KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

DEAR…mga wapaksters at lahat na kayong mga ka-kulto ko o kahit nakikibasa lang :)

ngayon ay kasalukuyang tulala ako kaya naisipan kong magsulat….hindi na muna video blog para sa dear tehhhh…pero wag mangamba (syet lalim!) natural hindi pa tapos ang series na yan….mag kwentuhan muna tayo…..ano ba uunahin ko….hmmmm… oh well, friday night ngayon at hindi ako gumimik, nakakapagod din, pero share ko lang sa inyo mga palong palong eksena sa REPUBLIQ (the PLACE TO BE!)….ganda at laki ng lugar, nakakamayaman! dapat todo outfit mo at ayos kc halos lahat pinaghandaan ang itsura pag nakita mo….napansin ko lang, sa tuwing pupunta ako don ay may mga mangilan ngilan akong nakilalang AFAM! o foreigner! oo may asim pako syet! OMG!! (Oo May Ganon!!) OMG!!! kaso….hindi ko ma gets bakit puro taga middle east ang mga nagpapakilala saken (alam ko prang sex and the city 2 arrive ng tehhhh nyo! hehe)…mukha ba akong CACTUS O CAMEL?! d ko gets…..wala lng na share ko lang….anyways dami ding artista (may matitino at umiinom lang at meron ding nagwawala AT…. ooppppsss sensya….d ko sasabihin!!) anyways, basta favorite ko shang puntahan ngayon kc super enjoy kami ng mga friends ko (natural FRIENDS kasama ko alangan naman KAAWAY isama ko?! ayy wala pla akong kaaway… hehe)… at bagamat may mga nakilala ako….eto….single pa rin! sensya sobrang chooooooosssyy!! hehe…AYAN promote talaga ako ng republiq! pero pramis go kayo…ang saya! 🙂

IDOL– sept 6 na po!! sobrang proud ako na maging bahagi ng kantaserye na ito in a major major way! ang babait ng cast at staff (wlang etchos yan!) wala akong masabi kundi…..wapaaaaaaak! lalo na sa ating bida na si sarah geronimo…napakabait na bata, sweet! at daming mababait na fans! (POPSTERS!) na nakilala ko ang iba sa set….may ganon palang fan?! yung isa talagang lumuluwas ng maynila galing LALAWIGAN (ang lalim na nman! syet!) para lang makita si sarah…at nakakatuwa kc pati ako nadamay na rin sa pagmamahal nila sa IDOL nila….syempre may WAPAKSTERS! (d nga lang OFFICIAL na fans club ko yan…hayaan nyo na! basta KULTO ko yan! wapaaak!) at ngayon….dahil binakas nila ako sa popsters….may WAPOPSTERS!! o di ba?! OMG!! (OO May Ganon!!) ahihihi…ang sweet…dahil jan salamat sa inyo!…anyways…kaabang abang talaga ang IDOL! grabe! all in one na! at naranasan kong maipitan ng ugat sa isang “production number” na ginawa ko! kaya sana suportahan nyo po… 🙂

sa twitter meron ding mga HATERS….yung prang galit sa artista…..o well…it is impossible to please everybody kaya naman tanggap ko na yon….ang “pinapatulan” ko lang minsan ay yung mga nangingialam sa tweets ko o yung nagsasabi na hindi raw ako PAMBATA o  d WHOLESOME  yung the way i tweet or even the way i write d2 sa blog….ang masasabi ko lang ay……watdaaaapaaakk?! paaaaakingsyet! anakngpuchaaaaa naman! hehe….ang dali nman solusyunan yon…..eh di UNFOLLOW….wala nman sapilitan! kahit sa mga pinapanood nyo sa tv…kung ayaw nyo, eh d….CLICK! hawak nyo remote eh…. at ako naman ay nagiging TOTOO lamang….kung pano ako mag tweet o magsulat or even mag perform sa stage ay NATURAL ko na…pero BINABAGAYAN po ang lahat ng mga bagay…at alam ko na hindi ako pang BATA…ano ako si……JOLLIBEE?!!…sensya na pero itong “kind ng entertainment” nato ay ang syang bumuhay at patuloy na bumubuhay sa amin ng anak ko, wether u like it….or else! ehehehehe….although sa tv tame dapat o sa ibang shows ko…ok naman nagagawa ko naman….in fairness naman to me!…pero pag personal ko na tulad ng tweets ko o itong maderpaker kong blog..dapat wlang pakialaman! kayo na nga lang tong nakikibasa eh….charozzzzzzzz pempengkoooo!! hehe…at hindi naman porke maingay ako o “palamura” na tao eh masama na…at hindi ko to pinagmamalaki o sinasabing gayahin lalo na ng mga MINOR MINORS jan…no MAJOR MAJOR way!! wapaaaaak!…..sana lang maging maganda pa rin akong ehemplo sa iba, wag ibase sa bibig ko o pagiging balahura ko pero sa mga nalagpasan kong mga matitinding pagsubok…na kahit ano pa man ang nangyari o mangyayari….eto…napapatawa ko pa kayo (EWAN KO LANG LAHAT!) at nananatiling nakatayo at matapang at NAKATAWA! yun sana ang maaalala nyo saken ( oh syet prang papanaw nako!! knock on wood! joke!) masaya dapat lagi….pag sinabing K BROSAS….ayy si WAAPAAAAAAK! si TEHHHH…..yung makulit at napapatawa ako sa twitter!! yung may nakakatuwang DEAR TEHHH…si ewan din SYET! ehehehehe…yun lang…..

ayan, kung ano ano lang nasabi ko….again maraming salamat po….at abangan pa rin ang DEAR TEHHHH video blog, tuloy nyo lang po magpadala ng liham d2 sa comments…..at syempre ang palong palong IDOL!! SMILE!! wapaaaaaaak! i thank u! bow! hemweehhhh! hemwehhhhh! 🙂                                                                                                                                                                                                                                                                                                                       K 🙂

Advertisements

August 27, 2010 Posted by | Uncategorized | 40 Comments

DEAR tehhhhhh….season 3 part 2 closet edition!….wapaaak! :)

sensya na mejo natagalan bago nasundan…..hetooooooo naaaaa…….sana ma enjoy nyo! wapaaaak! 🙂

August 19, 2010 Posted by | Uncategorized | 22 Comments

knock knock?? joke time! (compilation uli!) :)

dahil nagpapaantok ako…eto na naman ako….lumikot ang kamay (prang klepto lang ha! hehe)….hindi po ako nakaisip nito…yung iba ay galing sa tweets nyo…iba galing sa friends, iba mga classic na…at yung iba kung san san ko lang nakuha…again, sensya na kung wala pang…DEAR TEHHHH…..hayaan nyo, paghahandaan ko yan at sana i pray nyo rin kasabay ko na matuloy yung offer na maging part ako sa isang radio show pra mas masaya dba?? DEAR TEH…SA RADIO?? imagine! ang saya non pag nagkataon kc LIVE ang pagsagot ko sa mga “liham” …exciting…sana matuloy po…anyways….eto na muna ang ating pagtawanan (ayun assuming na nman ako na matatawa kyo noh!)….mga KNOCK KNOCK JOKES NA PALONG PALO! enjoy! 🙂 (by the way…kung tinweet nyo yung joke, syempre lalagay ko name yo!) 🙂

KNOCK KNOCK???…WHO’S THERE…..(sana kantahin nyo para mas epektib! wapaak!)

from @onlyShing –DIFFERENCE, DIFFERENCES…(love story song)–YOu’ll be Difference and I’ll be Differences…It’s a Love story..baby just say Yes!

from @pumbaaxp–ANG ENGLISH NG BATO AY…(pyramid song)(intro)…stones….ang english ng bato ay stones!

from @arbielonzaga–DULING SI AGA–(mag excersise tayo)…mag excersise tyo duling si aga..duling si aga…duling si aga!

from @chukaroo11–COCA COLA LASAGNA–(kung ako na lang sana)…coca cola lasagna ang iyong minahal…di ka na muling magiisa!

from @jilianbautista–SAGING BANANA CUE–(luha aegis)..akala ko ikaw ay saging, banana cue sa aking paningin!

from @triflernomore–CHUVANEZ–(irreplaceable beyonce) chuvanez chuvanez, everything u own in the box chuvanez!

eto pa iba…..

RUSSIAN PATAY–(cant help falling inlove)–wise men cant say, only fools russian, patay cant help, falling inlove with u!

MELON KANGKONG MAIS GULAMAN TALONG–(nandito ako ogie a.)– melon kangkong mais gulaman, maari bang mag talong..

DINA BONEVIE GARY V–(spice girls)–dina bonevie my lover…you gary v with my friends..

NEW ZEALAND–(anak)…new zealand ka sa mundong ito..laking tuwa ng magulang mo…

EDU MANZANO SIXTEEN–(greatest love of all)–i decided long ago never to walk with edu manzano..if i fail if im sixteen..

JOHN LENNON–(lean on me) INTRO–john, john john john john..john john john john john….lennon me! when ur not strong…

AMOY KAPENG–(tic toc)–amoy kapeng the morning feeling like p. d!

JAVELIN–(laklak) rakrakan naaaa! javelin bilinan ng lola! wag ng uminom ng serbesa!!

LAPIS–(incomplete)–without u girl my lapis incomplete!!

IM A FRIEND–(fallin)–im a friend to fly…and i dont know why…

ITS YOUR LOST–(time after time) its your lost and u will find me…time after time!

TAGABITBIT PUTOBUNGBONG–(black eyed peas)–tagabitbit! tagabitbit! tagabitbit! putobungbong, putobungbong! tagabitbit bit bit bit!

MAMANG TULALA–(lady gaga) –rah rah rah ah ah….mamang tulala…gaga uh lala…want ur bad romance!

SOON TO OPEN PAN DE MANILA BIGLANG NAGSARA (ricky martin)– uno dos tres…soon to open pan de manila..uno dos tres…biglang nagsara!!

MAY KUMAWAY–(thousand miles ata?? hehe)–may kumaway downtown walking fast, faces past and im homebound..

LASLAS EYEBALL READY STOLEN–(hush hush PCD)–i dont want u! theres nothing left to say..laslas laslas! eyeball ready stolen! our love is broken. baby hush hush!

NIDO GATAS ALASKA–(with you chris brown) i nido boo..i gatas see u boo..and alaska over the world tonight..said alaska over the world tonight!!

MAONG NA BLUE–(my boo)–you will always be my boo…maong! maong! na blue!! maong maong! na blueeee!!

CIVIL WAR–(campaign ad)–civil war ang tunay na mahirap…civil war ang tunay na malasakit!!

ayaaaaaan!! sana kahit papano natawa kyo…dami pa kaso antok nko..hehe..kung meron pa kyong alam, mag lagay na lang po sa comments…smile! wapaaak! hanggang sa muli eto ang minsan corny pero pilit na pinapasaya kyo na si….TEHHHHH!…..            K 🙂

August 9, 2010 Posted by | Uncategorized | 26 Comments

ano ba latest kay K BROSAS? (D po eto joketime…updates lng sa kaganapan sa buhay ko :)

pahinga muna sa ngayon lang naman ang ….DEAR TEHHHH…pero wag mag alala, lalo na sa mga walang kadala-dalang mga sumusubaybay dahil matagal pa ang tatakbuhin ng “series” na yan…kakabugin ko ang FRIENDS na series! (10yrs yon nag run ha! prang d ko pla keri! syet! hehe)…gusto ko lang magsulat ngayon at balitaan po kyo sa mga bagong kaganapan sa buhay ko…so eto na…..ano ba ang bago kay K BROSAS??…..hmmmmm…..uhmmm….WALA!! …charozzzz pempengko! ehehehe… well….im so proud to be a part ng IDOL….sobrang kaabang abang talaga yang bagong KANTASERYE ng abs…palong palo ang cast! sarah geronimo, sam milby, coco martin, zsa zsa padilla, agot isidro, jessa zaragosa..at marami pang iba…hindi sya basta basta lang…may drama, comedy (ehem!!), may singing at dancing pa! san ka pa?? wapak na wapak talaga! at ang masaya sa lahat ay masaya kami on the set lage…kahit kakapagod aaminin ko pero lahat mababait at walang mga reklamo ang cast at production staff kaya sarap magtrabaho.. 🙂

so yon ang bago kong project with abs….sa september na po yan papalabas!…ano pa??….eto mejo natuwa na mejo kinakabahan ako….may intresadong “tabloid” na gustong gawin ang DEAR TEH, pra mabasa ng mga readers nila, well, hindi pa confirmed…pero kaka-excite na rin kc imagine?? nasa dyaryo na sya at malamang dadami pa lalo ang magpapadala ng “liham” at mas mababasa ng masa!…..ako na ba ang bagong….XEREX?? hehehe…(prang d nman puro sa sex lang advices ko)…pero if ever matuloy, kakaibang experience para sa akin yon…at ang tanging dahilan kaya ginawa ko ang DEAR TEH series ay pra makapag bigay saya sa tao at sana….sana makatulong din…lagi kong binabasa mga comments…at grabe!! sobrang nakakataba ng puso ang appreciation nyo…kaya nga hindi ko sya matigilan eh….malay natin…after maging column (hoy! d pa sure!)…baka tv show na kasunod! (wag masyadong umasa! hehe)…pero d masamang mangarap…. 🙂

november…..magkakaroon ako ng major concert sa music museum…..na ganito kaaga pa lng ay pinagiisipan na namin kung anong “bago” ang pwede kong gawin na pasabog at wapak na wapak!! so super research ako sa mga bagong ideas…sana lang suportahan nyo din….exciting yon! 🙂

pelikula???……may offer pero syempre. hanggat d pako nag sho-shooting ay wala pang kasiguraduhan…ang wish ko lang nman pag napasali uli ako sa pelikula…ayy…sana mas maraming exposure….yung hindi lang napadaan lang sa camera! hehe..joke!..basta mapasali ako sa kahit na anong movie project..ok na yon! (sana lang talaga may matuloy po) …siguro malayo o even malabo na mabigyan ako ng pelikula kung saan ako ang bida…but then again….walang masamang mangarap! 🙂

lovelife??……PASS!!.. bwahahahaha! syempre d ko priority yan…work pa din!..pero kung ibibgay ni lord bilang bonus…why not! pero darating din yan….kung hindi man…tanggap ko na, na tatanda akong dalaga! (knock on wood) hehehe…its never too late pra sa pag ibig…tandaan nyo po yan! 🙂

family??….sa august 24….mayron na akong teenager! 13th bday yan ng kaiisa isa kong anak na pinaghuhugutan ko ng lakas, ang rason ng aking pagsusumikap magisa, at ang inspiration ko araw araw na si CRYSTAL…(minsan inuubos naman nya pasensya ko dahil nagdadalaga na nga!) GEEEEZZZZ….how time flies….parang kelan lang…fetus lang sya…ngayon 5’6 na….tangkad na bata at syempre…very pretty…parang ako….PRETTY…HAGGARD!! hehehe.. 🙂

so ayan lang po ang bago sa buhay ko ngayon…..sorry kung hindi patawa o joke time o DEAR TEH naisulat ko ngayon…assuming lang ako na intresado kyo sa nangyayari sa buhay ko…pwede naman maging serious paminsan minsan….SALAMAT po uli sa inyong lahat…abangan ang bagong DEAR TEH…(d ko pa lam kung kelan uli….basta sure madami pa yan…) hanggang sa muli….pray ko lage na matuloy lahat ng mga naka “pending” na pagkakaabalahan…kung d man matuloy…im still super blessed and thankful! IDOL ang sure na sure na….and i think (i hope) matuwa kayo sa role ko…at concert sa november! eto ang inyong nagmamahal at rumerespeto  (galang ha!)—-TEHHHH….. Wapaaaak!          K 🙂

August 5, 2010 Posted by | Uncategorized | 28 Comments

DEAR TEH…season 3 na! syet! wapaaaak! :)

dahil hindi pa ako nakatulog agad…eto na upload ko! kaso hindi ko sya ma upload mula sa laptop ko papuntang youtube (ewan ko kung anong problema punyeta! hehe) kaya ginawan ko ng paraan pra sa youtube pa rin mapunta…basta syet! sensya na kung mejo malabo po…pero feeling ko naman maiintindihan nyo….hope ma enjoy nyo pa rin po! wapaaaak! 🙂

August 2, 2010 Posted by | Uncategorized | 20 Comments