KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

another round ng JOKE time!! :)

so eto na….ang dami nyong na share na jokes kaso d ko mailagay lahat, sensya na ha….namili na lang ako sa opinion ko na havey! hehe…well…ewan ko lang kung matatawa din kayo! (nilagay ko twitter name kung kanino galing) at yung iba ay nakuha ko kung saan saan lang….laftrip time lang uli mga ka-kulto! enjoy!!…wapaaaaaak! 🙂

 

@eyron293–berto: uwing uwi nko pare! gusto ko ng hubarin panty ng misis ko eh!

juan: wow! hot na hot kna ba pare??!

berto: hindi!……..masyado ng masikip saken!!

 

@kbrosasfanpage–patient: doc! malungkot ako dito sa mental….kaya naisipan ko na sulatan ang sarili ko…

doc: ano naman laman ng sulat mo??

patiente: aba malay ko??!! next week ko pa matatanggap eh!!

 

@lovemyzephy–GIRL: manong magkano sa city hall?

TRICYCLE DRIVER: ikaw lang?

GIRL: ay bakit, hindi ka sasama??!

 

@pseudoleebieme– anak: tay ung tagakuha ba ng basura ay DANGTRAK?!

Itay: d anak,dumptruck twag dun tanga!! (may bubusina) o tabi ka…bka msagsaan ka ng TEN MILLER!!

 

@itsme_jovez18– Isang probinsyano nagrent ng room sa hotel…Prob: alam ko probinsyano lang ako kaya wag mo akong lokohin! bakit ganito room ko?Maliit!! walang kama at bintana!! mahal na mahal ng binayad ko tapos ganito lang??

Roomboy: Sir nasa elevator pa lang tayo.. Huwag kang excited!!!

 

@chestnuteyez– Ano ang ayaw ilagay ni Goldilocks sa buhok niya???…

Sagot: Red Ribbon!!

 

@iamronnel– ex bf: kamusta lovelife mo??

ex gf: eto….parang yang girlfriend mo ngayon…..hindi MAGANDA!!

 

@AkoSiAnnaMarie– Pedro at Juan manonood ng sine… Natigilan si Pedro.

Pedro: Uwi na lang tayo. Puno na.
Juan: Pano mo nalaman?
Pedro: Di mo ba nabasa yun sa pinto? ?!….PULL!!

 

@joyness29–  ngongo, tinakpan mata ng misis..

ngongo: nges hu??  (guess hu?)

misis: nges hu nges hu ka jan, kaw lang naman ngongo dito!!

 

Inspiring quote for me:

“Hindi ako tamad”….

“hindi ko lang alam kung saan ko ibubuhos ang kasipagan ko..”

–don’t make the same mistake twice..

madami pang kasalanan jan, try mo ung iba…

 

Pare 1: noong buntis ang misis ko.. paborito nya ang Lord of the Rings 2 Towers.. ayun.. kambal anak namin…

Pare 2: ang misis ko.. paborito nya yung The 3 Musketeers.. ayun.. triplets anak namin..

Biglang nanghina yung isang kumpare nila…

Pare 1 at 2: Bakit?? ano bang paborito ng misis mo??

Pare 3: 300!!!

 

Mister: adik talaga ako dito sa alimango

Misis: naku ingat ka sa cholesterol niyan!!! may kilala ako sa tondo na kumain ng tatlong matatabang alimango na puro aligue habang nakikipaginuman

Mister: talaga!!! tapos ano nangyari??

Misis: lumabas lang siya sandali para jumingle ayun bigla na lang bumulagta patay na!!!

Mister: inatake sa puso??

Misis: hindi, sinaksak ng adik!!! marami talagang loko dyan sa Tondo!!!

 

Mom: Pauwi ka na ba?? Asan ka na???

Son: andito po ako sa hospital…

His Mom cried: Ano nangyari sa yo????

Son: Nay, Nurse kaya ako!! sabog ka ba???

 

Preso sa silya elektrika:

Warden, may last request po ako…

Warden: ano yun???

Preso: hawakan nyo naman kamay ko.. moral support ba!!!

 

sa party, nilapitan ng isang guwapong lalake ang isang babae,

Lalake: sasayaw ka ba?

tuwang tuwa ang babae na tumayo..

Babae: yes!!!

Lalake: buti naman… paupo ha..

 

Misis: Hon, bakit ang dumi dumi mo at ang baho mo pa??!!!

Mister: nakita mo ba yung maliit na imburnal sa kanto naten???

Misis: oo!!

Mister: puwes.. ako!! hindi ko nakita!!!

 

Parrot: pag hinila mo itong kaliwa kong paa, kakanta ako.. pag kanan, tutula naman…

Boy: wow!!! galing naman… e paano kapag sabay ko hinila paa mo??

parrot: d mahuhulog ako!!! tanga ka ba??!!!

 

Boyet: inay ano po ulam natin??

Nanay: tingnan mo na lang sa ref natin anak

Boyet: eh wala naman po tayo ref hindi ba??

Nanay:Eh d wala tayong ulam, anak konting utak naman!!!

 

Anak: Tay, nasugatan ako!!!
Tatay: Buti nga hindi ka umiyak.. Lalaki talaga ang anak ko!!!
anak: syempre naman po tay, sabi nga sa kanta ni Fergie, “Big Girls don’t cry!!!”

 

“Hindi llahat ng kulot, salot!”  – Golddilocks

“Alam mo ba wala akong ibang hinangad kundi ang mapalapit sa iyo.
Pero patuloy ang pag-iwas mo”.  – ipis

“Sawang-sawa na ako, palagi na lang akong pinagpapasa- pasahan, pagod
na pagod na ako.”  – Bola

“Ginawa ko naman lahat para sumaya ka, mahirap ka ba talagang makontento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?  – TV

“Bwisit na buhay ito! Araw-araw na lang, itlog! Umaga, tanghali,
gabi, itlog! Itlog! Itlog! Lagi na lang itlog!”  -Brief

“Sige, kalimutan mo ako para malaman ng iba ang baho mo!  -deodorant

“Hindi lahat na walang salawal ay bastos!”  – winnie d’ pooh

“Bakit ayaw nyo pa rin sa akin kahit sosyal at maganda ako? Dahil ba mas sweet ang iba?”.  – Fruitcake

“Hindi lahat ng bubuyog, kulay itim!”  – Jollibee

“No matter how strong we hold on still there comes a time that we suddenly fall…”— butiki

 

Sa Math Class

Teacher: tanong, kung meron akong 1 piraso ng karne at hinati ko ito, ilang piraso na?
Buknoy: 2 po mam!!!
Teacher: at kung hinati ko pa pareho??
Buknoy: 4 piraso po
Teacher: hinati ko ulit
Buknoy: 8 piraso po
Teacher: hinati ko pa
Buknoy: 16 po mam
Teacher: hinati ko pa
Buknoy: 32 piraso po
Teacher: kung hinati ko pa ulit?
Buknoy: 64 po!!!(galit)
Teacher: hinati ko pa 2 beses ko pang hinati
Buknoy: buwisit ka mam!!! GINILING na yun!!! GINILING GAgo!!!

 

a man went to a pharmacy to buy condoms…

Saleslady: P2000 po ang isa sir..
Man: what?? bakit sobrang mahal???
Saleslady: kasi po pede nating i-try!

 

Do you know INNER ROW???

What is inner row??

Inner Row is that which comes before

Pibrerow
Marsow
Abril
Mayow…

 

Girl: Hon anong zodiac sign mo??
Boy: (nagisip siya dahil bobo hindi nya alam) sayo muna hon.
Girl:zodiac sign ko Cancer
Boy: sa kin Goiter!!!

 

Son: dad, may confess ako.. bakla ako.. huwag mo akong bugbugin please..
dad: ssshhhh! !wit ka loud baka ma-hear tayo ng mudra mez!! kapag 2 lang tayo, carry mo akong tawaging mother!!

 

Tatay:anak, gising na at kakain na tayo.. hinanda ko ang paborito mong ulam
Anak:talaga tay!!!
Tatay: hulaan mo.. may CHOP sa dulo??
Anak:aha!!! porkchop tay!! paborito ko yun eh!!!
Tatay: ketchop anak.. sige kain ka na…

 

Guy1: Pare parang i love you…

Guy 2: stop it pare!!! wag kang ganyan!!……just prove it!!!!

 

hanggang sa muli….smile!! wapaaaak! 🙂                                           k 🙂

 

 

 

 

 

October 9, 2010 Posted by | Uncategorized | 11 Comments