KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

another round ng JOKE time!! :)

so eto na….ang dami nyong na share na jokes kaso d ko mailagay lahat, sensya na ha….namili na lang ako sa opinion ko na havey! hehe…well…ewan ko lang kung matatawa din kayo! (nilagay ko twitter name kung kanino galing) at yung iba ay nakuha ko kung saan saan lang….laftrip time lang uli mga ka-kulto! enjoy!!…wapaaaaaak! 🙂

 

@eyron293–berto: uwing uwi nko pare! gusto ko ng hubarin panty ng misis ko eh!

juan: wow! hot na hot kna ba pare??!

berto: hindi!……..masyado ng masikip saken!!

 

@kbrosasfanpage–patient: doc! malungkot ako dito sa mental….kaya naisipan ko na sulatan ang sarili ko…

doc: ano naman laman ng sulat mo??

patiente: aba malay ko??!! next week ko pa matatanggap eh!!

 

@lovemyzephy–GIRL: manong magkano sa city hall?

TRICYCLE DRIVER: ikaw lang?

GIRL: ay bakit, hindi ka sasama??!

 

@pseudoleebieme– anak: tay ung tagakuha ba ng basura ay DANGTRAK?!

Itay: d anak,dumptruck twag dun tanga!! (may bubusina) o tabi ka…bka msagsaan ka ng TEN MILLER!!

 

@itsme_jovez18– Isang probinsyano nagrent ng room sa hotel…Prob: alam ko probinsyano lang ako kaya wag mo akong lokohin! bakit ganito room ko?Maliit!! walang kama at bintana!! mahal na mahal ng binayad ko tapos ganito lang??

Roomboy: Sir nasa elevator pa lang tayo.. Huwag kang excited!!!

 

@chestnuteyez– Ano ang ayaw ilagay ni Goldilocks sa buhok niya???…

Sagot: Red Ribbon!!

 

@iamronnel– ex bf: kamusta lovelife mo??

ex gf: eto….parang yang girlfriend mo ngayon…..hindi MAGANDA!!

 

@AkoSiAnnaMarie– Pedro at Juan manonood ng sine… Natigilan si Pedro.

Pedro: Uwi na lang tayo. Puno na.
Juan: Pano mo nalaman?
Pedro: Di mo ba nabasa yun sa pinto? ?!….PULL!!

 

@joyness29–  ngongo, tinakpan mata ng misis..

ngongo: nges hu??  (guess hu?)

misis: nges hu nges hu ka jan, kaw lang naman ngongo dito!!

 

Inspiring quote for me:

“Hindi ako tamad”….

“hindi ko lang alam kung saan ko ibubuhos ang kasipagan ko..”

–don’t make the same mistake twice..

madami pang kasalanan jan, try mo ung iba…

 

Pare 1: noong buntis ang misis ko.. paborito nya ang Lord of the Rings 2 Towers.. ayun.. kambal anak namin…

Pare 2: ang misis ko.. paborito nya yung The 3 Musketeers.. ayun.. triplets anak namin..

Biglang nanghina yung isang kumpare nila…

Pare 1 at 2: Bakit?? ano bang paborito ng misis mo??

Pare 3: 300!!!

 

Mister: adik talaga ako dito sa alimango

Misis: naku ingat ka sa cholesterol niyan!!! may kilala ako sa tondo na kumain ng tatlong matatabang alimango na puro aligue habang nakikipaginuman

Mister: talaga!!! tapos ano nangyari??

Misis: lumabas lang siya sandali para jumingle ayun bigla na lang bumulagta patay na!!!

Mister: inatake sa puso??

Misis: hindi, sinaksak ng adik!!! marami talagang loko dyan sa Tondo!!!

 

Mom: Pauwi ka na ba?? Asan ka na???

Son: andito po ako sa hospital…

His Mom cried: Ano nangyari sa yo????

Son: Nay, Nurse kaya ako!! sabog ka ba???

 

Preso sa silya elektrika:

Warden, may last request po ako…

Warden: ano yun???

Preso: hawakan nyo naman kamay ko.. moral support ba!!!

 

sa party, nilapitan ng isang guwapong lalake ang isang babae,

Lalake: sasayaw ka ba?

tuwang tuwa ang babae na tumayo..

Babae: yes!!!

Lalake: buti naman… paupo ha..

 

Misis: Hon, bakit ang dumi dumi mo at ang baho mo pa??!!!

Mister: nakita mo ba yung maliit na imburnal sa kanto naten???

Misis: oo!!

Mister: puwes.. ako!! hindi ko nakita!!!

 

Parrot: pag hinila mo itong kaliwa kong paa, kakanta ako.. pag kanan, tutula naman…

Boy: wow!!! galing naman… e paano kapag sabay ko hinila paa mo??

parrot: d mahuhulog ako!!! tanga ka ba??!!!

 

Boyet: inay ano po ulam natin??

Nanay: tingnan mo na lang sa ref natin anak

Boyet: eh wala naman po tayo ref hindi ba??

Nanay:Eh d wala tayong ulam, anak konting utak naman!!!

 

Anak: Tay, nasugatan ako!!!
Tatay: Buti nga hindi ka umiyak.. Lalaki talaga ang anak ko!!!
anak: syempre naman po tay, sabi nga sa kanta ni Fergie, “Big Girls don’t cry!!!”

 

“Hindi llahat ng kulot, salot!”  – Golddilocks

“Alam mo ba wala akong ibang hinangad kundi ang mapalapit sa iyo.
Pero patuloy ang pag-iwas mo”.  – ipis

“Sawang-sawa na ako, palagi na lang akong pinagpapasa- pasahan, pagod
na pagod na ako.”  – Bola

“Ginawa ko naman lahat para sumaya ka, mahirap ka ba talagang makontento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?  – TV

“Bwisit na buhay ito! Araw-araw na lang, itlog! Umaga, tanghali,
gabi, itlog! Itlog! Itlog! Lagi na lang itlog!”  -Brief

“Sige, kalimutan mo ako para malaman ng iba ang baho mo!  -deodorant

“Hindi lahat na walang salawal ay bastos!”  – winnie d’ pooh

“Bakit ayaw nyo pa rin sa akin kahit sosyal at maganda ako? Dahil ba mas sweet ang iba?”.  – Fruitcake

“Hindi lahat ng bubuyog, kulay itim!”  – Jollibee

“No matter how strong we hold on still there comes a time that we suddenly fall…”— butiki

 

Sa Math Class

Teacher: tanong, kung meron akong 1 piraso ng karne at hinati ko ito, ilang piraso na?
Buknoy: 2 po mam!!!
Teacher: at kung hinati ko pa pareho??
Buknoy: 4 piraso po
Teacher: hinati ko ulit
Buknoy: 8 piraso po
Teacher: hinati ko pa
Buknoy: 16 po mam
Teacher: hinati ko pa
Buknoy: 32 piraso po
Teacher: kung hinati ko pa ulit?
Buknoy: 64 po!!!(galit)
Teacher: hinati ko pa 2 beses ko pang hinati
Buknoy: buwisit ka mam!!! GINILING na yun!!! GINILING GAgo!!!

 

a man went to a pharmacy to buy condoms…

Saleslady: P2000 po ang isa sir..
Man: what?? bakit sobrang mahal???
Saleslady: kasi po pede nating i-try!

 

Do you know INNER ROW???

What is inner row??

Inner Row is that which comes before

Pibrerow
Marsow
Abril
Mayow…

 

Girl: Hon anong zodiac sign mo??
Boy: (nagisip siya dahil bobo hindi nya alam) sayo muna hon.
Girl:zodiac sign ko Cancer
Boy: sa kin Goiter!!!

 

Son: dad, may confess ako.. bakla ako.. huwag mo akong bugbugin please..
dad: ssshhhh! !wit ka loud baka ma-hear tayo ng mudra mez!! kapag 2 lang tayo, carry mo akong tawaging mother!!

 

Tatay:anak, gising na at kakain na tayo.. hinanda ko ang paborito mong ulam
Anak:talaga tay!!!
Tatay: hulaan mo.. may CHOP sa dulo??
Anak:aha!!! porkchop tay!! paborito ko yun eh!!!
Tatay: ketchop anak.. sige kain ka na…

 

Guy1: Pare parang i love you…

Guy 2: stop it pare!!! wag kang ganyan!!……just prove it!!!!

 

hanggang sa muli….smile!! wapaaaak! 🙂                                           k 🙂

 

 

 

 

 

Advertisements

October 9, 2010 - Posted by | Uncategorized

11 Comments »

  1. nyaaaha hah a hah ahaha h ah aha h!! Halos naihi naman ako dyan Teh! ULOL na Wapak na wapak pa!!!!!

    Comment by My_Taurian | October 9, 2010 | Reply

  2. Hi K…Thanks for sharing this jokes…As of now my mlki akong problem and nung mbasa ko mga jokes mo, i laugh…Thanks a lot…Sana makapagpost ka uli…Take Care always…:-)

    Comment by samiah | October 9, 2010 | Reply

  3. Hahaha, pnakamalupit ung inner row eh. Serious qng bnbsa.. Wapaak.. Un pala un. Inner row(enero) hahahaha. 😀
    buti nlng at nreplyan nko ni @kbrosas sa twitter. Haha. @albertmanahan18 remember? Remember m, remember e, put them together remember me.? 😀

    Comment by @albertmanahan18 | October 9, 2010 | Reply

  4. Haha. Aylabet. 😀

    Comment by Darwin Tuscano | October 10, 2010 | Reply

  5. sayaaaaa..
    Eto isa pa joke.
    Abogado: nasaan ka ng mangyari ang krimen?
    Saksi:sa damuhan po.
    Abogado:ano ang ginagawa mo:
    Saksi:tumatae po.
    Abogado:aa tantya mo ilang hakbang ka sa pinangyarihan ng krimen?
    Saksi:ewan ko sino ba kasi ang tumatae na humahakbang hakbang pa???

    Comment by pikoy101 | October 10, 2010 | Reply

  6. Napabunghalit ako ng katatawa teh! Hahahaha! Wapaakk ka talaga!! Weeeee! (timang na tili)

    Comment by Anneh | October 10, 2010 | Reply

  7. ngayon ko lang nabisita ang site mo at binasa ang mga blogs mo. salamat at kahit papaano napawi ng konti ang pagka-homesick ko dahil napatawa ako sa compilation of jokes mo… keep up the good work teh… you are unique in everything… God Bless you more…

    Comment by Saviena73 | October 10, 2010 | Reply

  8. JUDGE: isa ka palang pusher, kidnapper, gun for hire, gambling
    lord,

    swindler at bugaw! Wala ka bang matinong hanapbuhay?

    ACCUSED: meron po. Pulis po ako

    Comment by trippers19 | October 12, 2010 | Reply

  9. Hahaha ang galing!!! Next time ulit! Sobrang natawa ako

    Comment by jst17 | October 12, 2010 | Reply

  10. ganda tehh…
    Katawa talaga…
    Lols
    Keep up d gud work…

    Comment by truebluehere | October 15, 2010 | Reply

  11. your jokes are so funny! pls put all many jokes as u can its so fuuny im gonna die ~ love you k! godbless u wapak!

    Comment by elena | November 1, 2010 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: