KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

ano ba latest kay K BROSAS? (D po eto joketime…updates lng sa kaganapan sa buhay ko :)

pahinga muna sa ngayon lang naman ang ….DEAR TEHHHH…pero wag mag alala, lalo na sa mga walang kadala-dalang mga sumusubaybay dahil matagal pa ang tatakbuhin ng “series” na yan…kakabugin ko ang FRIENDS na series! (10yrs yon nag run ha! prang d ko pla keri! syet! hehe)…gusto ko lang magsulat ngayon at balitaan po kyo sa mga bagong kaganapan sa buhay ko…so eto na…..ano ba ang bago kay K BROSAS??…..hmmmmm…..uhmmm….WALA!! …charozzzz pempengko! ehehehe… well….im so proud to be a part ng IDOL….sobrang kaabang abang talaga yang bagong KANTASERYE ng abs…palong palo ang cast! sarah geronimo, sam milby, coco martin, zsa zsa padilla, agot isidro, jessa zaragosa..at marami pang iba…hindi sya basta basta lang…may drama, comedy (ehem!!), may singing at dancing pa! san ka pa?? wapak na wapak talaga! at ang masaya sa lahat ay masaya kami on the set lage…kahit kakapagod aaminin ko pero lahat mababait at walang mga reklamo ang cast at production staff kaya sarap magtrabaho.. 🙂

so yon ang bago kong project with abs….sa september na po yan papalabas!…ano pa??….eto mejo natuwa na mejo kinakabahan ako….may intresadong “tabloid” na gustong gawin ang DEAR TEH, pra mabasa ng mga readers nila, well, hindi pa confirmed…pero kaka-excite na rin kc imagine?? nasa dyaryo na sya at malamang dadami pa lalo ang magpapadala ng “liham” at mas mababasa ng masa!…..ako na ba ang bagong….XEREX?? hehehe…(prang d nman puro sa sex lang advices ko)…pero if ever matuloy, kakaibang experience para sa akin yon…at ang tanging dahilan kaya ginawa ko ang DEAR TEH series ay pra makapag bigay saya sa tao at sana….sana makatulong din…lagi kong binabasa mga comments…at grabe!! sobrang nakakataba ng puso ang appreciation nyo…kaya nga hindi ko sya matigilan eh….malay natin…after maging column (hoy! d pa sure!)…baka tv show na kasunod! (wag masyadong umasa! hehe)…pero d masamang mangarap…. 🙂

november…..magkakaroon ako ng major concert sa music museum…..na ganito kaaga pa lng ay pinagiisipan na namin kung anong “bago” ang pwede kong gawin na pasabog at wapak na wapak!! so super research ako sa mga bagong ideas…sana lang suportahan nyo din….exciting yon! 🙂

pelikula???……may offer pero syempre. hanggat d pako nag sho-shooting ay wala pang kasiguraduhan…ang wish ko lang nman pag napasali uli ako sa pelikula…ayy…sana mas maraming exposure….yung hindi lang napadaan lang sa camera! hehe..joke!..basta mapasali ako sa kahit na anong movie project..ok na yon! (sana lang talaga may matuloy po) …siguro malayo o even malabo na mabigyan ako ng pelikula kung saan ako ang bida…but then again….walang masamang mangarap! 🙂

lovelife??……PASS!!.. bwahahahaha! syempre d ko priority yan…work pa din!..pero kung ibibgay ni lord bilang bonus…why not! pero darating din yan….kung hindi man…tanggap ko na, na tatanda akong dalaga! (knock on wood) hehehe…its never too late pra sa pag ibig…tandaan nyo po yan! 🙂

family??….sa august 24….mayron na akong teenager! 13th bday yan ng kaiisa isa kong anak na pinaghuhugutan ko ng lakas, ang rason ng aking pagsusumikap magisa, at ang inspiration ko araw araw na si CRYSTAL…(minsan inuubos naman nya pasensya ko dahil nagdadalaga na nga!) GEEEEZZZZ….how time flies….parang kelan lang…fetus lang sya…ngayon 5’6 na….tangkad na bata at syempre…very pretty…parang ako….PRETTY…HAGGARD!! hehehe.. 🙂

so ayan lang po ang bago sa buhay ko ngayon…..sorry kung hindi patawa o joke time o DEAR TEH naisulat ko ngayon…assuming lang ako na intresado kyo sa nangyayari sa buhay ko…pwede naman maging serious paminsan minsan….SALAMAT po uli sa inyong lahat…abangan ang bagong DEAR TEH…(d ko pa lam kung kelan uli….basta sure madami pa yan…) hanggang sa muli….pray ko lage na matuloy lahat ng mga naka “pending” na pagkakaabalahan…kung d man matuloy…im still super blessed and thankful! IDOL ang sure na sure na….and i think (i hope) matuwa kayo sa role ko…at concert sa november! eto ang inyong nagmamahal at rumerespeto  (galang ha!)—-TEHHHH….. Wapaaaak!          K 🙂

Advertisements

August 5, 2010 Posted by | Uncategorized | 28 Comments