KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

DEAR…mga wapaksters at lahat na kayong mga ka-kulto ko o kahit nakikibasa lang :)

ngayon ay kasalukuyang tulala ako kaya naisipan kong magsulat….hindi na muna video blog para sa dear tehhhh…pero wag mangamba (syet lalim!) natural hindi pa tapos ang series na yan….mag kwentuhan muna tayo…..ano ba uunahin ko….hmmmm… oh well, friday night ngayon at hindi ako gumimik, nakakapagod din, pero share ko lang sa inyo mga palong palong eksena sa REPUBLIQ (the PLACE TO BE!)….ganda at laki ng lugar, nakakamayaman! dapat todo outfit mo at ayos kc halos lahat pinaghandaan ang itsura pag nakita mo….napansin ko lang, sa tuwing pupunta ako don ay may mga mangilan ngilan akong nakilalang AFAM! o foreigner! oo may asim pako syet! OMG!! (Oo May Ganon!!) OMG!!! kaso….hindi ko ma gets bakit puro taga middle east ang mga nagpapakilala saken (alam ko prang sex and the city 2 arrive ng tehhhh nyo! hehe)…mukha ba akong CACTUS O CAMEL?! d ko gets…..wala lng na share ko lang….anyways dami ding artista (may matitino at umiinom lang at meron ding nagwawala AT…. ooppppsss sensya….d ko sasabihin!!) anyways, basta favorite ko shang puntahan ngayon kc super enjoy kami ng mga friends ko (natural FRIENDS kasama ko alangan naman KAAWAY isama ko?! ayy wala pla akong kaaway… hehe)… at bagamat may mga nakilala ako….eto….single pa rin! sensya sobrang chooooooosssyy!! hehe…AYAN promote talaga ako ng republiq! pero pramis go kayo…ang saya! 🙂

IDOL– sept 6 na po!! sobrang proud ako na maging bahagi ng kantaserye na ito in a major major way! ang babait ng cast at staff (wlang etchos yan!) wala akong masabi kundi…..wapaaaaaaak! lalo na sa ating bida na si sarah geronimo…napakabait na bata, sweet! at daming mababait na fans! (POPSTERS!) na nakilala ko ang iba sa set….may ganon palang fan?! yung isa talagang lumuluwas ng maynila galing LALAWIGAN (ang lalim na nman! syet!) para lang makita si sarah…at nakakatuwa kc pati ako nadamay na rin sa pagmamahal nila sa IDOL nila….syempre may WAPAKSTERS! (d nga lang OFFICIAL na fans club ko yan…hayaan nyo na! basta KULTO ko yan! wapaaak!) at ngayon….dahil binakas nila ako sa popsters….may WAPOPSTERS!! o di ba?! OMG!! (OO May Ganon!!) ahihihi…ang sweet…dahil jan salamat sa inyo!…anyways…kaabang abang talaga ang IDOL! grabe! all in one na! at naranasan kong maipitan ng ugat sa isang “production number” na ginawa ko! kaya sana suportahan nyo po… 🙂

sa twitter meron ding mga HATERS….yung prang galit sa artista…..o well…it is impossible to please everybody kaya naman tanggap ko na yon….ang “pinapatulan” ko lang minsan ay yung mga nangingialam sa tweets ko o yung nagsasabi na hindi raw ako PAMBATA o  d WHOLESOME  yung the way i tweet or even the way i write d2 sa blog….ang masasabi ko lang ay……watdaaaapaaakk?! paaaaakingsyet! anakngpuchaaaaa naman! hehe….ang dali nman solusyunan yon…..eh di UNFOLLOW….wala nman sapilitan! kahit sa mga pinapanood nyo sa tv…kung ayaw nyo, eh d….CLICK! hawak nyo remote eh…. at ako naman ay nagiging TOTOO lamang….kung pano ako mag tweet o magsulat or even mag perform sa stage ay NATURAL ko na…pero BINABAGAYAN po ang lahat ng mga bagay…at alam ko na hindi ako pang BATA…ano ako si……JOLLIBEE?!!…sensya na pero itong “kind ng entertainment” nato ay ang syang bumuhay at patuloy na bumubuhay sa amin ng anak ko, wether u like it….or else! ehehehehe….although sa tv tame dapat o sa ibang shows ko…ok naman nagagawa ko naman….in fairness naman to me!…pero pag personal ko na tulad ng tweets ko o itong maderpaker kong blog..dapat wlang pakialaman! kayo na nga lang tong nakikibasa eh….charozzzzzzzz pempengkoooo!! hehe…at hindi naman porke maingay ako o “palamura” na tao eh masama na…at hindi ko to pinagmamalaki o sinasabing gayahin lalo na ng mga MINOR MINORS jan…no MAJOR MAJOR way!! wapaaaaak!…..sana lang maging maganda pa rin akong ehemplo sa iba, wag ibase sa bibig ko o pagiging balahura ko pero sa mga nalagpasan kong mga matitinding pagsubok…na kahit ano pa man ang nangyari o mangyayari….eto…napapatawa ko pa kayo (EWAN KO LANG LAHAT!) at nananatiling nakatayo at matapang at NAKATAWA! yun sana ang maaalala nyo saken ( oh syet prang papanaw nako!! knock on wood! joke!) masaya dapat lagi….pag sinabing K BROSAS….ayy si WAAPAAAAAAK! si TEHHHH…..yung makulit at napapatawa ako sa twitter!! yung may nakakatuwang DEAR TEHHH…si ewan din SYET! ehehehehe…yun lang…..

ayan, kung ano ano lang nasabi ko….again maraming salamat po….at abangan pa rin ang DEAR TEHHHH video blog, tuloy nyo lang po magpadala ng liham d2 sa comments…..at syempre ang palong palong IDOL!! SMILE!! wapaaaaaaak! i thank u! bow! hemweehhhh! hemwehhhhh! 🙂                                                                                                                                                                                                                                                                                                                       K 🙂

Advertisements

August 27, 2010 Posted by | Uncategorized | 40 Comments