comments