KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

DEAR TEH….part 5…vlog! (ginawan ng paraan!) wapaaak! :P

DAHIL TUMIRIK NA UTAK KO AT NAPUYAT DAHIL SA HINDI KO MA UPLOAD SA YOUTUBE…..SA KULTO O FAN PAGE KO SA FB NILAGAY…ETO LANG NAISIP KONG PARAAN SYET PARA MAPANOOD NYO PO! HEHE….JOIN NA RIN KAYO SA FB PAGE KO…CLICK THE LINK BELOW! WAPAAAAAAK! WHEW! NATAPOS DIN! ENJOY! 🙂

CLICK>>> #mce_temp_url#

July 25, 2010 Posted by | Uncategorized | 9 Comments

DEAR TEH…part 4 (bday special kuno!) sensya po at minadali! :)

MINADALI LANG AT BIGLAAN….HEHE…..SANA MAG ENJOY PA DIN KAYO! SALAMAT ULI SA MGA PAGBATI! WAPAAAAK! 🙂

July 15, 2010 Posted by | Uncategorized | 51 Comments

JOKE JOKE TIME ULI! :))

dahil sa wala akong magawa na naman at malamig ang panahon (anong kinalaman ng panahon??!!) ay nag compile uli ako ng mga jokes na para sa akin ay nakakatawa….hindi lang ako sure kung matatawa din kayo…hehe…basta napulot ko lang karamihan dito kung saan saan…..hindi po ako original gumawa….gusto ko lang i share….dahil dami namang natuwa sa unang compilation ko….(again galing sa mga comments nyo)…sensya na muna sa nagaabang ng “DEAR TEHHHHH” PART 4….easy lang….magagawa ko din yan! hehe….abangan!! so sa ngayon….tayo muna tumawa (assuming ako na matatawa talaga kayo noh?!) ENJOY PO!! WAPAAAAK! 🙂


Kriminal 1: Pare, sigurado ka bang dito dadaan yung papatayin natin?

Kriminal 2: Oo, nagtataka nga ako, 1 oras na tayo dito wala parin siya!

Kriminal 1: Sana naman wlang nangyaring masama sa kanya….TSK TSK!!



Patient: Magkano ang magpaface-lift?

Doctor: Complete treatment, P145000.

Patient: Ang mahal! Ano ba ang pinakamurang treatment para magmukha akong bata?

Doktor: Eto, tsupon, P20 lang! GAGO KA!




Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito?

Doktor: Oo naman. Sigurado ‘yon.

Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied?

Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.




JUAN: Pare, ang bilis kong nabuo ‘tong puzzle!

PEDRO: Talaga? Gaano kabilis?

JUAN: 5 months!

PEDRO: Tagal naman!

JUAN: Tagal ba ‘yun? Nakalagay nga dito: “for 3 years & up”!




At a funeral…

tatay: Tara na, Jinggoy. Alis na tayo!

anak: Kararating pa lang natin a!

tatay: Naku mahirap nang maiwan. Basahin mo o: “REMAINS WILL BE CREMATED.”




Tanga 1: Ano bang hinahanap mo diyan sa supot ng 3-in-1coffee…. Kanina ka pa silip nang silip diyan!!

Tanga 2: Hinahanap ko yung libreng asukal. Nakasulat kasi sa karton …”SUGAR FREE.”!




Q: Ano sa Filipino ang ‘chair’?

A: Salumpuwit!

Q: E ang ‘wheelchair’?

A: Salumpo!

Q: E ang ‘arthritis’?

A: Salompas!

Q: What about ‘vinegar’?

A: E di salumpia!

Q. Bakit ang oyster ayaw ibigay and kanyang perlas?

A: Dahil ang oyster ay shellfish




Pedro: may ka-eyebol ako mamaya.. anu kya itsura nia? kc sabi nya may kamukha daw syang celebrity!!…. “SH” ang simula ng name!!

Juan: jackpot ka, Pedro! Bka SHeri or SHaina!

(matapos ang eyebol, uwi c Pedro)

Juan: kamusta eyebol mo? Bakit ka mlungkot?? akala ko ba mukhang artista?!

Pedro: tama!! kamukha nya si…. “SHrek”!!




Ina: Anak matalino ka daw sa math sabi ng titser mo

Anak: Opo!!

Ina: sige kunwari binigyan kita ng 5 apples and 3 grapes. Ano ang sagot mo?

Anak: Thank you po!!




Nurse and the patient from mental hospital…

Nurse: Ano yang ginagawa mo??

Patient(baliw): Nagtatanim…

Nurse: Anu yang tinatanim mo.. Eh wla ka namang mga seed..

Patient(baliw): SEEDLESS NGA ‘TO!!! Adik ka ba?!?!




ANO SA TAGALOG ANG…….???

01) Contemplate – kulang ang mga pinggan

02) Punctuation – pera para maka-enrol

03) Ice Buko – nagtatanong kung ayos na ang buhok

04) Tenacious – sapatos na pang tennis

05) Calculator – tawagan kita mamaya

06) Devastation – sakayan ng bus

07) Pr otestant – Tindahan ng prutas

08] Statue – Ikaw ba yan?

09) Tissue – Ikaw nga!

10) Predicate – Pakawalan mo ang pusa

11) Dedicate – Pinatay ang pusa

12) Aspect – Pantusok o pandurog ng yelo

13) Deduct – Ang pato

14) Defeat – Ang paa (ng pato?)

15) Detail – Ang buntot (ng pato?)

16) Deposit ? Ang Gripo
(Call DIPLOMA if DEPOSIT is leaking)

17) City – Bago mag-utso; A number to follow 6

18] Cattle – Doon nakatila ang Hali at Leyna

19) Persuading – Unang Kasal

20) Depress – Ang nagkasal sa PERSUADING

22) Defense – Ginamit ng mga pangsulat sa kontrata
sa PERSUADING

23) It Depends – Kainin mo ang bakod

24) Shampoo – Bago mag-labing-isha (11)

25) Delusion – Maluwang (kapag maluwang ang damit,
eh DELUSION)

26) Delivery – Walang bayad. Kapag working lunch,
eh DELIVERY na ang tanghalian

27) Profit – Patunayan mo

28] Balance Sheet – What comes out after eating a
balance diet

29) Backlog – b acon saka egg

30) Beehive – magpakatino ka

31) CD-ROM – tingnan mo ang kwarto

32) Debug – ang ipis

33) Defrag – ang palaka

34) Defense – ang bakod

35) Defer – ang balahibo

36) Deflate – ang plato

37) Detest – ang eksamin

38] Devalue – ‘yon ang susunod sa letrang V

39) Devote – ang boto

40) Dilemma – brownout!, a!

41) Effort – ‘dun nagla-land ang efflane

42) Forums – apat na kwarto

43) July – nagsinungaling ka ba?

44) Liturgy – what comes after litur F

45) Thesis – ito ay…




A doctor was examining his patient from the Mental Hospital.

Doctor: Kung ikaw ay palabasin ngayon, ano ang gagawin mo?

Patient: Dok, titiradorin ko po ang buwan!

Doctor:Ikaw ay hindi pa pwedeng palabasin. E-examinin kita ulit pagkatapos ng anim ba buwan.

Pagkalipas ng anim na buwan….

Doctor:Kung palalabasin ka ngayon, ano ang iyong gagawin?

Patient: Doktor, ako po ay magaling na! Pagkalabas ko po ng ospital, ako po ay hahanap ng trabaho upang mamuhay ng maayos.

Doctor: Good! Pag nakahanap ka na ng trabaho, ano ang iyong gagawin?

Patient: Doktor, ako po ay manliligaw ng isang mabait, masipag at magandang babaeng pwede kong makapiling na pang habang buhay.

Doctor: (Gulat ang Doktor! Mukhang matino na ang kaniyang pasyente!) Pagkatapos niyong makasal, ano ang iyong gagawin?

Patient:Aba, Doktor, kami po ay mag-hahanimun!

Doctor: (Tanong ulit ng bilib na doktor) Ano ang iyong gagawin sa inyong hanimun?

Patient: Doktor, huhubarin ko po ang blusa at palda ng aking bagong asawa.

Doctor: Pagkatapos…?

Patient: Pagkatapos, huhubarin ko ang kaniyang bra at panty.

Doctor: Pagkatapos…?

Patient: Pagkatapos… kukunin ko lahat ng lastiko sa bra at panty at titiradorin ko ang buwan!




coming soon……DEAR TEH…….tumpaaaaak!!

K 🙂

July 13, 2010 Posted by | Uncategorized | 44 Comments

JOKE TIME!! wala lang….laftrip lang…wapaaak! :)

pahinga muna si TEH…pero wag atat at marami pang video blogs na dapat abangan…hehe…sa ngayon eto lang ang naisip ko na i-share sa inyo…compilation po ito ng mga jokes na napatawa ako ng palong palo….yung iba ay galing sa mga ka twitter ko at yung iba kung saan saan na…..siguro narinig o nabasa nyo na iba dito pero sana matawa din kayo….enjoy! wapaaaaak!

–ANAK: nay, bakit po shangrila name ni ate? NANAY: kasi sa hotel namin sha ginawa…..ANAK: eh si kuya toyota?? NANAY: kuya mo naman sa sasakyan….hay naku tigilan mo na ako ESKINITA! matulog ka na!

–Q- ano ang pagkain naa mabilis?? A– soPAS!… Q-anong pagkain ang mas mabilis??.. A:- PASta!! PASta!! nyeeee!

–KUBA: bwisit!! lagi na lang akong tinutuksong…kuba!! hmp!! makapag aral nga ng karate!!  (5 months later)….FRIEND: uyy!! ang galing galing mo ng magkarate ha! oh ano tinutukso ka pa rin bang kuba???  KUBA: hindi na!!……..NINJA TURTLE na!!

–TOOTHBRUSH: i hate my job!! ….BATHROOM TISSUE: asussss!!! yeah right!! gusto mo….palit tayo?!!

–(isang eksena magkasama ponkan at mansanas sa loob ng ref)….PONKAN: brrrrrrrr……(ngatog)…ang lamig naman dito!! gusto ko ng lumabas!! brrrrr…..grabe…sana makalabas na tayo! (sabay tingin kay mansanas)… MANSANAS:… hala!!! yung ponkan!……NAGSASALITA?!!?

–3 tanga nagsisiksikan sa maliit na kama…TANGA1: pare hindi tayo kasya bawas tayo ng isa… sa lapag nalang matulog! (bumaba si tanga 3) TANGA2: ayan pare maluwag na!!…. akyat ka na d2 !!

–ANAK: nay! galing ng teacher ko! ..NANAY: talaga? bakit naman? …ANAK: tinuruan kami ng…KAGANDAHANG ASAL…LOLA: eh di marunong ka ng gumalang at magsabi ng PO at OPO??                       ANAK: natural!! TANGA ka ba?!! ewan din sayo…..helllooooooowww?! hmp!

–BATA: pabili ng lugaw….TINDERA: may laman o wala??…BATA: syempre may laman!! pakain ko sayo ang mangkok eh!!

–BATA: pabili pong ubas….TINDERA: wala kaming ubas!! …(kinabukasan…) BATA: pabili nga pong ubas….TINDERA: wala nga kaming ubas!!..isa pang tanung.. iiistepler ko na yang bibig mo!! bwisit!..(kinabukasan…)…BATA: may istepler kayo???…TINDERA: wala…. bakit??!!….BATA: Pabiling ubas 🙂

–BOY: Sir apply akong sundalo!!….OFFICER: hindi puwede!!… ang dami mong sirang ngipin!.. bungi bungi ka pa!!….BOY: bakit sir??……ang gyera ba ngayon?……KAGATAN na?!?!

–Q and A GAMESHOW!! (parang tanga lang!)

1. Q: “Kung vegetarian ang tawag sa kumakain ng gulay, ano ang tawag sa kumakain ng tao?                                                                    A: …..”Humanitarian??”

2. Q: “Ang mga Hindu ay galing sa aling bansa?”                                                                                                                                                          A: “Hindunesia?!”

3.Q: “Ano ang tawag mo sa anak ng taong grasa?”                                                                                                                                                     A: “Baby oil?”

4.Q: “Saan karaniwang ginagawa ang mga sweets na ginagamit sa halu-halo?”                                                                                               A: “Sweetserland? “

5. Q: “Fill in the blanks – Beauty is in the eye of the ____.”                                                                                                                                        A: “Tiger?”

6. Q: “Kung ang suka ay vinegar, ano naman ang Inggles ng toyo?”                                                                                                                        A: “Baliw!”

7. Q: “Kung ang H2O ay water, ano naman ang CO2?”                                                                                                                                                A: “Cold water!”

8. Q: “Anong tawag mo sa kapatid ng nanay mo?”                                                                                                                                                         A: “Kamag-anak! “

9. Q: “Sinong higanteng G ang tinalo ni David?”                                                                                                                                                            A: “Godzilla?”

10. Q: “Ano ang mas malaki, itlog ng ibon o sanggol ng tao?”                                                                                                                                    A: “Itlog ng tao!”

–hinahanap ng mga NPA sina Juan, pedro at berting…..Nagtago sila sa sako sa bodega ng kamote…
NPA: san n kaya sila??!  hmmmmm.. baka nagtatago lang ang mga yun dito……check natin mga sako!!….

Sinipa ang sako 1
Juan: meow! meow!..
NPA: Pusa lang pala

Sinipa ang sako 2
Pedro: arf ! arf !…
NPA: aso lang pala

Sinipa pang sako 3
Berting; tahimik walang reaksyon
Sinipa ulit yung sako 3
Berting: wala ulit reaksyon
Sinipa ng sinipa ang sako 3
Berting: watdapaaaaakk!??! kamote ako….wala akong SOUND!!

–Boy: Miss may titulo ka ba?
Girl: wala bakit?
Boy: tingin ko kasi pag-aari kita
Girl: how sweet? ilang pages ka ba?
Boy: (naconfuse) bakit?
Girl: ang mo kapal kasi!!!!

–may dalawang magkapatid, si malaki at si maliit… sumulat si malaki sa kanyang tatay..

Dear Tatay,
ibili nyo po kame ng isang dosenang itlog at isang kilong baboy
ang inyong anak… malaki

inutusan ni malaki si maliit na ihatid ang sulat sa post office, habang naglalakad napaaway si maliit at ang sulat ay nagkapunit punit!!  pero pilit na binuo ang sulat sa pamamagitan ng tape para mabasa pa rin ng ama…eto kinalabasan….

Dear Baboy,
ibili nyo po kami ng isang dosenang anak at isang
kilong tatay.
ang inyong itlog… malaki

–Sa sabungan walang entrance fee ang may dalang panabong….eh walang pera si juan kaya naisip nya para makalibre pumasok sha na may dalang sisiw….

Bantay: hoy!! …ano yan?
Juan: (galit pa) ..manok!! bakit?
Bantay: alam ko!!.. eh bakit sisiw??
Juan: helleeeeeerr?? may laban ang ama niya siyempre… moral support!!.. tanga!!!

–Nanay: nak lutuin mo na yung sardinas..
AnaK: kakaliskisan ko po ba?
Nanay: tanggalin mo na rin ang hasang ng masulit ang katangahan mo hayup ka!!!

–Rod: Bakit badtrip ka ?
Harry: nagtampo skin ang u2l q.
Rod: Bakit naman?
Harry: nakalimutan ko kasi ang birthday nya
Rod: yun lang? anong masama run?
Harry: ang masam run…..Twins kami!!! TWINS!!!!!

–Bitoy: “Dagul, bakit ang pandak mo?”
Dagul: “Kasi, bata pa lang ako, ulila na ako. ”
Bitoy: “Anong kaugnayan nun sa pagiging pandak mo?”
Dagul: “Sira pala ulo mo! Wala ngang nagpalaki sa akin!!! ”

AYAN….sa sususnod na iba….na haggard nako….sana natawa naman kayo kahit very very light lang!! hehe…..hanggang sa muli…..smile!!  wapaaaaaaak! 🙂                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                             K 🙂

July 10, 2010 Posted by | Uncategorized | 37 Comments

DEAR TEHHHHHH…season 2 part 3..the video blog! (on the road!) :)

sensya na……napagtripan kong mag VLOG sa sasakyan! wapaaaak! enjoy pa rin! :)

July 6, 2010 Posted by | Uncategorized | 39 Comments

DEAR TEH…..vblog…SEASON 2 part 2 naaahhh! :)

dapat every “episode…kakaiba! wapaaaaak! hehe…enjoy!! 🙂

July 2, 2010 Posted by | Uncategorized | 40 Comments