KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

DEAR TEH…… the finale… (ng season 1 lang! may season 2 pahhhhh!)

tuloy tuloy pa din ang pag dating ng mga liham nyo….uulitin ko, hindi lahat ng problema o katanungan nyo ay kaya kong sagutin at yung iba….ayaw ko lang talagang….. sagutin! hehe…pasensya kung madami akong TYPO sa mga entries ko….hindi naman ako writer, at madalas ay sadyang…tatanga tanga ako sa spelling! (nagiging totoo lang!)….mejo minadali ko lang itong part 5 kasi masama ang pakiramdam ng ateh nyo! eto ang finale ng season 1 dahil may pinaghahandaan akong gagawin sa season 2….ehehehehe…

galing kay TRUEBLUEHERE— May crush po ako tehh…
Pinaparamdam ko sa kanya (slight…)
Pero di ko tlga sinasabi (Tell)…
Tapos nyan, as time went by…
Nagiging papansin xa tehh, in fairness, PAPANSIN EVER.!
Ginagalaw nya ako (touch lang), pero kapag pinansin ko na, nagsmasmile lang… (may tama yatah tehh)…
Tapos yung isa kong klasm8, nararamdaman na nya na may gusto ako dun sa girlalu.!
Kaya feel ko ramdam din nya na ramdam ko xa.!
Ang tanong ko po ay etoh.!..feel mo teh.? May gus2 ba sakin yung girlalu.? I.feel mo lang…

– una sa lahat….salamat at talagang may kasama pang translation sa english ang ibang sinabi mo….ginawa mo akong…tanga! hehe! joke!…anyways….napansin ko na puro pakiramdaman lang ang sitwasyon mo…try mong makipag usap….baka mas maliwanagan ka. unless….bulag sha at pipi! talagang hanggang FEEL lng ang mangyayari..mahirap mag assume…kaya dapat wag mong i-feel…..aksyonan mo na! lalo na at may  naka WITNESS na sa pagpapa cute mo! hindi ko masasabi base sa sinabi mo kung feel ka din nya….unless mag sit in ako sa klase nyo at makiramdam din…pero mapapayo ko lang ay…..NIKE…..JUST DO IT! wapaaaaak! 🙂

problema ni maKATHY pa sa higad— Advise naman jan.. kasi pinaglihi ako sa kalandian.. mag 1year na kami ng live in partner ko..Bisexual man sya at Transexual woman naman ako..super legal kami sa both family namin..napaka daming temptation sa ofis,, sa knila,, samen,, sa mga dati kong boylets.. pano ko ba maiiwasan un? ang hirap naman kasing mag reject ng mga boys kc mga yummy.. kagandahan kasi ako..muka daw ako lagi nang aakit dahil sa fez ko..pati yung laki ng b0obs ko..haha.. nagpa belo nako ng kabog kaya ayun nagkakagulo sila.. natatakot ako baka mahuli ako jowa ko pero hndi ko mapigilan.. may gamot ba dito? .. help! .. mua* (hndi ako nagyayabang te.. kc ayoko kami magkahiwalay nanghihinayang ako dhl super bihira ang maging ok sa both family ng relasyon namin.. kaya ayun.. help K ha..mua!)

– nakakaloka ka tehhhhh! ang ganda mo! at gusto ko pangalan mo….makathy pa sa higad! bwahahahaha! in fairness, bagay sa problema mo! peace….well….gaano ka ba kaharot?? pag ang higad ba itinabi sayo….mas mangangati pa yung higad?? ehehehe…..seriously…alam mo naman siguro na napaka swerte mo at may ka relasyon ka na tanggap ng lahat, at matagal na rin ang 1 year! isipin mo na lng na baka….BAKA wala ka ng makikitang partner na ganyan….kahit saan may “temptations”…..im sure meron din iniiwasan jowa mo…walang “cure” sa kaharutan….pero tanungin mo sarili mo….kung mahuli ka ng jowa mo at hiwalayan ka…..worth it ba ang mga panandaliang aliw??  🙂

napakagulong tanong ni conrad— tehhhh, kailan ba dapat magtanong at sumagot sa tanong? andaming tanong kasi, hehehe

– magulo talaga ang tanong mong yan….kung alam mo ang sagot sa bawat tanong, eh d sagutin ko…pero pag hindi ka nman tinatanong….bakit ka sasagot??….maraming tanong na walang kasagutan…..madami ding sagot na wala namang katanungan….syet! gulo!….so…kung inaakala mo na masasagot ko ang katanungan mo…..sa iba ka na lang magtanong….ewan din! hehe…(masagot lang!)…

problema ni jan— hi ms k this the first tym na maglalabas ako sayu ng problema hehehhehehehehehe tawagin nyo nlang ako sa pangalang kyler hehehehee by the way ito po ang problema ko ilalabas sa inyu kumuha na po au ng panyo hehehehehehehe kasi merun akong isang tao na sobra kon minahal ng lubos and then everytym na magkikita kame sa isang event ang saya saya ko yung tipong kailangan lagi ako maayus mabango para mapansin hehehehhehehe bu then nung hindi na kame nagkikita ng taong yun gawang parehas kameng mga busy sa kanya kanyang schedule lagi sya pa din ang laman ng puso at isipan ko hanggangsa pagtulog ko na nga lang napapanaginipan ko pa sya eh but then eto na yung masakit na part hehehehhee sa hindi inaasahang pagkakataon nagkita na naman kame nung taong yun pero hindi ko inaasahan na my ka holding hands na syang iba ang pakiramdam ko nun para akong nanghina ng mga sandalin yun para akong binaril ng 10 beses nung natapos na yung event na yun naglalakad ako sa kahabaan ng tomas morato na hinang hina ako eh nagkataon pah na umuulan tapos ilang buwan na anman kame ulit hindi nagkita tapos again again and again nagkita kame pero this tym panay naman ang tingin nya sa akin anu po ba ang dapat kong gawin ako nalang ang lumayo ng tuluyan o dedma nalang ako

– napansin ko lang jan na mahilig ka sa…..EVENTS….hmmmm….again, mahirap mag assume! kelangan pinaguusapan yan….wala talagang mangyayari kung hindi kayo naguusap…mahirap nman kung lalayo ka pero nasa utak mo ang WHAT IF?? kung mangagaling mismo sa kanya na hindi ka nya gusto, masakit man…at least alam mo….at EVENTually makakpag move on ka din… kaya next time na magkita kayo sa kahit anong EVENT…lakasan mo loob mo at prankahin mo na…..malay mo yon na ang pinakahihintay mong….MAIN EVENT! ahihihi 🙂

si mae na undecided— Gusto ko sana mag abroad, pero daming pumipigil sakin. lahat sila. maliban sa family ko, bakit kamo? kasi meron akong 2yrs. old na baby maiiwan. ang tanong dito teh. na gusto ko ng kasagutan. ANO ba mas maganda, iwan ko ang aking anak ng ganitong edad? o yung may isip na sya. like 8yrs. old.? sana matulungan mo ako makapag decide..

– alam mo mae….natawa ako sa sinabi mong “LAHAT SILA, MALIBAN SA FAMILY KO”…..so hindi pala LAHAT! sensya na…hehe……alam mo, sa tingin ko, kahit anong edad mo iwan ang anak mo, mahirap! kasi lahat nman ng ina, masakit na mahiwalay sa anak d ba?? pero sayang ang opportunity ngayon….unless yung offer abroad sayo ay anytime naman….kelanagn mo nga pagisipan yan mabuti…at ikaw lang pwedeng mag desisyon kasi ikaw naman ang mahihirapan sa sitwasyon hindi ibang tao….at para nman sa kinabukasan ng anak mo ang pag a-abroad….o baka nman mag babakasyon ka lang?? hehe…pray for guidance! wapaaak! 🙂

pasensya na at mukhang dito na lang muna kasi….nilalagnat na ang ATEH nyo…salamat sa mga walang kadala dala na sumusubaybay sa blog ko….may maganda akong binabalak na kakaiba sa “series” na to….abangan! hanggang sa muli….nagmamahal…….TEHHHHH….. 🙂


Advertisements

June 21, 2010 - Posted by | Uncategorized

30 Comments »

  1. pagaling ka teh! wag masyado sa work, magrest din! love you po!

    Comment by JUCIEmario-sep | June 21, 2010 | Reply

  2. Mwahahaha. Muka ngang mahilig siya sa events…try kaya niya pumunta sa mga…FUNCTIONS. Baka maka score siya dun. 🙂

    Comment by johnreydangilanjr | June 21, 2010 | Reply

  3. teh, baka sa nakain mo lang teh. hindi ka naman nag-ta-tehe? uminom ka ng maraming teh. recommended nga at 3 times ng grin teh. magaling sa digestion teh.

    Comment by alex cris | June 21, 2010 | Reply

  4. excited ako sa season 2 mo teh! 🙂
    pagaling ka! wapak!

    Comment by nagcomment | June 21, 2010 | Reply

  5. video blog ba ang susunod na gagawin mo tehhhhhh???

    Comment by benjo | June 21, 2010 | Reply

  6. Rest ka muna TEH. Get well soon!

    Comment by Haha | June 21, 2010 | Reply

  7. hello. u need more rest! rest k muna,, xo bka mgksakt k ult xe wla pera pg ngrest k. hehe ummm aq c mumas. pwd bng mgtanung?nguguluhan ln tlga q ksi mgulo tlga un tnung ko. nguguluhan tlga qo. Ummm nd q ksi alm kung ipupurzue q p ung korz q? ksi 2x nq ngtake ng board kea ln wla nanyare. parang gus2 q nlng ng ibng career path? gulo tlga. pero gus2 q tlga nurse ako. hmmm sna m2lungan mq. sna sguTn mq. pls

    Comment by mumas | June 21, 2010 | Reply

  8. teh! Get well soon! Biogesic lng katapat nyan o kaya KISS from papa John Lloyd..herher..

    Anyhoo, ako din tehhhh may problema., pwede ba ishare?

    itago mo nlng ako sa bulsa mo este s pangalang CALLY.
    Dati po akong may gf n shomboyey (tibo) then we broke up. After 3 years SHA p rin mahal ko. Nagkaanak na kot lahat lahat SHA p rn tlg at affected ako s mga posts nya sa Fb at nagseselos ako s mga nggng gf nya.. ang siste, may GF ako ngayon n bago shomboyey din pro ang mahal ko tlg ung ex ko.. ano d bpt kong gawin tehhh? seryoso to! huhu paaakpaaakpaaak!

    Comment by paoweeboo | June 21, 2010 | Reply

  9. TEEEEh, I NEED YOUR ADVICE!! my bf ako teh, pro ndi ko alam kung normal lng ung my nngyyre smen, ung touch by touch gnun, pro hindi full contact sex gnun. nttkot ako prng nkokonsensya ako kse alam ko nkkdisappoint un s part ng parents ko,, pro teeh masama ba ung gnun? touch by touch lng nman. plsss gimme ur advice teh. take note im 19 na. teh anu b ang tama pgdating s gnun?

    Comment by nenona | June 21, 2010 | Reply

  10. teeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh

    Comment by jejemon | June 21, 2010 | Reply

  11. TEEEEh, I NEED YOUR ADVICE!! my bf ako teh, pro ndi ko alam kung normal lng ung my nngyyre smen, ung touch by touch gnun, pro hindi full contact SEX gnun. nttkot ako prng nkokonsensya ako kse alam ko nkkdisappoint un s part ng parents ko,, pro teeh masama ba ung gnun? touch by touch lng nman. plsss gimme ur advice teh. take note im 19 na. teh anu b ang tama pgdating s gnun? tulongggggggggggggggtul

    Comment by nenona | June 21, 2010 | Reply

  12. hi ms k!

    ang saya tlga ng dear teh series mo, cant wait for the season 2!

    continue po to be yourself and salamat po sa patuloy na pagbibigay saya!

    rest ka rin po ksi your so hardworking na po.

    til next blog ms k!

    Comment by jeankaycee | June 21, 2010 | Reply

  13. panalo ateh un sagot mo na >> worth it ba ang mga panandaliang aliw?? 🙂 >> parang facebook lang na.. I LIKE!!!! more powers.. 🙂

    Comment by krysthel | June 21, 2010 | Reply

  14. pagaling ka tehhhhh….

    Comment by babymahal | June 21, 2010 | Reply

  15. Kunyare nag-i love na you sa crush mo tapos biglang may lumitaw na dragon sa harap mo, ano favorite mong pagkain?

    Comment by PEPE | June 22, 2010 | Reply

  16. dear teh… hehehe. Kunyare magugunaw na mundo bukas tapos nalaman mong gusto ka rin ng gusto mo, sinu crush mu sa showbiz?

    Comment by PEPE | June 22, 2010 | Reply

  17. Hello teh k! love na love tlaga kita..naaliw ako sau! kept it up:) God Bless mwahhh!!!

    Comment by sha2 | June 22, 2010 | Reply

  18. love na love na love ko talaga ang blog mo ms.k..pramis!!!!

    Comment by renzie22 | June 22, 2010 | Reply

  19. Kalukring naman mga problema ng mga letter senders mo teh,pero wagi ang mga advices mo palong palo!lkakaaliw basahin parang happy comics!nagbabasa ka b nun teh nung di pa uso ang facebook at twitter?ako adik ako sa comics nun may rentahan pa nga sa kpitbahay heheh!

    Comment by Annneh | June 22, 2010 | Reply

  20. Pagaling ka teh! saya talaga nitong blog mo nakakaalis ng boredome dito sa office 🙂

    Sya nga pala teh sobrang ganda mo and galing galing mo nung nag show ka dito sa Dubai 🙂 grabe ang ganda ganda mo talaga teh promise 🙂

    dahil sayo napa-gawa tuloy ako ng twitter account…dati dati binabasa ko lang mga post mo sa twitter at para abangan yung latest sa blog mo..pero after ng show mo dito sa dubai..feeling ko kelangan ko na gumawa ng twitter account para maka comment sa yo hehehe

    ilabyou teh and more power to your Kblog!

    Comment by Marie | June 22, 2010 | Reply

  21. Hahaha basa ako nang basa dito huli na nang mapagtanto kong si K Brosas ang nagsulat! Ang tanga ko lang.

    Comment by glentot | June 22, 2010 | Reply

  22. ano teh ok kn po b? pagaling k ha! grbe…ndi n kme basta fans lng ng mga brkada ko…addiction na to teh! adik na kme sau! hahaha…wapaaaaaaak! so nice ur blogs po….sarap bsahin..nkakatawa! pwd dn po bq mgtnong bout my lovelife? ehehe… 😀 Godbless you always teh!

    Comment by liezel c. | June 22, 2010 | Reply

  23. excited n ko sa pasabog muh TEHHH sana season 2 na bukas..
    get well soon..

    Comment by leya | June 23, 2010 | Reply

  24. Dear teh,

    I’m a big fan of your blog. Wish ko na mameet ka! Super napapatawa mo ako sa mga sagot mo sa mga palong palong tanong. Pero ako naman po yung may tanong… Kung mahal nyo po ba ang isang tao, hanggang saan po ang dapat ibigay dun sa tao na yun bago iconsider na nagpapakatanga lang yung taong todo bigay a in lahat ng request finufulfill, lahat ng criticism inaabsorb. Hope u can answer my question. With a bit of humor and laughter that stems from your blog, it definitely makes going to sleep alot easier knowing that some of the burden is lifted… All because I had a laugh.

    Comment by Sam Pagita | June 23, 2010 | Reply

  25. Hi K..

    Thanks for replying in my problem.. I really appreciate it.. Parang natauhan ako sa sinabi mo.. Gosh! .. thanks.. mua mua *

    more p0wer girl! *

    Comment by maKATHY pa sa higad | June 24, 2010 | Reply

  26. tnx sa pagreply mo teehhh.!
    Well, i kinda am not really good in dealing wid girls…
    Ohh damn feelings.!
    Hindi ko masabi… Kahit gusto ko…
    Kung may tabletas lang ng SELF-CONFIDENCE…? Bibili ako ng DALAWANG UNLIMITED SUPPLY.! Hahaha.!
    Tnx again ms k.!

    Comment by truebluehere | June 24, 2010 | Reply

  27. dear teh, anong gagawin ko? inlove ako sa 40 yrs old na lalaki and im just 21. he was my coworker dati. sobrang inlove kami.

    Comment by coworker | June 26, 2010 | Reply

  28. teehhhhhh!! i super need ur advice.. 🙂 hnd ko po alm kung anung espirito ang sumpi saakin pero lhat po ng ngugustuhan ko n lalke ay bakla or bi.. i have nothing against gays.. i suuuper love their company.. kso aun nga po, cla mdlas ko ksma and mnsan nfafall ako skanila.. 5 times 2 be exact pero iba2 person.. haaayy.. help..

    Comment by pjhei | June 26, 2010 | Reply

  29. http://enzoblackstar.blogspot.com/

    ate k .. pano ba magiging sikat ung blog ko .. tpos bat ganun .. 1 palng post ko .. pero andami kong naiisip .. pahelp po.. thnks po

    Comment by itsenzo | June 30, 2010 | Reply

  30. dear teh..
    may isasangguni po sana ako sa inyo eh.. ahmm,.

    matagal ko na pong like ung frnd ko.. lagi po kami mgkasama kasi po nasa isang group lang kami.. mga parties, panonood ng movie at minsan hang out lang.. nung una po kasi.. crush lang.. na napunta sa like.. na napunta sa love.. sa katunayan nga po.. pers lab ko sya.. one year na ganito ang pagtingin ko sa knya.. pero.. sya nalng po hnhntay ko..

    di ko rin po maiwasang magselos kasi.. halos parehas lagi ang treatment nya sa mga babaeng nkakasalamuha nya…may part din na…. mhirap kasi yung isa s mga close friends ko, gusto rin sya..manhid po sya eh..pero.. ano po gagawin ko? bibitaw na ba ako? oh maghihintay parin?
    hindi naman manhid yun eh… nagmamandhidmanhidan lng haha!!

    Comment by CHERILLE | July 28, 2010 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: