KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

ang dating….noon! :)

oh…..wag atat!!.. hindi pa po ito ang season 2 ng DEAR TEH….wala lang akong magawa at biglang lumikot kamay ko (prang shoplifter lang ha! hehe) at bigla ko lang uli naisip ang nakaraan…masarap maging bata noh?? actually, may entry na ako na parang ganito, so parang part 2 lang ito….anyways… nung kapanahunan ko (syet! prang senior citizen nko?!) napaka simple lang ng buhay…..bigla ko lang naikumpara yung kabataan ko dahil sa anak ko na grade 7 na ngayon (12 yrs old going on….30!) napaka techy nya! naloloka ako! ano ba ang mga alaala ko nung kabataan ko?? balikan natin…..

dati…..MASAYA NAKO PAG…… may chocknut o tira tira (na halos dumugo ang gums ko sa pag sipisip!) sa katabing sari sari store…kasama jan ang palabunutan ng plastik baloon na may mga numbers at ang premyo….ITIK na kulay BLUE! kaso nung nanalo ako non….biglang umuulan…ayun! naging dilaw! syet! ….ang sarap maglaro ng LUTO LUTUAN…ingredients mo….gumamela, dahon ng macopa…at bonggang bonggang bonggangvilla na bulaklak! may mga kasama pa yang mini PALAYOK na pwede mo talagang paglutuan…masarap din magbasa ng FUNNY komiks….love ko si NIKNOK! at ang sarap maglaro at sumigaw ng….SYATOOOOOOOOOOO!! isama mo na rin ang jackstones (pro mas challenging saken yung…CHINESE version non na parang maliliit na unan!) saya din ang pagkolekta ng mga palara ng yosi para sa TEXT….kelangan mukha kang kundoktor sa dami na nakalagay in between ng daliri mo! at mula sa luksong tinik hanggang luksong BAKA! ….

NGAYON….kakaiba na talaga…ang layo sa kinalakihan ko na simpleng buhay…ang kabataan ngayon mejo nakakatakot na kasi bata pa lang ang dami ng alam! at syempre anjan ang computer…lahat ng tanong may sagot…..GOOGLE lng katapat! bihira ka na lng makakaita ng bata sa labas….lahat nasa…internet shop o sa mall! madami ding kabataan ngayon na sa murang edad ay….MAHAHAROT na! sad but true! haaaay….kakaiba na libangan nila…anjan ang sangkatutak na games sa computer…ang pagsulpot ng 3D experience na mga movies…anjan ang enchanted kingdom o star city! dati…..palong palo na pag nakasakay ka ng CHUBIBO! (tagalog po yan FERRIS WHEEL) ….haaay uli….how time flies… sana lang, kahit moderno na panahon ngayon ay hindi mawawala ang….PAGGALANG o respeto sa nakakatanda….ayan! na share ko lang….i gotta go…kasi nagpapa download pa ako sa anak ko sa computer para sa i touch ng…plants versus zombies game!! bwahahahaha!! sensya! sya nakakaalam kung pano eh… abangan ang season 2 ng DEAR TEHHHHHHHHHHHH……..kaya tuloy lang po ang pagpapadala ng liham thru ur comments at pipilitin kong sagutin sa kakaibang VERSION naman…exciting!! wapaaaaaaak!

K 🙂

Advertisements

June 24, 2010 - Posted by | Uncategorized

31 Comments »

  1. tama ka jan tehh!! ako nga kaka-24 lang pakiramdam ko lola na ko sa mga nakikita ko sa mga kabataan ngayon..geesh!!! lage kong nakukumpara yung mga simpleng larong bata sa mga ginagawa ng mga bata ngayon..date piko,10-20,tumbang preso at madame pang iba..ngayon naman plant vs.zombies,dota,farmville at blah blah blah!! genun..ang mga bata ngayon bongga na..haay naku!! kakaiba na nagmonster level up..hihihI!!

    love your blog..more power!! and thanks again for greeting me sa twitter nung bday ko!! sobrang saya ko talaga nun!!! pramissss!!! mwuahugsz!! (hindi ako jejemon..premature jejemon lang..hahahha!!)

    Comment by renzie22 | June 24, 2010 | Reply

  2. HAHAHAHAHAHAHA!!!
    I remember those things. Mga larong bata nga naman XDDD!!!

    Comment by xianism | June 24, 2010 | Reply

  3. Dear Teh,

    Salamat sa pagpapangiti at pagpapatawa sa aming mga mambabasa ng blog mo. Sana mag-enjoy pa tayo, at wag muna tayong kunin ni Lord. (;.) Sabi nga nila oras oras lang yan. Naku, masyadong seryoso. baka kung ano na to. hindi naman siguro to premonition. Kasi hindi naman alam ng family or friends ko na ako pala si Alex (na closet… hehehe).

    Anyway, ang tanong, sa tingin mo, paano mo ba malalaman ang ‘calling’ ng isang tao? Ikaw, paano mo nalamang magpapatawa ka pala ng mga tao? Ako, ano kayang dapat kung gawin, para magkaruon ng direksyon ang buhay ko. Ang dami ko kasing gustong gawin, pero walang magawa… dahil na rin sa pagtulong sa pamilya… Ano kaya ang dapat kong gawin para malaman at masabi kong “ITO PALA ANG GAGAWIN KO SA BUHAY”?

    Comment by alex cris | June 24, 2010 | Reply

  4. hi teh! grabe…mixed emotions and naramdaman ko while reading your blog..i can’t help but remember my youth..Para namang ang tanda ko na..di naman…..walang tatalo sa simpleng buhay noon…natatawa ako habang binabasa ko dahil ganung ganun nga noon..texas na bubble gang lang nun ang saya ko na..tsaka yung kendi na iba’t ibang kulay na bilog tapos ginagawang ostiya..ano kasi tawag dun?heheh..nakakasad lang dahil di ito naiexperience ng kabataan ngayon….

    i hope you continue making people laugh…as in! sobrang parang baliw ako kakatawa mag isa while reading your posts..kahit sa tweeter…:) kakaaliw…i wanna thank you na kahit saglit nakakalimutan natin ang mga problema dahil sa mga wapaaak mong comments! hehehe

    btw…goodluck sa concert sa music museum..im praying na makapanood…tiyak na riot kayo ni vice ganda dun….keep on blogging tehh!!! i wish God grants you your heart’s desire….as long as it’ll be good to you…

    muah! love you, teh! 🙂

    jaded

    Comment by jaded888 | June 24, 2010 | Reply

  5. ayos tong Blog na Toh teH!!.. nagPAaaaKk ng Husto sa Utak ko…hahaha… naging emotera tuLoy ako biGla napaisip din ako sa “younger days” ko…ahahaa. ewan! galing mo talaga patawa sexY mo paH! paaakkkkk….

    more power teh!!

    Comment by weynah | June 24, 2010 | Reply

  6. naku teh… nung wala pang enchanted kingdom at star city ay masaya na ako sa fiesta carnival, payanig sa pasig at big bang sa alabang… lol

    Comment by mikee | June 24, 2010 | Reply

  7. ahehehe katuwa n mn.. naalala ko tuloy ung luto lutuan ko n toy b4 hehe.. ^_^

    Comment by Charmis | June 24, 2010 | Reply

  8. hahaha. funny ka talaga Teh.

    salamat ha, kasi ngayon, i’m going through a rough time. leche kasi ang PRC ayaw pa ilabas ang board exam result at uber kinakabahan na kami. lahat nga yata dito sa bahay nabubulyawan ko na eh. pero ngayon lang ako ulit napatawa nun nabasa ko blog mo. hehehe

    more powers Teh. 🙂

    Comment by teban | June 24, 2010 | Reply

  9. .ganda po tlga ng blog m0h ..
    .sana 2magal . .m0re p0wers .kc mdme ka p0n napapaxayang ta0h eh . .

    Comment by nestlene | June 24, 2010 | Reply

  10. .ingats ka p0h lague.

    Comment by nestlene | June 24, 2010 | Reply

  11. you have a nice blog. and it makes me smile. nawawala ang pagod ko pgkagaling sa trabaho..nakakarelate ako sa entry mo. iba yung panahon nun. mas active mga bata at sociable. ngaun magkapitbahay na hindi pa magkakilala kasi maghapon sa bahay nagcocomputer. nakakamiss yung mga tumbang preso, batibot na palabas sa tv, yung bulkan na gawa sa buhangin tas bumubulwak na ang bulkan courtesy of wiwi. hehe.
    thanks again K for making us forget our worries. first time ko magcomment ng kahit anong blog. i just want you to know that you are being appreciated. godbless!

    Comment by reine | June 24, 2010 | Reply

  12. naaliw talaga ako sa mga blogs mo. im a certified follower! continue blogging us. wapaakkkk! ( ui, 1st time kong isulat ang salitang ito) hehehe.

    nways, ito ang guso kong itanong tehhhh, mg 3 yrs na po akong married kaso di ko naman iniisip ang ex ko ay lagi xang nasa [panaginip ko. wla na kaming communication nun. sa tingin nu po teh,ano po ba ang ibig sabihin ng dreams ko?

    Comment by kate | June 25, 2010 | Reply

  13. Hello Ms K.

    It’s me again. Your stories really rock my world.. really…pag halimbawa may TFC show/concert event ka sa Johannesburg, try mong mag online..be my guest, i can let you eat in my restaurant..By the way, thank you sa advice, inis lang ako sa Jejemon but i respect them kanya kanyang trip lang naman…trip ko din mainis sa kanila..

    Questions: Please answer all my question..(Psychological questions to know one’s personality)

    1. Pag ikaw nag CR, ano gamit mo, tissue? o tubig?
    2. Sa public toilet, umu-upo ka ba sa aniduro?
    3. Ano prefer na gamit mo pantulog? nighty o undies?
    4. Have you tried having sex with gay? if not, do you see yourself doing it?

    Thanks..

    Ron Mcadams

    Comment by Ron Mcadams | June 25, 2010 | Reply

  14. taray mu tlg teh! kakamiz mging bata!
    kumakaen ka den ba ng nectar ng santan???
    haha
    more power k..

    Comment by tharra lopez | June 25, 2010 | Reply

  15. nice! kkaaliw bsahin! nkkatuwa! 😀 babaeng bob ong! 😀 bka mmya my book na c k! yaiy! gudluck! more power tehhh!

    Comment by yaiy!!! | June 25, 2010 | Reply

  16. Dear Teh,

    Pasok na pasok ako sa lahat ng nabanggit mo teh! Grabe ang laki ng pagkakaiba ng mga jugets noon sa mga jugets ngayon. Hay naalala ko tuloy ang glory days ko noon bilang champion ng 10-20 at chinese garter. More power teh! Paaaaaak!!!

    Comment by icebox56 | June 25, 2010 | Reply

  17. ..masarp tlgang balikan ang kabataan! (korek kah dyan teh)lalo nah ung mga bagay nah madals nyong pag-awayan nang mga kalaro! at pag naiicp mu un, matatwa kah nalng tlga!! hehehe..

    ..keep on typing ateh! Godbless and more power!

    Comment by roisa | June 25, 2010 | Reply

  18. hahaha astig ka tlga ms K….:D
    napapatawa mo tlg ko ng over hehehe very natural ang sense of humor mo….:)
    ammmm may show po kau sa naga? naga city po?

    Comment by moy | June 25, 2010 | Reply

  19. ung chubibo ba e ferris wheel o merry go round?

    im only 24.. pero pansin ko nga sa mga kabataan ngayon, konting galaw lang, ospital na agad.. e nung ako bata kahit ata kumain ako ng lupa e hindi ako nagkakasakit.. at simpleng pahinga lang e go na agad sa labas para makipaglaro ng teks o kaya laro laro ng power rangers kuno.. wahaha..

    Comment by aaron | June 25, 2010 | Reply

  20. Napasaya mo na naman ako ms k! Idol ka talga!

    Comment by Annneh | June 25, 2010 | Reply

  21. it is so true k that the younger ones of this new generations knew a lot and much further than the elders(whom much experienced from it all).. i am looking forward that this young people will be provided with good guidance and discipline so that their path will always be lead straight towards better accomplishment and may have a good manners and conduct to keep so that they may use it right though we are in the modern year of living.

    Comment by reinzsinjoy | June 26, 2010 | Reply

  22. more power tehh.. inspiring ka! wapakss

    Comment by rmlagundino | June 29, 2010 | Reply

  23. Hahaha… OMG.. True yan.. Naalala ko din nung bata pa ko sinasara ko yung pinto ng ref sabay silip at titignan kung pano namamatay ang ilaw sa loob..

    Comment by che | June 29, 2010 | Reply

  24. wapak ka jan atehhhh… ehehe though nung kapanahunan ko, chinese garter at jack stones ang tlgang uso, lalo na kapag recess nmin… hmmm… 🙂

    Comment by dhey-ayla | June 29, 2010 | Reply

  25. susmio! di ko kinaya yung palara ng yosi… super natatandaan ko yun… tapos yung isang kalaro ko nga, pinagalitan ng parents dahil dyan. di na daw umuuwi ng bahay dahil sa kakalaro namin nyan… kaloka!

    Comment by naman! | June 30, 2010 | Reply

  26. waaah i really love your blog..im following u on twitter teh hehehe..twitter id is baet67..oh teka alam ko nasa isip mo bkit hindi baet69..hehehehe..love u po ms.K sana makadalawa ka d2 sa laguna i want u to be my friend promise..God Bless

    Comment by maricel mercado | July 1, 2010 | Reply

  27. hello fren its meh again hehehe makulit ba??cnt help it but to comment hehehe kc naluluha aq sa katatawa sa pagbabasa ng blog mo..ako ang naalala ko nung bata ako..naglalaro kmi ng mga friends ko ng taya-taya sa jueteng hahaha nagtitiklop kmi ng papel na prang sa jueteng tapos tsaka kmi magkukunwari magpapataya kmi kmi rin nman hehehe…aliw factor tlga toh tEH..mahal na kita promise

    Comment by maricel mercado | July 1, 2010 | Reply

  28. aliw wapppppak uber sa kapalong palong akda na naman to teh. dekada 80 ka rin teh? sarap nung panahon na un teh noh? simple lng ang buhay. nag-aaral ako sa gabi eh lampara lang ang gamit, tas umeebak kami sa may pawid, kasi karamihan sa min walang cr, di uso cr non, tas kahit gabi nasa labas p rin naglalaro, kwento ka pa nung kabataan mas masarap un basahin, tanong ko teh ano pinakafavorite song mo nung 80s? menudo ba hahahah. wapppppppppaaaaaaaaaaaaaaak!

    Comment by jai | July 8, 2010 | Reply

  29. aliw talaga tong blog mo,nakapag-reminince tuloy ako ng kabataan ko,can’t wait na yung teleserye mo buti na lang sa abs…TFC lang kasi ang meron ako,kahit sa computer di ako nanonood ng GMA wala ako gaanong kilala doon.Nga pala una kitang nakita sa youtube,nung pinerform mo yung pagbuhos ng ulan(yata ang title nun)ni Regine Velasquez,Doon pa lang natuwa na ko sa yo,sorry huh akala ko nun pinanood kita doon bading ka,kasi karamihan sa stage comedian bading,si chokoleit,pooh,vice ganda at marami pa pero sila lang yung paborito ko,ngayon kasama ka na.Pag umuwi ako sa Pinas ,punta ako sa gig mo.

    Comment by kristina | July 18, 2010 | Reply

  30. teh..parang mas feel ko ung puro letters lang ang nakikita ko dito sa blog mo..kasi pag video minsan hindi maintindihan..tas minsan ang net ay mabagal kaya hindi ko mapanuod ng ayos..tsaka pag letters lang eh mas maiintindihan ko pa ng grave ung mga sinasabi mo..hehehe…pero go go go lang…support ko pa din ng bonggang vongga tong blog/vlog mo!!!!:D

    Comment by me.is.this.hihi. | August 4, 2010 | Reply

  31. Tama ka Ms. K. iba na nga talaga mga bata ngayon. Me, I’m 23 pa lang naman pero naabutan ko din yung time n masarap makipaglaro ng patintero, agawan base, luksong tinik, luksong baka, batuhan ng bola at kung anu-ano pa. Pati nga yung mga educational tv shows noon nakakamiss…Ngayon karamihan ng cartoons my pagkawar-freak na…Nakakalungkot…
    Ms. K sana nababasa mo mga comment ko…
    Ingats always…:-)

    Comment by samiah | October 9, 2010 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: