KaBlog!

mula sa malikot na pagiisip ng inyong….TEH… k brosas :)

DEAR TEH…part 4 (bday special kuno!) sensya po at minadali! :)

MINADALI LANG AT BIGLAAN….HEHE…..SANA MAG ENJOY PA DIN KAYO! SALAMAT ULI SA MGA PAGBATI! WAPAAAAK! 🙂

July 15, 2010 Posted by | Uncategorized | 51 Comments

JOKE JOKE TIME ULI! :))

dahil sa wala akong magawa na naman at malamig ang panahon (anong kinalaman ng panahon??!!) ay nag compile uli ako ng mga jokes na para sa akin ay nakakatawa….hindi lang ako sure kung matatawa din kayo…hehe…basta napulot ko lang karamihan dito kung saan saan…..hindi po ako original gumawa….gusto ko lang i share….dahil dami namang natuwa sa unang compilation ko….(again galing sa mga comments nyo)…sensya na muna sa nagaabang ng “DEAR TEHHHHH” PART 4….easy lang….magagawa ko din yan! hehe….abangan!! so sa ngayon….tayo muna tumawa (assuming ako na matatawa talaga kayo noh?!) ENJOY PO!! WAPAAAAK! 🙂


Kriminal 1: Pare, sigurado ka bang dito dadaan yung papatayin natin?

Kriminal 2: Oo, nagtataka nga ako, 1 oras na tayo dito wala parin siya!

Kriminal 1: Sana naman wlang nangyaring masama sa kanya….TSK TSK!!



Patient: Magkano ang magpaface-lift?

Doctor: Complete treatment, P145000.

Patient: Ang mahal! Ano ba ang pinakamurang treatment para magmukha akong bata?

Doktor: Eto, tsupon, P20 lang! GAGO KA!




Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito?

Doktor: Oo naman. Sigurado ‘yon.

Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied?

Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.




JUAN: Pare, ang bilis kong nabuo ‘tong puzzle!

PEDRO: Talaga? Gaano kabilis?

JUAN: 5 months!

PEDRO: Tagal naman!

JUAN: Tagal ba ‘yun? Nakalagay nga dito: “for 3 years & up”!




At a funeral…

tatay: Tara na, Jinggoy. Alis na tayo!

anak: Kararating pa lang natin a!

tatay: Naku mahirap nang maiwan. Basahin mo o: “REMAINS WILL BE CREMATED.”




Tanga 1: Ano bang hinahanap mo diyan sa supot ng 3-in-1coffee…. Kanina ka pa silip nang silip diyan!!

Tanga 2: Hinahanap ko yung libreng asukal. Nakasulat kasi sa karton …”SUGAR FREE.”!




Q: Ano sa Filipino ang ‘chair’?

A: Salumpuwit!

Q: E ang ‘wheelchair’?

A: Salumpo!

Q: E ang ‘arthritis’?

A: Salompas!

Q: What about ‘vinegar’?

A: E di salumpia!

Q. Bakit ang oyster ayaw ibigay and kanyang perlas?

A: Dahil ang oyster ay shellfish




Pedro: may ka-eyebol ako mamaya.. anu kya itsura nia? kc sabi nya may kamukha daw syang celebrity!!…. “SH” ang simula ng name!!

Juan: jackpot ka, Pedro! Bka SHeri or SHaina!

(matapos ang eyebol, uwi c Pedro)

Juan: kamusta eyebol mo? Bakit ka mlungkot?? akala ko ba mukhang artista?!

Pedro: tama!! kamukha nya si…. “SHrek”!!




Ina: Anak matalino ka daw sa math sabi ng titser mo

Anak: Opo!!

Ina: sige kunwari binigyan kita ng 5 apples and 3 grapes. Ano ang sagot mo?

Anak: Thank you po!!




Nurse and the patient from mental hospital…

Nurse: Ano yang ginagawa mo??

Patient(baliw): Nagtatanim…

Nurse: Anu yang tinatanim mo.. Eh wla ka namang mga seed..

Patient(baliw): SEEDLESS NGA ‘TO!!! Adik ka ba?!?!




ANO SA TAGALOG ANG…….???

01) Contemplate – kulang ang mga pinggan

02) Punctuation – pera para maka-enrol

03) Ice Buko – nagtatanong kung ayos na ang buhok

04) Tenacious – sapatos na pang tennis

05) Calculator – tawagan kita mamaya

06) Devastation – sakayan ng bus

07) Pr otestant – Tindahan ng prutas

08] Statue – Ikaw ba yan?

09) Tissue – Ikaw nga!

10) Predicate – Pakawalan mo ang pusa

11) Dedicate – Pinatay ang pusa

12) Aspect – Pantusok o pandurog ng yelo

13) Deduct – Ang pato

14) Defeat – Ang paa (ng pato?)

15) Detail – Ang buntot (ng pato?)

16) Deposit ? Ang Gripo
(Call DIPLOMA if DEPOSIT is leaking)

17) City – Bago mag-utso; A number to follow 6

18] Cattle – Doon nakatila ang Hali at Leyna

19) Persuading – Unang Kasal

20) Depress – Ang nagkasal sa PERSUADING

22) Defense – Ginamit ng mga pangsulat sa kontrata
sa PERSUADING

23) It Depends – Kainin mo ang bakod

24) Shampoo – Bago mag-labing-isha (11)

25) Delusion – Maluwang (kapag maluwang ang damit,
eh DELUSION)

26) Delivery – Walang bayad. Kapag working lunch,
eh DELIVERY na ang tanghalian

27) Profit – Patunayan mo

28] Balance Sheet – What comes out after eating a
balance diet

29) Backlog – b acon saka egg

30) Beehive – magpakatino ka

31) CD-ROM – tingnan mo ang kwarto

32) Debug – ang ipis

33) Defrag – ang palaka

34) Defense – ang bakod

35) Defer – ang balahibo

36) Deflate – ang plato

37) Detest – ang eksamin

38] Devalue – ‘yon ang susunod sa letrang V

39) Devote – ang boto

40) Dilemma – brownout!, a!

41) Effort – ‘dun nagla-land ang efflane

42) Forums – apat na kwarto

43) July – nagsinungaling ka ba?

44) Liturgy – what comes after litur F

45) Thesis – ito ay…




A doctor was examining his patient from the Mental Hospital.

Doctor: Kung ikaw ay palabasin ngayon, ano ang gagawin mo?

Patient: Dok, titiradorin ko po ang buwan!

Doctor:Ikaw ay hindi pa pwedeng palabasin. E-examinin kita ulit pagkatapos ng anim ba buwan.

Pagkalipas ng anim na buwan….

Doctor:Kung palalabasin ka ngayon, ano ang iyong gagawin?

Patient: Doktor, ako po ay magaling na! Pagkalabas ko po ng ospital, ako po ay hahanap ng trabaho upang mamuhay ng maayos.

Doctor: Good! Pag nakahanap ka na ng trabaho, ano ang iyong gagawin?

Patient: Doktor, ako po ay manliligaw ng isang mabait, masipag at magandang babaeng pwede kong makapiling na pang habang buhay.

Doctor: (Gulat ang Doktor! Mukhang matino na ang kaniyang pasyente!) Pagkatapos niyong makasal, ano ang iyong gagawin?

Patient:Aba, Doktor, kami po ay mag-hahanimun!

Doctor: (Tanong ulit ng bilib na doktor) Ano ang iyong gagawin sa inyong hanimun?

Patient: Doktor, huhubarin ko po ang blusa at palda ng aking bagong asawa.

Doctor: Pagkatapos…?

Patient: Pagkatapos, huhubarin ko ang kaniyang bra at panty.

Doctor: Pagkatapos…?

Patient: Pagkatapos… kukunin ko lahat ng lastiko sa bra at panty at titiradorin ko ang buwan!




coming soon……DEAR TEH…….tumpaaaaak!!

K 🙂

July 13, 2010 Posted by | Uncategorized | 44 Comments

JOKE TIME!! wala lang….laftrip lang…wapaaak! :)

pahinga muna si TEH…pero wag atat at marami pang video blogs na dapat abangan…hehe…sa ngayon eto lang ang naisip ko na i-share sa inyo…compilation po ito ng mga jokes na napatawa ako ng palong palo….yung iba ay galing sa mga ka twitter ko at yung iba kung saan saan na…..siguro narinig o nabasa nyo na iba dito pero sana matawa din kayo….enjoy! wapaaaaak!

–ANAK: nay, bakit po shangrila name ni ate? NANAY: kasi sa hotel namin sha ginawa…..ANAK: eh si kuya toyota?? NANAY: kuya mo naman sa sasakyan….hay naku tigilan mo na ako ESKINITA! matulog ka na!

–Q- ano ang pagkain naa mabilis?? A– soPAS!… Q-anong pagkain ang mas mabilis??.. A:- PASta!! PASta!! nyeeee!

–KUBA: bwisit!! lagi na lang akong tinutuksong…kuba!! hmp!! makapag aral nga ng karate!!  (5 months later)….FRIEND: uyy!! ang galing galing mo ng magkarate ha! oh ano tinutukso ka pa rin bang kuba???  KUBA: hindi na!!……..NINJA TURTLE na!!

–TOOTHBRUSH: i hate my job!! ….BATHROOM TISSUE: asussss!!! yeah right!! gusto mo….palit tayo?!!

–(isang eksena magkasama ponkan at mansanas sa loob ng ref)….PONKAN: brrrrrrrr……(ngatog)…ang lamig naman dito!! gusto ko ng lumabas!! brrrrr…..grabe…sana makalabas na tayo! (sabay tingin kay mansanas)… MANSANAS:… hala!!! yung ponkan!……NAGSASALITA?!!?

–3 tanga nagsisiksikan sa maliit na kama…TANGA1: pare hindi tayo kasya bawas tayo ng isa… sa lapag nalang matulog! (bumaba si tanga 3) TANGA2: ayan pare maluwag na!!…. akyat ka na d2 !!

–ANAK: nay! galing ng teacher ko! ..NANAY: talaga? bakit naman? …ANAK: tinuruan kami ng…KAGANDAHANG ASAL…LOLA: eh di marunong ka ng gumalang at magsabi ng PO at OPO??                       ANAK: natural!! TANGA ka ba?!! ewan din sayo…..helllooooooowww?! hmp!

–BATA: pabili ng lugaw….TINDERA: may laman o wala??…BATA: syempre may laman!! pakain ko sayo ang mangkok eh!!

–BATA: pabili pong ubas….TINDERA: wala kaming ubas!! …(kinabukasan…) BATA: pabili nga pong ubas….TINDERA: wala nga kaming ubas!!..isa pang tanung.. iiistepler ko na yang bibig mo!! bwisit!..(kinabukasan…)…BATA: may istepler kayo???…TINDERA: wala…. bakit??!!….BATA: Pabiling ubas 🙂

–BOY: Sir apply akong sundalo!!….OFFICER: hindi puwede!!… ang dami mong sirang ngipin!.. bungi bungi ka pa!!….BOY: bakit sir??……ang gyera ba ngayon?……KAGATAN na?!?!

–Q and A GAMESHOW!! (parang tanga lang!)

1. Q: “Kung vegetarian ang tawag sa kumakain ng gulay, ano ang tawag sa kumakain ng tao?                                                                    A: …..”Humanitarian??”

2. Q: “Ang mga Hindu ay galing sa aling bansa?”                                                                                                                                                          A: “Hindunesia?!”

3.Q: “Ano ang tawag mo sa anak ng taong grasa?”                                                                                                                                                     A: “Baby oil?”

4.Q: “Saan karaniwang ginagawa ang mga sweets na ginagamit sa halu-halo?”                                                                                               A: “Sweetserland? “

5. Q: “Fill in the blanks – Beauty is in the eye of the ____.”                                                                                                                                        A: “Tiger?”

6. Q: “Kung ang suka ay vinegar, ano naman ang Inggles ng toyo?”                                                                                                                        A: “Baliw!”

7. Q: “Kung ang H2O ay water, ano naman ang CO2?”                                                                                                                                                A: “Cold water!”

8. Q: “Anong tawag mo sa kapatid ng nanay mo?”                                                                                                                                                         A: “Kamag-anak! “

9. Q: “Sinong higanteng G ang tinalo ni David?”                                                                                                                                                            A: “Godzilla?”

10. Q: “Ano ang mas malaki, itlog ng ibon o sanggol ng tao?”                                                                                                                                    A: “Itlog ng tao!”

–hinahanap ng mga NPA sina Juan, pedro at berting…..Nagtago sila sa sako sa bodega ng kamote…
NPA: san n kaya sila??!  hmmmmm.. baka nagtatago lang ang mga yun dito……check natin mga sako!!….

Sinipa ang sako 1
Juan: meow! meow!..
NPA: Pusa lang pala

Sinipa ang sako 2
Pedro: arf ! arf !…
NPA: aso lang pala

Sinipa pang sako 3
Berting; tahimik walang reaksyon
Sinipa ulit yung sako 3
Berting: wala ulit reaksyon
Sinipa ng sinipa ang sako 3
Berting: watdapaaaaakk!??! kamote ako….wala akong SOUND!!

–Boy: Miss may titulo ka ba?
Girl: wala bakit?
Boy: tingin ko kasi pag-aari kita
Girl: how sweet? ilang pages ka ba?
Boy: (naconfuse) bakit?
Girl: ang mo kapal kasi!!!!

–may dalawang magkapatid, si malaki at si maliit… sumulat si malaki sa kanyang tatay..

Dear Tatay,
ibili nyo po kame ng isang dosenang itlog at isang kilong baboy
ang inyong anak… malaki

inutusan ni malaki si maliit na ihatid ang sulat sa post office, habang naglalakad napaaway si maliit at ang sulat ay nagkapunit punit!!  pero pilit na binuo ang sulat sa pamamagitan ng tape para mabasa pa rin ng ama…eto kinalabasan….

Dear Baboy,
ibili nyo po kami ng isang dosenang anak at isang
kilong tatay.
ang inyong itlog… malaki

–Sa sabungan walang entrance fee ang may dalang panabong….eh walang pera si juan kaya naisip nya para makalibre pumasok sha na may dalang sisiw….

Bantay: hoy!! …ano yan?
Juan: (galit pa) ..manok!! bakit?
Bantay: alam ko!!.. eh bakit sisiw??
Juan: helleeeeeerr?? may laban ang ama niya siyempre… moral support!!.. tanga!!!

–Nanay: nak lutuin mo na yung sardinas..
AnaK: kakaliskisan ko po ba?
Nanay: tanggalin mo na rin ang hasang ng masulit ang katangahan mo hayup ka!!!

–Rod: Bakit badtrip ka ?
Harry: nagtampo skin ang u2l q.
Rod: Bakit naman?
Harry: nakalimutan ko kasi ang birthday nya
Rod: yun lang? anong masama run?
Harry: ang masam run…..Twins kami!!! TWINS!!!!!

–Bitoy: “Dagul, bakit ang pandak mo?”
Dagul: “Kasi, bata pa lang ako, ulila na ako. ”
Bitoy: “Anong kaugnayan nun sa pagiging pandak mo?”
Dagul: “Sira pala ulo mo! Wala ngang nagpalaki sa akin!!! ”

AYAN….sa sususnod na iba….na haggard nako….sana natawa naman kayo kahit very very light lang!! hehe…..hanggang sa muli…..smile!!  wapaaaaaaak! 🙂                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                             K 🙂

July 10, 2010 Posted by | Uncategorized | 37 Comments

DEAR TEHHHHHH…season 2 part 3..the video blog! (on the road!) :)

sensya na……napagtripan kong mag VLOG sa sasakyan! wapaaaak! enjoy pa rin! :)

July 6, 2010 Posted by | Uncategorized | 39 Comments

DEAR TEH…..vblog…SEASON 2 part 2 naaahhh! :)

dapat every “episode…kakaiba! wapaaaaak! hehe…enjoy!! 🙂

July 2, 2010 Posted by | Uncategorized | 40 Comments

DEAR TEH…….the VIDEO BLOG! wapaaaaaaak!! :))

eto na…..biglaan! walang script! bahala na lang…hehe….enjoy!

June 29, 2010 Posted by | Uncategorized | 45 Comments

ANO KAYA KUNG…….???? :)

ANO KAYA KUNG…..magsimula ako uli magsulat dito sa blog???…hehe….so eto na nman ako…lumikot ang isip……hmmmm….bago ang lahat, ang dami pong nagtatanong kung ano daw po next project ko, bakit wala ako sa tv, etc etc…well, unang una….hindi lang po paglabas sa tv ang aking “pinagkakakitaan”….im sooooo blessed kasi madami akong shows (live performances) at kahit papano may mga guestings din…pero again…wag ATAT! hehe…may ginagawa na po ako na teleserye..gusto ko mang ipagsigawan sa mundo dahil napakaganda nung project at palong palo ang role ko….eh…hindi pa pwede..”CONFIDENTIAL” pa! grabe di ba?? ibig sabihin nyan ganon ka bongga yung project namin sa ABS! pramis! kaya kaabang abang! ayan….ok na..ngayon, itong blog ko ay parang “THERAPY” sa akin, so i always find time na makapag sulat, at the same time..kaka adik ha! at syempre….masyado kayong demanding! haha! saya saya ko nga kasi natutuwa kayo…(punyeta dami kong sinabi ha!) so…eto, nagpauso ako sa twitter ng “ano kaya kung..” at daming sumagot….nakakatawa at nakakaloka! kaya gumawa ako ng entry….uunahin ko muna ang galing sa malikot kong pagiisip…eto na…

ANO KAYA KUNG..????……

– magkaroon ka ng bahay na super laki at ganda at ang taas na abot hanggang 4 floors??? ….pero wala kang….GROUND FLOOR?!! ehehehe….ang taray! nakalutang yung 2nd floor pataas….tapos d ka rin makakaakyat!

– ang BRA cup size mo ay………WORLD CUP?!!….gaano dapat kalaki dibdib mo at hindi kinaya ang cup A, cup B or even C and D??! hehehe..

– magkaroon ako ng napakalaking BILLBOARD sa edsa? yung tipong mula sa pasay kita sa…..north edsa?! ganon kalaki tapos super seksi at ganda ko don!!….pero may nakasulat sa baba na…..WAG TULARAN!! o…PABUYA 1 MILYON!!…o….NAKAKAMATAY….TULAD NITO (nakaturo sa posing ko) ahihihihi!

– magkaroon ng PORNO movie sa IMAX at 3D????…..imagine?!! bwahahahaha! siguro kapag yung lalake na nakahubad ang eksena…ang daming bading na……NAKA-NGA NGA! wapaaaaaak! peace! 🙂

– super perfect katawan mo at flawless….pero…..kasing liit ng…..MUNGGO mukha mo?? nyeeeee!!

-magkaroon ka ng THIRD EYE???…..LITERAL! sa gitna ng NOO???

haaaaaayyyy!! madami pa akong naiisip pero….mas gusto kong share sa lahat ang galing sa mga ka KULTO ko sa twitter na sobrang napatawa ako!!….eto po ang mga ilang palong palong ANO KAYA KUNG….??? nila….(at may sagot talaga ako ha! paalala…..pra mas effective, banggitin muna ang….ANO KAYA KUNG…after ng name nila! hehe)

galing kay- @tweetmosa— gaguhin natin… si lady gaga??!! (hindi ko na alam kung ano na tatawag sa kanya pag ganon na ka gaga! malamang….lady ULOL na! ang lala!!)

– @zainebarron— walang ibang pagkain sa pilipinas kundi….KAMOTE??! (nakngpucha! ang BAHO sigurado ng pilipinas! puro kabag mga tao! haha!)

– @parizhelle13— magkaroon ng competition ng pagbibilang ng buto ng…..ARATILIS??! (bwahahahahaha! goodluck syet!!)

-@TinMargaret— KANDILA na lang tao…..pag ihip mo…..PATAY agad!! (morbid pero natawa pa rin ako! ahahahaha!)

@oneaLbeRt— pwede ng i-BLUETOOTH ang….SEX?? (nyahahahaha! sure na sure ako na lahat naka……ON! at SHOWN TO ALL “device” nila! wapaaak!)

@cosmiceggs— kalasin ko ang ref namin…tapos…….I-ASSEMBLE ko lang uli?? (hehehe! ADIIIIKKK!! charozzz! natawa ako in fairness!)

@MengNiMako— dukutan ko ang……MANDURUKOT??! (tama lang!! go!!)

@imchristian26— maglista ako ng maingay sa…..PALENGKE?? (isa ka paaaaaa!!  good luck din!! hehe!)

@ilovemr_jikin— LUMABAS ako habang……pumapasok sa LOOB??? (ang guloooooooo! syet! )

@ninaalvarez26— mag apply na lang ako sa dunkin donut…taga butas ng donut gamit…..KARAYOM??? (BWAHAHAHAHA!)

@mikzzzs— mag tumbling tumbling ako sa kalsada habang malakas ang….ULAN?!! (nai-imagine ko toh! prang tangaaaaaaaa!!! )

@mejoguapo— pwedeng inumin ang….WHITE FLOWER….mas mabisa kaya pag ganon??? (ang sagot jan…..TRY mo! joke!) 🙂

haaaaaaayy uli! sarap tumawa! (well…sana lang natawa kayo)…. sobrang salamat sa inyong lahat…abangan ang DEAR TEHHHHH season 2! habang wala pa yon….mga kwento ko na lang muna pag tyagaan nyo!! hehe….i lab u all!! ayyy…last na….ANO KAYA KUNG??……mag 1 million hits tong blog ko??? syet! yun ang WAPAAAAAAK!! god bless all of us……SMILE! 🙂

K 🙂


June 26, 2010 Posted by | Uncategorized | 38 Comments

ang dating….noon! :)

oh…..wag atat!!.. hindi pa po ito ang season 2 ng DEAR TEH….wala lang akong magawa at biglang lumikot kamay ko (prang shoplifter lang ha! hehe) at bigla ko lang uli naisip ang nakaraan…masarap maging bata noh?? actually, may entry na ako na parang ganito, so parang part 2 lang ito….anyways… nung kapanahunan ko (syet! prang senior citizen nko?!) napaka simple lang ng buhay…..bigla ko lang naikumpara yung kabataan ko dahil sa anak ko na grade 7 na ngayon (12 yrs old going on….30!) napaka techy nya! naloloka ako! ano ba ang mga alaala ko nung kabataan ko?? balikan natin…..

dati…..MASAYA NAKO PAG…… may chocknut o tira tira (na halos dumugo ang gums ko sa pag sipisip!) sa katabing sari sari store…kasama jan ang palabunutan ng plastik baloon na may mga numbers at ang premyo….ITIK na kulay BLUE! kaso nung nanalo ako non….biglang umuulan…ayun! naging dilaw! syet! ….ang sarap maglaro ng LUTO LUTUAN…ingredients mo….gumamela, dahon ng macopa…at bonggang bonggang bonggangvilla na bulaklak! may mga kasama pa yang mini PALAYOK na pwede mo talagang paglutuan…masarap din magbasa ng FUNNY komiks….love ko si NIKNOK! at ang sarap maglaro at sumigaw ng….SYATOOOOOOOOOOO!! isama mo na rin ang jackstones (pro mas challenging saken yung…CHINESE version non na parang maliliit na unan!) saya din ang pagkolekta ng mga palara ng yosi para sa TEXT….kelangan mukha kang kundoktor sa dami na nakalagay in between ng daliri mo! at mula sa luksong tinik hanggang luksong BAKA! ….

NGAYON….kakaiba na talaga…ang layo sa kinalakihan ko na simpleng buhay…ang kabataan ngayon mejo nakakatakot na kasi bata pa lang ang dami ng alam! at syempre anjan ang computer…lahat ng tanong may sagot…..GOOGLE lng katapat! bihira ka na lng makakaita ng bata sa labas….lahat nasa…internet shop o sa mall! madami ding kabataan ngayon na sa murang edad ay….MAHAHAROT na! sad but true! haaaay….kakaiba na libangan nila…anjan ang sangkatutak na games sa computer…ang pagsulpot ng 3D experience na mga movies…anjan ang enchanted kingdom o star city! dati…..palong palo na pag nakasakay ka ng CHUBIBO! (tagalog po yan FERRIS WHEEL) ….haaay uli….how time flies… sana lang, kahit moderno na panahon ngayon ay hindi mawawala ang….PAGGALANG o respeto sa nakakatanda….ayan! na share ko lang….i gotta go…kasi nagpapa download pa ako sa anak ko sa computer para sa i touch ng…plants versus zombies game!! bwahahahaha!! sensya! sya nakakaalam kung pano eh… abangan ang season 2 ng DEAR TEHHHHHHHHHHHH……..kaya tuloy lang po ang pagpapadala ng liham thru ur comments at pipilitin kong sagutin sa kakaibang VERSION naman…exciting!! wapaaaaaaak!

K 🙂

June 24, 2010 Posted by | Uncategorized | 31 Comments

DEAR TEH…… the finale… (ng season 1 lang! may season 2 pahhhhh!)

tuloy tuloy pa din ang pag dating ng mga liham nyo….uulitin ko, hindi lahat ng problema o katanungan nyo ay kaya kong sagutin at yung iba….ayaw ko lang talagang….. sagutin! hehe…pasensya kung madami akong TYPO sa mga entries ko….hindi naman ako writer, at madalas ay sadyang…tatanga tanga ako sa spelling! (nagiging totoo lang!)….mejo minadali ko lang itong part 5 kasi masama ang pakiramdam ng ateh nyo! eto ang finale ng season 1 dahil may pinaghahandaan akong gagawin sa season 2….ehehehehe…

galing kay TRUEBLUEHERE— May crush po ako tehh…
Pinaparamdam ko sa kanya (slight…)
Pero di ko tlga sinasabi (Tell)…
Tapos nyan, as time went by…
Nagiging papansin xa tehh, in fairness, PAPANSIN EVER.!
Ginagalaw nya ako (touch lang), pero kapag pinansin ko na, nagsmasmile lang… (may tama yatah tehh)…
Tapos yung isa kong klasm8, nararamdaman na nya na may gusto ako dun sa girlalu.!
Kaya feel ko ramdam din nya na ramdam ko xa.!
Ang tanong ko po ay etoh.!..feel mo teh.? May gus2 ba sakin yung girlalu.? I.feel mo lang…

– una sa lahat….salamat at talagang may kasama pang translation sa english ang ibang sinabi mo….ginawa mo akong…tanga! hehe! joke!…anyways….napansin ko na puro pakiramdaman lang ang sitwasyon mo…try mong makipag usap….baka mas maliwanagan ka. unless….bulag sha at pipi! talagang hanggang FEEL lng ang mangyayari..mahirap mag assume…kaya dapat wag mong i-feel…..aksyonan mo na! lalo na at may  naka WITNESS na sa pagpapa cute mo! hindi ko masasabi base sa sinabi mo kung feel ka din nya….unless mag sit in ako sa klase nyo at makiramdam din…pero mapapayo ko lang ay…..NIKE…..JUST DO IT! wapaaaaak! 🙂

problema ni maKATHY pa sa higad— Advise naman jan.. kasi pinaglihi ako sa kalandian.. mag 1year na kami ng live in partner ko..Bisexual man sya at Transexual woman naman ako..super legal kami sa both family namin..napaka daming temptation sa ofis,, sa knila,, samen,, sa mga dati kong boylets.. pano ko ba maiiwasan un? ang hirap naman kasing mag reject ng mga boys kc mga yummy.. kagandahan kasi ako..muka daw ako lagi nang aakit dahil sa fez ko..pati yung laki ng b0obs ko..haha.. nagpa belo nako ng kabog kaya ayun nagkakagulo sila.. natatakot ako baka mahuli ako jowa ko pero hndi ko mapigilan.. may gamot ba dito? .. help! .. mua* (hndi ako nagyayabang te.. kc ayoko kami magkahiwalay nanghihinayang ako dhl super bihira ang maging ok sa both family ng relasyon namin.. kaya ayun.. help K ha..mua!)

– nakakaloka ka tehhhhh! ang ganda mo! at gusto ko pangalan mo….makathy pa sa higad! bwahahahaha! in fairness, bagay sa problema mo! peace….well….gaano ka ba kaharot?? pag ang higad ba itinabi sayo….mas mangangati pa yung higad?? ehehehe…..seriously…alam mo naman siguro na napaka swerte mo at may ka relasyon ka na tanggap ng lahat, at matagal na rin ang 1 year! isipin mo na lng na baka….BAKA wala ka ng makikitang partner na ganyan….kahit saan may “temptations”…..im sure meron din iniiwasan jowa mo…walang “cure” sa kaharutan….pero tanungin mo sarili mo….kung mahuli ka ng jowa mo at hiwalayan ka…..worth it ba ang mga panandaliang aliw??  🙂

napakagulong tanong ni conrad— tehhhh, kailan ba dapat magtanong at sumagot sa tanong? andaming tanong kasi, hehehe

– magulo talaga ang tanong mong yan….kung alam mo ang sagot sa bawat tanong, eh d sagutin ko…pero pag hindi ka nman tinatanong….bakit ka sasagot??….maraming tanong na walang kasagutan…..madami ding sagot na wala namang katanungan….syet! gulo!….so…kung inaakala mo na masasagot ko ang katanungan mo…..sa iba ka na lang magtanong….ewan din! hehe…(masagot lang!)…

problema ni jan— hi ms k this the first tym na maglalabas ako sayu ng problema hehehhehehehehehe tawagin nyo nlang ako sa pangalang kyler hehehehee by the way ito po ang problema ko ilalabas sa inyu kumuha na po au ng panyo hehehehehehehe kasi merun akong isang tao na sobra kon minahal ng lubos and then everytym na magkikita kame sa isang event ang saya saya ko yung tipong kailangan lagi ako maayus mabango para mapansin hehehehhehehe bu then nung hindi na kame nagkikita ng taong yun gawang parehas kameng mga busy sa kanya kanyang schedule lagi sya pa din ang laman ng puso at isipan ko hanggangsa pagtulog ko na nga lang napapanaginipan ko pa sya eh but then eto na yung masakit na part hehehehhee sa hindi inaasahang pagkakataon nagkita na naman kame nung taong yun pero hindi ko inaasahan na my ka holding hands na syang iba ang pakiramdam ko nun para akong nanghina ng mga sandalin yun para akong binaril ng 10 beses nung natapos na yung event na yun naglalakad ako sa kahabaan ng tomas morato na hinang hina ako eh nagkataon pah na umuulan tapos ilang buwan na anman kame ulit hindi nagkita tapos again again and again nagkita kame pero this tym panay naman ang tingin nya sa akin anu po ba ang dapat kong gawin ako nalang ang lumayo ng tuluyan o dedma nalang ako

– napansin ko lang jan na mahilig ka sa…..EVENTS….hmmmm….again, mahirap mag assume! kelangan pinaguusapan yan….wala talagang mangyayari kung hindi kayo naguusap…mahirap nman kung lalayo ka pero nasa utak mo ang WHAT IF?? kung mangagaling mismo sa kanya na hindi ka nya gusto, masakit man…at least alam mo….at EVENTually makakpag move on ka din… kaya next time na magkita kayo sa kahit anong EVENT…lakasan mo loob mo at prankahin mo na…..malay mo yon na ang pinakahihintay mong….MAIN EVENT! ahihihi 🙂

si mae na undecided— Gusto ko sana mag abroad, pero daming pumipigil sakin. lahat sila. maliban sa family ko, bakit kamo? kasi meron akong 2yrs. old na baby maiiwan. ang tanong dito teh. na gusto ko ng kasagutan. ANO ba mas maganda, iwan ko ang aking anak ng ganitong edad? o yung may isip na sya. like 8yrs. old.? sana matulungan mo ako makapag decide..

– alam mo mae….natawa ako sa sinabi mong “LAHAT SILA, MALIBAN SA FAMILY KO”…..so hindi pala LAHAT! sensya na…hehe……alam mo, sa tingin ko, kahit anong edad mo iwan ang anak mo, mahirap! kasi lahat nman ng ina, masakit na mahiwalay sa anak d ba?? pero sayang ang opportunity ngayon….unless yung offer abroad sayo ay anytime naman….kelanagn mo nga pagisipan yan mabuti…at ikaw lang pwedeng mag desisyon kasi ikaw naman ang mahihirapan sa sitwasyon hindi ibang tao….at para nman sa kinabukasan ng anak mo ang pag a-abroad….o baka nman mag babakasyon ka lang?? hehe…pray for guidance! wapaaak! 🙂

pasensya na at mukhang dito na lang muna kasi….nilalagnat na ang ATEH nyo…salamat sa mga walang kadala dala na sumusubaybay sa blog ko….may maganda akong binabalak na kakaiba sa “series” na to….abangan! hanggang sa muli….nagmamahal…….TEHHHHH….. 🙂


June 21, 2010 Posted by | Uncategorized | 30 Comments

seryoso?! minsan lang naman…bumawi sa mga kakatawang videos! wapaak! :)

maraming mga taong gusto kang i-push sa rurok ng tagumpay…syempre sino ba ang unang unang may gusto non kundi….ako! hindi ko masisisi kung makakarinig ako ng….hanggang jan ka na lang…kasi hindi mo kaya ito…ito…ito…lahat naman ng artista ay may kanya kanyang strengths at weaknesses…walang may kaya ng lahat, pwede mong i try pero kung hindi bagay….wag ng ipilit! tumatanggap ako ng mga suggestions na….k.. try mo to o gawin mo yan baka jan ka lalong sumikat…pero bilang isang “performer” for 15 years na…..alam ko ang kaya kong gawin sa hindi keri..minsan hindi ko na alam gagawin ko pra ma intindihan ng mga ibang tao na wag akong i down sa dahilang hindi ko magawa yung sinusuggest nila…i know maganda intentions nila, pero sana focus na lang on my strengths na di naman nagagawa ng iba…im not mad….just sad…even pressured! syempre sino ba naman ang may gustong makarinig na….hindi kana sisikat pag hindi mo kayang gawin ang ginagawa nila blah blah blah….or nakakasawa kana…haaaay….i try my best, pramis…ngayon ko nga lang na realize na kaya ko palang…MAGSULAT thru this blog….so ngayon nagsisimula na akong magsulat ng script or skit na KAYA kong ideliver na nakakatawa hindi lang in writing pro bilang “monologue” sa stage…ang hirap pala! kasi may nakakatawang basahin pero pag kinuwento mo na as a comedy act…parang hindi ganon ka palong palo! pero….sa totoo lang…nakakataba ng puso at nakakawala ng EMO mode ang napakaraming magagandang comments nyo dito sa blog ko at sa twitter at  FB…sobrang salamat po! i know as a fact na…IT IS IMPOSSIBLE TO PLEASE EVERYBODY……basta ako im trying my best na pagbutihin trabaho ko at i could honestly say na….proffesional ako at walang inaapakan na tao….sensya na kung mejo seryoso ako ngayon…pero tao lang naman…gusto ko lang i-share sa inyo ang nararamdaman kong pressure…again hindi ako galit, i accept constructive critisism…i just pray na magawa ko ang mga “expectations” ng iba…trial and error lng naman yan…pag havey GO! pag WALEY..wag  ng ulitin…hehe…anyways naglagay ako ng mga videos dito ng mga favorite kong panoorin pag nalulungkot ako (at kasama na rin videos ko na im sure karamihan sa inyo ay napanood na…) enjoy…be happy>>>>jollibee! wapaaaaaaak!– ATEHHH 🙂

ETO….NAKAKATAWA SOBRA! (PARA SA AKIN!) PRANG GUSTO KONG MAGING VENTRILOQUIST! hmmmmm….

ETO NAMAN…..PAG GUSTO KONG TUMAWA KAHIT UMIIYAK AKO…INSTANT LAFTRIP! ANG CUUUUTE!! (ay oo umiiyak ako minsan..tao lang po) 🙂

ETO PAAAAAAA! KALOKANG EVIAN COMMERCIAL! naknampuchang computer graphics!! sobrang cute!! 🙂

BWAHAHAHAHAAHA! YUN LANG! COMPILATION NG AMERICA’S FUNNIEST VIDEOS… 🙂


ETO NAMAN ANG “INTERPRETATION “KO NG TUWING UMUULAN…ginagawa ko yan 7 yrs na….habang kinakanta ni gladys (boxers pa kami non) bigla na lng naglikot kamay ko..(prang shoplifter lang! haha) ayun improptu….havey pala! hehe 🙂

IMPERSONATION NAMAN TO SA US TOUR NAMIN NAKUNAN…NAHIYA NGA AKO NUNG KUMALAT TO KC BAKA MAGALIt YUNG MGA GINAYA KO.. (buti wala pa naman hehe) remeber immitation is a form of flattery! wapaaaak! 🙂

ETO NAMAN….KULITAN LANG WITH THE SABADO BOYS NUNG NAG GUEST AKO SA CONCERT NILA…walang script yan….game sila kaya nakakatuwa! SAYA! 🙂

ayan…sana nag enjoy po kayo…….smile!!! i lab u all!! wapaaaaaaak!! till next time! 🙂 mwah! 🙂

June 17, 2010 Posted by | Uncategorized | 38 Comments