KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

DEAR…mga wapaksters at lahat na kayong mga ka-kulto ko o kahit nakikibasa lang :)

ngayon ay kasalukuyang tulala ako kaya naisipan kong magsulat….hindi na muna video blog para sa dear tehhhh…pero wag mangamba (syet lalim!) natural hindi pa tapos ang series na yan….mag kwentuhan muna tayo…..ano ba uunahin ko….hmmmm… oh well, friday night ngayon at hindi ako gumimik, nakakapagod din, pero share ko lang sa inyo mga palong palong eksena sa REPUBLIQ (the PLACE TO BE!)….ganda at laki ng lugar, nakakamayaman! dapat todo outfit mo at ayos kc halos lahat pinaghandaan ang itsura pag nakita mo….napansin ko lang, sa tuwing pupunta ako don ay may mga mangilan ngilan akong nakilalang AFAM! o foreigner! oo may asim pako syet! OMG!! (Oo May Ganon!!) OMG!!! kaso….hindi ko ma gets bakit puro taga middle east ang mga nagpapakilala saken (alam ko prang sex and the city 2 arrive ng tehhhh nyo! hehe)…mukha ba akong CACTUS O CAMEL?! d ko gets…..wala lng na share ko lang….anyways dami ding artista (may matitino at umiinom lang at meron ding nagwawala AT…. ooppppsss sensya….d ko sasabihin!!) anyways, basta favorite ko shang puntahan ngayon kc super enjoy kami ng mga friends ko (natural FRIENDS kasama ko alangan naman KAAWAY isama ko?! ayy wala pla akong kaaway… hehe)… at bagamat may mga nakilala ako….eto….single pa rin! sensya sobrang chooooooosssyy!! hehe…AYAN promote talaga ako ng republiq! pero pramis go kayo…ang saya! 🙂

IDOL– sept 6 na po!! sobrang proud ako na maging bahagi ng kantaserye na ito in a major major way! ang babait ng cast at staff (wlang etchos yan!) wala akong masabi kundi…..wapaaaaaaak! lalo na sa ating bida na si sarah geronimo…napakabait na bata, sweet! at daming mababait na fans! (POPSTERS!) na nakilala ko ang iba sa set….may ganon palang fan?! yung isa talagang lumuluwas ng maynila galing LALAWIGAN (ang lalim na nman! syet!) para lang makita si sarah…at nakakatuwa kc pati ako nadamay na rin sa pagmamahal nila sa IDOL nila….syempre may WAPAKSTERS! (d nga lang OFFICIAL na fans club ko yan…hayaan nyo na! basta KULTO ko yan! wapaaak!) at ngayon….dahil binakas nila ako sa popsters….may WAPOPSTERS!! o di ba?! OMG!! (OO May Ganon!!) ahihihi…ang sweet…dahil jan salamat sa inyo!…anyways…kaabang abang talaga ang IDOL! grabe! all in one na! at naranasan kong maipitan ng ugat sa isang “production number” na ginawa ko! kaya sana suportahan nyo po… 🙂

sa twitter meron ding mga HATERS….yung prang galit sa artista…..o well…it is impossible to please everybody kaya naman tanggap ko na yon….ang “pinapatulan” ko lang minsan ay yung mga nangingialam sa tweets ko o yung nagsasabi na hindi raw ako PAMBATA o  d WHOLESOME  yung the way i tweet or even the way i write d2 sa blog….ang masasabi ko lang ay……watdaaaapaaakk?! paaaaakingsyet! anakngpuchaaaaa naman! hehe….ang dali nman solusyunan yon…..eh di UNFOLLOW….wala nman sapilitan! kahit sa mga pinapanood nyo sa tv…kung ayaw nyo, eh d….CLICK! hawak nyo remote eh…. at ako naman ay nagiging TOTOO lamang….kung pano ako mag tweet o magsulat or even mag perform sa stage ay NATURAL ko na…pero BINABAGAYAN po ang lahat ng mga bagay…at alam ko na hindi ako pang BATA…ano ako si……JOLLIBEE?!!…sensya na pero itong “kind ng entertainment” nato ay ang syang bumuhay at patuloy na bumubuhay sa amin ng anak ko, wether u like it….or else! ehehehehe….although sa tv tame dapat o sa ibang shows ko…ok naman nagagawa ko naman….in fairness naman to me!…pero pag personal ko na tulad ng tweets ko o itong maderpaker kong blog..dapat wlang pakialaman! kayo na nga lang tong nakikibasa eh….charozzzzzzzz pempengkoooo!! hehe…at hindi naman porke maingay ako o “palamura” na tao eh masama na…at hindi ko to pinagmamalaki o sinasabing gayahin lalo na ng mga MINOR MINORS jan…no MAJOR MAJOR way!! wapaaaaak!…..sana lang maging maganda pa rin akong ehemplo sa iba, wag ibase sa bibig ko o pagiging balahura ko pero sa mga nalagpasan kong mga matitinding pagsubok…na kahit ano pa man ang nangyari o mangyayari….eto…napapatawa ko pa kayo (EWAN KO LANG LAHAT!) at nananatiling nakatayo at matapang at NAKATAWA! yun sana ang maaalala nyo saken ( oh syet prang papanaw nako!! knock on wood! joke!) masaya dapat lagi….pag sinabing K BROSAS….ayy si WAAPAAAAAAK! si TEHHHH…..yung makulit at napapatawa ako sa twitter!! yung may nakakatuwang DEAR TEHHH…si ewan din SYET! ehehehehe…yun lang…..

ayan, kung ano ano lang nasabi ko….again maraming salamat po….at abangan pa rin ang DEAR TEHHHH video blog, tuloy nyo lang po magpadala ng liham d2 sa comments…..at syempre ang palong palong IDOL!! SMILE!! wapaaaaaaak! i thank u! bow! hemweehhhh! hemwehhhhh! 🙂                                                                                                                                                                                                                                                                                                                       K 🙂

Advertisements

August 27, 2010 - Posted by | Uncategorized

40 Comments »

  1. infarness bongga ang pag plug mo sa Republiq., dapat mapuntahan na yan! salamat! 🙂

    Comment by qawen hai | August 27, 2010 | Reply

  2. more power to you! looking forward to seeing you on IDOL! i know it’ll be a very good show. good luck. =) continue inspiring people. continue being an inspiration. i already have two entries in my blog on how awesome you are. you really are hilarious. looking forward to seeing you perform live as well. where can we see you aside from zirkoh greenhills?

    Comment by aangron | August 27, 2010 | Reply

  3. Hello,

    Thanks for sharing..Its true you can’t please everyone..As long as your not hurting anyone.AYOS na yun!!hehe Good Luck and God Bless

    Comment by laer96 | August 27, 2010 | Reply

  4. I hope hindi ka magsawang magpatawa sa amin. Mahal na mahal ka namin teh..Ignore mo lang yung mga nega dyan, kokonti lang naman sila. ang mahalaga marami kaming napapasaya mo.

    Comment by jasmine1657 | August 27, 2010 | Reply

  5. dear teh,

    aliw na aliw na aliw po ako sa inyo. 😀
    astig ka! pinapasaya mo ang mg aofw na kagaya ko! mabuhay ka kabayang k!

    nakita nga pala kita noon sa compound nggma noong nagbakasakali kaming mag-apply ng trabaho doon ng batchmate ko. angganda moooooooooooooooooo teh! haha

    panalo ka!

    Comment by samjuan | August 27, 2010 | Reply

  6. Sana mapadalaw kayo sa amerika at mapanoodko kayo miss k

    Comment by samjuan | August 27, 2010 | Reply

  7. excited na ko teh mapanood ang IDOL! God bless teh!!!!

    Comment by jenny | August 28, 2010 | Reply

  8. Ms K, di nyo naman sinagot tanong ko sa Twitter eh. Ano nga po size ng paa nyo in UK? Para pag uwi ko sa pinas eh isang linggong nakamamatay ng 6 inch heels lagi suot nyo in a MAJOR MAJOR way…

    wag mo na intindihin yang mga naninira sayo Idol. Mga panget yang mga yan. =D

    Halabshu!

    Comment by Glydix | August 28, 2010 | Reply

  9. idol talaga kita grabe!!! sobrang totoong tao ka at nakakapagpasaya ka sa mga taong tulo ang luha pag malungkot!… more power!!!!

    Comment by boyeeh | August 28, 2010 | Reply

  10. naku, dedmahin mo na lang yung haters mo sa twitter. at dun sa nagsabing hindi kid-friendly yung tweets mo…eh, why is the kid on twitter in the first place? the site itself, eh hindi kid-friendly, pwede ka kaya mag-attach ng dirty twitpics dun, di ba? so kung responsableng adult sya, she should screen her kid’s internet activities.

    Comment by carmine | August 28, 2010 | Reply

  11. hi K nice blog may WowPopsters talaga ha? hehehe pwede mag member? i Love Sarah G and im excited na to watch “IDOL” super galing naman kc ng cast …
    and dun sa mga HATERS mga inggit lang sa yo un hehehe Dedma na lang …More Powers and God Bless …Happy Birthday pala sa anak mo ! Have a nice Party!

    Comment by einna hernandez | August 28, 2010 | Reply

  12. hay nako, teh. we love you. mas maraming nagmamahal at natutuwa sayo, ang mga haters na yan, keber. pektus lang katapat nila, hehe. may mga ganyang tao talaga. basta go ka lang dahil marami kaming mas napapasaya mo kahit gano ka pa kabalahura minsan, hahaha! oh well, bowel. go, sago! deadma sa mga yan, nakakawrinkles ang mga yan, teh.

    Comment by Sarrah | August 28, 2010 | Reply

  13. Love you K! gusto ko yung disposisyon mo..(lalim din un) hehe!

    Comment by reign | August 28, 2010 | Reply

  14. Dear teh thank you dahil ang bait mo saming mga popsters…
    sulit ang pagluwas namin para makita kayo ni Sarah…
    Lagi mo kaming napapasaya sa mga tweets and blogs mo sana wag kang magsawang magpasaya ng mga tao…
    you inspire a lot of people…
    We Love you…WAPOPSTERS

    Comment by poproroan22 | August 28, 2010 | Reply

  15. Napapanood ko nga teaser ng idol sa tfc mukhang maganda. Aabangan ko yan. Tama ka K ako natutuwa ako sa blog mo, nung nagkaproblema ako itong blog mo nakatulong, panandalian kong nakakalmutan problema ko. Keep it up! Yung mga nagsasabi ng negative, wag nlng pansinin mga hnd makuntento sa buhay mga yun Kaya laging my nasasabi lol

    Comment by jst17 | August 28, 2010 | Reply

  16. hello k.. natawa ako, napahalakhak, napangiti at na touch sa buhay mu.. ang kulet!!! or should i say ang lupeeeeet… khit di kita gnun ka kilala i know in my hart na mabuting kang tao… kip it up tehhh.. more power d2 sa blog mu… godbless you and your daughter….. love you k….

    Comment by perry | August 28, 2010 | Reply

  17. Thank u Teh K for making us laugh all the time!making us happy kahit di tau personally close,hehehe!napaka humble mo at down to earth..at mataas ang IQ level! wapaaakk!!kaya dahil dyan isang major major na Thanks sau!! We love you Teh! henmweh!

    Comment by Annehh | August 29, 2010 | Reply

  18. it’s nice to know that there are people so refresing & carefree as you are that exist in this world. i adore your attitude in life. all the best!!!

    Comment by tinaO | August 30, 2010 | Reply

  19. Hello Ms.K batiin nio nman po kami ng husband to be ko na si Martin Jensen sa video nio. were getting married on September 28.Sana magkaroon kau ng concert d2 sa Denmark.dami po pinoy d2 and they like you so much. we love you Ms.k.

    Comment by Francia | August 30, 2010 | Reply

  20. sino nang-away sa iyo sa twitter teh? gusto mo ipaghiganti kita. hehehe. dadaganan ko lang yun di na makahinga. teh napanood ko ang simply kc ang gaganda ng anak ninyo ni pokwang, maganda pala kayo palahian hehehe… isang american at japanese bread. grabehhh naiyak ako nun mapanood ko ang kayong apat na umiyak… tulo as in agos ang mantika ko tehhh pumayat tuloy ako ngayon hahahha…

    basta teh lagi lang kami nandito kami ang iyong kakultong tehh.

    Comment by kokai | August 31, 2010 | Reply

  21. Dedmaler na sa mga chakang inggitera!… bsta ak0 bet na bet ko mga jokes mo K!..

    waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaapppppppppppppppppppaaaaaaaaaaaaakkkkkkkkk!

    Comment by maKATHYpasahigad | August 31, 2010 | Reply

  22. ms. k just dont mind those paking people in the house yoh!hehehhehehe…basta pakatotoo ka lng tEHHHHH…we love you ng wapakk sagad sa buto…heheheh…mwahhh mwaahh mwahhh basta support ka lng namin ng bongaalor eklaboomboom powww…. sana makta na kita ng personal….

    Comment by erich | August 31, 2010 | Reply

  23. hahaha.. First time ko rito. infekness.. naiimagine ko ang ityura mo habang binabasa ko yung akda mo. galing. kipitap!

    Comment by Midnight Driver | September 1, 2010 | Reply

  24. Ms. K or better yet tehhh, I am a MassComm student, itatanong ko lang kung pwede kang magtanong ng ilang questions about Freedom of expression para makakuha kami mula sa perspective ng isang comedienne. Kahit recorded via ideo lang po yung mga sagot niyo sa questions namin para mapost niyo na rin po dito sa blog niyo. Salamat

    Comment by Yomel | September 1, 2010 | Reply

  25. tehh. tanong lang. para sa project ko. have you abused your freedom of expression? in what ways? H

    Comment by Yomel | September 3, 2010 | Reply

  26. magtatanong lang po tungkol sa freedom of expression. Do you abuse your freedom of expression? In what ways? Do you try to avoid abusing it? In what ways? How would you define freedom of expression in the perspective of a comediane and a blogger?

    Comment by Yomel | September 3, 2010 | Reply

  27. Sensya na, makikisingit lang… Kasi ngayon ko lang nababasa mga blog posts mo. Sabi nga nila, huli man daw at magaling, huli pa DIN hehehe… Oh, diba feeling close sa intro? Hehehe anyways K, totoo ka dyan, pagdating sa mga personal tweets mo o blog, walang pakialamanan. Well, sabi nga nila, ganyan talaga madaming haters. At tama ka, wag mo silang intindihin. Ang importante, nagiging totoo ka sa sarili mo. Besides, madami ka talagang napapasayang tao. Diko naman masabing idol kita, kasi wala naman akong artistang sinusubaybayan. Besides, wala kaming Filipino channel at minsan lang me makanood ng TV. Pero, gustong gusto ko talaga yung style ng pagpapatawa mo, natural na natural, sarcastic minsan pero tamang tama lang hehehe at witty ka!
    Although noon, naalala ko, palagi kita nakikita sa Eat Bulaga, ang ganda ng boses mo! Tapos na-cast ka pa as mayordoma sa teleserye nila Angelika Dela Cruz and Sunshine Dizon 😀
    Anyway, since parang nobela na ‘tong comment ko, puputulin ko na.
    More power to you!
    Sana, makapag perform ka dito soon sa L.A. 🙂

    Comment by LeaNLS | September 8, 2010 | Reply

  28. Sensya na, makikisingit lang sa comments section hehe… Kasi ngayon ko lang nababasa mga blog posts mo. Sabi nga nila, huli man daw at magaling, huli pa DIN hehehe… Oh, diba feeling close sa intro? Hehehe anyways K, totoo ka dyan, pagdating sa mga personal tweets mo o blog, walang pakialamanan. Well, sabi nga nila, ganyan talaga madaming haters. At tama ka, wag mo silang intindihin. Ang importante, nagiging totoo ka sa sarili mo. Besides, madami ka talagang napapasayang tao. Diko naman masabing idol kita, kasi wala naman akong artistang sinusubaybayan. Besides, wala kaming Filipino channel at minsan lang me makanood ng TV. Pero, gustong gusto ko talaga yung style ng pagpapatawa mo, natural na natural, sarcastic minsan pero tamang tama lang hehehe at witty ka!
    Although noon, naalala ko, palagi kita nakikita sa Eat Bulaga, ang ganda ng boses mo! Tapos na-cast ka pa as mayordoma sa teleserye nila Angelika Dela Cruz and Sunshine Dizon 😀
    Anyway, since parang nobela na ‘tong comment ko, puputulin ko na.
    More power to you!
    Sana, makapag perform ka dito soon sa L.A. 🙂

    Comment by LeaNLS | September 8, 2010 | Reply

  29. All the best K and God Bless! I admire your courage, strength, and independence. Most especially your love for your daughter. Soon you will reap what you have sown in HIS time.

    Comment by Pamela | September 8, 2010 | Reply

  30. Ooops! Sorry sa double post. Sensya na, minsan shoshonga shonga e hehe. \
    Anyways, gusto ko lang idagdag, medyo mali ata yung pagkakasabi ko na ‘Diko naman masabing idol kita’… Ang ibig kong sabihin e, fan mo ako, kahit wala akong idol na artista! hehehe
    Btw, ang ganda ng anak mo! At ang tangkad! Pwede pang-model 😀
    Yun lang!
    Sana mas maging successful ka pa!

    Comment by LeaNLS | September 8, 2010 | Reply

  31. busyng busy ka teh!!! wlang bagong chika.. teh!!!

    Comment by meme | September 10, 2010 | Reply

  32. More power to you K! Sana makadalaw ka dito sa New Zealand minsan!

    Comment by JDE | September 16, 2010 | Reply

  33. dear teehh,
    Bagamat huli na para mag comment ako. Kasi naman ngayon lang ako nagkamuang sa gantong mga bagay at super na enjoy ko, hindi kita malilimutan kumnta daw ba! At for sure super maadik na ako dahil kaw ang nagpasaya sa akin. Kip it up sana wag u magbago teh. Mula pa noong nakita kita sa 22nd st pa like na po kita super flawless nu kz at na enjoy ko talaga mga jokes mu. pagpatuloy nyo lang po gnagawa nyo. Godbless po

    Comment by siyarul | September 20, 2010 | Reply

  34. ay nako tehhh hayaan mo ung mga ayaw sau d un malaking kawalan… yan ang tehh namain palaban…. wapppaaaakkkk talga…. go go go… miss k

    Comment by XYRYN | September 21, 2010 | Reply

  35. galing galing mo tlg teh!! panalo! wapak! 😀

    Comment by Lexy | September 21, 2010 | Reply

  36. hi k, ok lng yn, ngpapaka22o k lng , parang ako ikaw e hehehhee…..kaso mas mgnda k nmn teh…..we love u teh

    Comment by jennie | September 21, 2010 | Reply

  37. weeeee… aliw much ako sa dear teh….kakaiba ka po talaga!!!!

    thank you rin po for being so nice to us!

    we love you from WAPOPSTERS!!!!hahaha

    Comment by leidabalili16 | September 23, 2010 | Reply

  38. ‘teh!

    hahahahaha!
    galing! dahil sa minsang pagbasa ko sa blog mo, i see to it na mababasa ko na lahat nung posts mo… dahil din sayo nag-twitter ako, dahil sayo at sa mga nasagot mong tanong– nareresolba ang pagod ko mula eskwela…

    kelan ka ba tatakbo bilang presidente ng Pilipinas?

    suportanta ka!

    Comment by jeraldlee | October 8, 2010 | Reply

  39. naku!!tlg nga nman ang pinoy katuwaan lng eh maxado siniseryoso bawal na bang magbiro?!hayaan mo na cla k basta kmi alam namin natutuwa kmi sau nakakawala ng pagkahomesick!
    basta stay true to yourself yan ka na noh!!saka napapnuod kita sa tv sus napakawholesome mo nga eh!!hihihi
    gudluck at sana lalo pang mamayagpag ang career mo major major!!!

    Comment by rian | October 24, 2010 | Reply

  40. basta teh K brosas…i love you….idol kita sa patawa, paguwi ko ng pinas hahanapin kita sa mga comedy bar gusto kitang mapanuod ng live…more power teh! dave from middle east

    Comment by davmel | October 26, 2010 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: